Chapter 3

1337 Words
HANDA na lahat ng gamit ko, at lahat ng mga kakailanganin ko ay inilagay ko na rin sa mga bagahe ko. Talagang handa na akong umalis dito sa bahay masakit man. Kailangan ko pa rin silang iwan dahil hindi ko matatanggap ang gusto nilang mangyari. Hindi pa ako handang magkaroon ng asawa lalo na hindi ko man lang ito kilala. Nang natutulog na ang mga tao sa bahay, at ilang ilaw na lamang ang mga nakabukas sa buong bahay. Tahimik na ang buong bahay at tila tulog na ang mga tao kaya naman dahan-dahan akong naglakad dala-dala ang mga bagahe ko. unti-utni akong humahakbang upang hindi makagawa ng ano mang ingay. Pagkababa ko ng hagdan ay agad akong nagtungo sa maypinto at hinihit ito ng dahan-dahan. Isasara ko pa lang sana ang pinto ng biglang may sumulpot sa harap ko na nakaitim na tila ba’y parang isang magnanakaw. Sisigaw na sana ako sa takot ng biglang takpan nito ang bibig ko upang pigilan ako sa pagsigaw. “Gaga ako ‘to,” bulong niya sa may tenga ko. Pagkatapos kong marinig ang boses niya doon lang ako kumalma. “Bruha ka tinakot mo ko. Ba’t naman kasi ganyan iyang suot mo?” sabi ko sa kaniya. “Wala trip ko lang at saka para cool tignan,” sagot niya sa akin at saka na ako tinulungan sa mga gamit ko at sabay na kaming naglakad palabas ng gate. Kung saan nag-aantay ang kotse niya na sasakyan naming sa pag-alis. Nang tuluyan na kaming makalabas ng gate ay doon lang ako nakahinga ng maluwag dail sa kaba nab aka may makakita sa aming dalawa. Pagsakay naming sa kotse niya ay dali-dali niya itong pinaharurot papalayo roon. Nang malayo-layo na kami sa bahay naming ay biglang nagssalita si Sandra. “Bakit kasi ito pa ang naisipan mong paraan para lang makatakas sa mga magulang mo?” btaning niya sa akin habang abala sa pagmamaneo. “Eh ito lang ang naisip kong paraan para hindi nila ako maipakasal sa lalaki na iyon,” nakasimangot na sagot ko sa kaniya. Iniisip ko pa lang ako sa lalaking sinasabi nila mommy ay naiinis na ako. “Bakit hindi ka na lang kasi pumayag sa gusto nila tita malay mo gwapo yung lalaki na ipapakasal nila sayo,” sambit nito. “Kaibigan ba talaga kita ha?” inis na tanong ko sa kaniya pati ba naman siya. “Oo naman, ang sa akin lang naman bes para hindi mo na kailangan pang tumakas ng ganito,” pagpapaliwanag niya sa akin. “Eh sa ayaw ko ngang magpakasal at saka hindi pa ako handa. Hindi ko nga kilala ang lalaki na iyon,” sagot ko sa kanya. Tumango-tango na lamang siya at hindi na sumagot pa at nagpatuloy na sa kaniyang pagmamaneho. Dinala niya muna ako sa bahay nila, wala rin naman ang mga magulang niya dahil may business tour daw ang mga ito kaya mag-isa lang siya. “Saan mo ba balak pumunta niya? Hindi kita pwedeng itago dito sa bahay dahil siguradong makikita ka agad nila tita,” wika nito pagkababa namin ng kotse niya. “Kaya nga ikaw tinawagan ko kasi alam kong matutulungan mo ako sa problema ko,” saad ko sa kaniya. “Anak ng tokwa kang babae ka kala ko pagtakas lang ang role ko dito.” Sagot nito sa akin. “Bes naman kailangan kita ngayon kaya tulungan mo na ako baka alam na niyan nila mommy na wala ako sa bahay baka madatnan pa nila ako dito,” nagmamakaawang sambit ko. Pumasok muna kami sa loob ng bahay nila, at umupo sa sofa. Nag-iisip ng paraan kung paano ako makakaalis ng hindi nalalaman ng mga magulang ko. Habang nakaupo kami ni Sandra ay biglang pumasok sa may sala si Manang Agnes. Napatingin naman ako kay Sandra ng bigla itong ngumiti ng makita si Manang. At saka ito hinila paupo sa tabi niya. "Manang 'di ba nagpapaalam ka sa akin na gusto mong umuwi muna sa probinsya niyo?" tanong niya rito. "Oo hija. Bakit?" Pabalik na tanong nito sa kaniya. At pinagmamasdan ang itsura ng kaniyang alaga dahil halatang may naisip na itong paraan para sa problema ko. "Payag na ako Manang, pero may hihilingin ako Manang pwde niyo po bang itago doon si Sharlotte?" seryosong tanong nito kay Manang. Close sila ni Manang Agnes dahil ito ang nag-alaga sa kaniya simula pagkabata niya hanggang ngayon. "Eh bakit kailangan ko siyang itago?" Nagtatakang tanong nito sa alaga niya. Tumingin sa akin si Sandra, at ako naman ay tinanguan lang siya. Alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya naman nag-umpisa na akong magkwento kay Manang tungkol sa kalagayan ko ngayon. Noong una ay ayaw pa pumayag nito dahil ayaw niyang madamay sa problema ko, at kilala niya rin ang magulang ko dahil kaibigan ito ng mga magulang ni Sandra kaya naman malapit rin siya sa amin. "Nako hija...sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo na yan? Hindi madali ang plano mo na yan pero tutulungan kita," sagot nito. Kaya naman para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng pumayag ito na isama ako sa probinsya nila. "Opo Manang iyon na lang po kasi ang naisip ko na paraan para hindi ako maipakasal ng mga magulang ko," nagmamakaawang wika ko. Alam ko na hindi siya masyadong kumbensido sa kagustuhan ko ngunit hindi ito nagdalawang isip na tulungan ako. Kaya naman malaki ang pasasalamat ko kay Manang Agnes. "Sige isasama kita sa susunod na araw tayo aalis," paliwanag nito sa akin. Bigla naman humarang sa usapan namin si Sandra. "Manang hindi pwedeng sa susunod na araw pa kayo umalis. Kailangan ngayon na dahil hindi pwedeng maabutan si Sharlotte dito nila tita," sambit nito. Biglang naman tumunog ang phone ko, at nagulat pa ako ng makita ko ang pangalan ni Mommy kaya bigla akong kinabahan. "Bes tumatawag si Mommy," natatarantang sabi ko sa kaniya at pinakita sa kaniya ang screen ng phone ko. "I-off mo na phone mo," seryosong sabi nito, at kinausap pa ng masinsinan si Manang Agnes. Pagkatapos nilang mag-usap ay nagtungo kami kung saan ang kwarto ni Manang upang tulungan itong mag-impake dahil kailangan na namin magmamadali. Inihanda na ni Manang ang mga gamit niya, at tinulungan ko itong ayusin ang mga gamit na dadalhin niya sa pag-uwi. Habang si Sandra naman ay may kausap sa telepono. Kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtulong kay Manang upang makaalis kami agad. Patapos na kami sa mga bagahe na dadalin ni Manang Agnes ng biglang pumasok sa kwarto si Sandra at aligaga itong binitbit ang gamit ni Manang. "Halina kayo nasa labas na ang maghahatid sa inyo hindi kayo pwedeng abutan ni tita. Siguradong nagpapunta na ng mga body guards ang mga magulang mo dito Bes. Kaya habang maaga makaalis na kayo dito, at baka maabutan pa nila kayo," mahabang paliwanang nito sa akin. Kaya naman mabilis naming tinahak ang pinto palabas, at dali-daling sumakay ng sasakyan. Malayo-layo rin ang naging biyahe namin bago kami huminto sa isang malawak na lugar na kung saan may nag-aantay sa amin na helicopter na magiging sasakyan namin patungo sa nasabing lugar. Nang makababa kami ng kotse ay tinulungan kami ni Sandra na dalin doon ang mga dala naming gamit ni Manang Agnes. May tatlong lalaki rin roon na nag-asikaso sa amin. Mga body guards siguro ni Sandra ang mga iyon. Kaya naman lalo kami napadali. Una ng sumakay sa akin si Manang Agnes, at bago pa ako makasakay ay niyakao ko si Sandra. "Maraming salamat talaga bes," sambit ko sa kaniya, at tila ba parang gustong bumagsak ang mga luha ko. "Ano ka ba wala iyon, basta ipangako mo sa akin na tatawagan mo ako, at mag iingat ka doon ha," naiiyak na sabi nito sa akin. Marami pa siyang ibinilin sa akin bago ako tuluyan sumakay. At pagkasakay ko ay umandar na rin ito, at sa pag angat nito ay ito na rin ang panibagong pahina na sa buhay ko na kailangan kong harapin sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD