Chapter 2

1107 Words
NAKAUPO lang ako sa isang restaurant habang hinihintay ko si Sandra ang matalik kong kaibigan. Ito lang ang naging malapit sa akin simula nang maging kaklase ko ito noong high school. Kaya naman hanggang sa magtapos kami ng kolehiyo ay siya pa rin ang naging kaibigan ko. Ito rin ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Pareho kasi kami ng mga gusto, at katulad ko ay galing rin siya sa mayaman na pamilya… ngunit ayaw rin niya na ipinamumukha sa kaniya iyon. Ang gusto lang naming dalawa ay mamuhay ng simple. Alam ko na kilala ang mga magulang ko bilang isang magaling na negosyante sa business world, at kilala rin sa buong mundo ang pangalan namin. Ngunit ayokong makilala ako bilang isang mayaman lang, dahil gusto ko makilala ako bilang ako. Yung simpleng tao lang at kung ano ang mga bagay na taglay ko, hindi basta lang sa yaman ng pamilya na kinabibilangan ko. Nagulat ako nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa dala kong sling bag. Kaya naman kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita ko ang pangalan ni Mommy ay agad ko itong sinagot. “Hello mom,” saad ko ng sagutin ko ang tawag nito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang itong napatawag sa akin. “Sharlotte you need to go home. I have something important to tell you,” sabi nito sa ma-otoridad na boses kaya naman agad akong sumagot. “Yes mom, I’m on my way,” sabi ko at dali-daling sinuot ang bag ko at lumabas na sa restaurant na iyon. Agad ko rin naman tinext si Sandra na may importante akong gagawin. Pagkatapos kong ipadala sa kaniya ang mensahe ay naglakad na ako at nagtungo kung saan nakapara ang kotse ko. Pagsakay ko roon ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Sandra. Buti naman ay hindi ito nagtampo at naintindihan ako kaya naman ibinalik ko na ang aking phone sa bag ko at nag-umpisa nang magmaneho pauwi ng bahay. Hindi ko alam kung bakit mayroon akong kakaibang kaba na nararamdaman. Hindi rin mawala sa isip ko ang tono ng boses ni Mommy kaninang tumawag siya sa akin. Halatang napaka-importante ng bagay na sasabihin niya sa akin, kaya naman nagmadali ako sa pagmamaneho. Ilang minuto lang ang naging biyahe ko nang makarating ako ng bahay at nadatnan ko sa may sala ang aking mga magulang. Seryoso ang mga ito na nakaupo at hinihintay ako. Lumapit ako sa kanila at umupo sa pang isahang sofa. “Ano po ‘yung pag-uusapan natin dad?” agad na tanong ko sa kaniya dahil hindi na ako makapaghintay pa, kakaiba rin ang aking nararamdaman sa usapin na ito. “Anak, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa… nakatakda kang ikasal sa susunod na buwan sa anak na lalaki ng mga Chua,” saad ni daddy. Hindi agad ako nakapag-react sa sinabi niya, at ang huling kataga lang ang tumatak sa aking isip, at iyon ay ang ikakasal na ako. “WHAT?” biglang bulalas ko, at hindi ko na napigilan pa ang mapatayo sa aking kinauupuan. Hindi maari paano ako ikakasal sa isang lalaki na hindi ko pa naman nakikita at nakikilala. At bakit bigla-bigla na lang nilang sinasabi ito sa akin ngayon. Ngayong wala pa sa isip ko ang pagpapakasal ultimo boyfriend wala ako tapos ipapakasal pa nila ako sa isang estrangherong lalaki. “Hindi namin agad sinabi sayo dahil gusto namin na gawin ang mga bagay na gusto mo. Ngayon ito na ang tamang oras upang isagawa ang napag-kasunduan namin noon ng pamilyang Chua.” Wika ni mommy. “Bakit ako?! Bakit kailangan may gano’n na kasunduan? At ipapakasal niyo ako sa anak nila. For that arrangement!” Saad ko sa harap nila. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman kong galit, at hindi ko na inisip na mapasigaw sa harap nilang dalawa. “Watch your mouth, Sharlotte,” sambit niya at halata ang galit sa boses ni daddy. “Wala kang karapatan na sigawan kami ng mommy mo, magulang mo pa rin kami, at lalong wala kang karapatan na tumanggi sa kagustuhan namin. Ako pa rin ang ama mo, kaya ako ang masusunod dito,” saad niya. “Oo nga po, tama kayo magulang ko pa rin kayo, pero wala ho kayong karapatan na pilitin ako sa bagay na ayaw kong gawin. Hindi ko kilala ang lalaking sinasabi niyo, at lalong hindi ako magpapakasal sa kaniya,” matapang na sabi ko at saka mabilis na tumalikod sa kanila at nagtungo sa kwarto ko. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Mommy, ngunit hindi ko na ito nilingon pa. Galit ako sa kanilang dalawa. Bakit nila ginagawa sa akin ito? Ako lang ang nag-iisa nilang anak, at ngayon ipapakasal nila ako sa lalaking hindi ko kilala at hindi ko naman mahal. Pagpasok ko ng kwarto ay agad ko itong sinarado, at nahiga ako sa kama. Doon ko lahat binuhos ang luha at galit na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nila akong pilitin na magpakasal sa lalaking sinasabi nila. May karapatan rin naman ako bilang isang tao na pumili ng taong mamahalin ko at papakasalan ko. At ayokong matali sa isang lalaki na hindi ko naman mahal. Kung may gusto man akong makasama sa buong buhay ko ito ay ang taong magpapatibok ng puso ko. Yung taong mamahalin ako kagaya ng pagmamahal na ibibigay ko sa kaniya. Napaisip ako, hindi ako pwedeng tumunganga lang dito. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi makasal sa lalaki na sinasabi nila. Kaya naman agad kong kinuha ang phone ko upang tawagan si Sandra. Nakakatatlong ring pa lang nang sagutin niya ang tawag ko. “Hello bes,” sagot niya sa kabilang linya. “Bes kailangan ko ang tulong mo,” panimula ko. “Tulungan mo akong makatakas dito sa bahay bes, ipapakasal ako nila mommy sa anak ng mga Chua,” sabi ko sa kaniya. At sana naman ay matulungan niya ako sa balak kong pagtakas dito sa bahay namin. Alam kong magagalit sina mommy at daddy sa gagawin ko. Pero hindi ko pwedeng itali ang sarili ko sa kagustuhan nilang makasal ako sa lalaking hindi ko kilala at mahal. Ipinaliwanag ko lahat sa kaniya, at kung paano ang plano na gagawin ko. Pagkatapos namin mag-usap ay kinuha ko na ang maleta ko at inilagay roon ang ibang gamit ko. Desidido na talaga ako sa gagawin ko dahil hindi ko matatanggap na makukulong ako sa isang kasal na wala man lang kahit kaunting pagmamahalan. Napakasagrado ng kasal, tungkol ito sa wagas na pagmamahalan ng dalawang tao hindi yung pinilit lang at dahil sa isang kasunduan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD