MATAGAL-TAGAL na rin akong hindi napapasyal sa Tarlac kaya naman sasama ako kila Tristan. Tuwing sasapit ang ka-fiestahan sa lugar ay lagi kaming pumapasyal dito, ngunit ng matapos kami sa pag-aaral. At nagkaroon na ng kaniya-kanyang trabaho ay madalang na lang namin mabisita ang lola niya.
Kaya naman iiwan ko muna ang trabaho ko, at sasama sa kanila. Matagal rin kasi kaming hindi nagkita-kita dahil abala sa mga trabaho namin.
Palabas na ako ng opisina ko ng makasalubong ko si Sabrina isa siya mga naging ka-flings ko na ayaw akong tigilan. Ilang beses na siyang nagpupunta rito ngunit hindi ako nagpapakita sa kaniya siguro nga kailangan ko na siyang kausapin.
“Why are you here?” seryosong tanong ko sa kaniya. Naiinis na rin ako sa araw-araw na lang na nalalaman ko na wala siyang tigil na nanggugulo dito sa opisina ko.
“Drake gusto kitang makausap please naman kausapin mo ko,” pagmamakaawa niya sa akin. Kaya naman inaya ko siyang tumuloy sa loob ng opisina ko upang hindi na ma-istorbo pa ang mga ibang empleyado ko.
“Anong gusto mong pag-usapan ‘di ba sinabi ko na sayo noong una pa lang,” wika ko habang nakatingin sa kaniya. tahimik lang siyang nakaupo sa harap ko, at tila nanahimik.
“Hindi ka ba magsasalita?” ulit na tanong ko sa kaniya. Hindi pa rin siya sumasagot kaya naman tumayo na ako, at maglalakad na sana ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad.
“I like you Drake,” sambit niya habang hawak pa rin ang kaliwang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya at sinuri ang mukha niya.
Heto na naman ako sitwasyon na ito. Ilang ulit ko bang sasabihin sa mga ito na hindi ako nakikipag relasyon sa mga nakaka one-night stand ko.
“I told you I’m not committing to any relationship,” seryoso na sabi ko sa kaniya, at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. lumabas na ako ng opisina ko, at iniwan siya roon. Kinausap ko na rin ang sekretarya ko upang siya na ang bahala kay Sabrina. Wala akong oras sa mga ganyang bagay, at marami pa akong kailangan gawin.
Hindi naman nila ako masisisi kong bakit ganito ako kagago. Kasalanan rin nila kong bakit ako naging ganito. At ayoko g pumasok pa sa isang relasyon na alam ko naman sa bandang huli ay lolokohin rin ako kahit ibigay mo man ang lahat ng gusto nila maghahanap pa rin sila ng iba.
Alam ko na gago ako dahil pinaglalaruan ko sila pero patas lang naman kami, dahil pare-pareho lang kaming nagbenefit sa ginawa naming. At saka maayos ko silang kinakausap kaya naman wala akong paki kong masaktan man sila sa ginawa ko.
Sumakay na ako ng kotse ko, at pinaandar na ito palayo sa gusali na iyon. Nasa kalagitnaan na ako ng biyahe ng tumunog ang phone ko. Nang tignan ko iyon pangalan ni Mr. Kim ang nakalagay isa sa mga mahahalagang kliyente ko kaya naman sinagot ko iyon.
“Hello Mr. Kim,” sagot ko sa kabilang linya.
“Mr. Reed kailangan mo ng mahanap ang anak ko habang maaga pa, dahil nalalapit na ang araw ng kasal niya,” ma-awtoridad na sabi niya sa akin.
“Sige Sir,” sagot ko sa kaniya. Marami pa kaming napag-usapan, at nalaman niya daw na nasa Cebu ito. Kaya naman kailangan kong pumunta roon. Nnag matapos ang tawag ay nagmaneho agad ako patungo sa condo ko upang kumuha ng gamit na dadalin ko patungong Cebu.
Hindi na rin ako makakasama kila Tristan dahil napaka-importante sa akin ng trabaho na ito. At malaki ang tiwala sa akin ni Mr. Kim kaya naman hindi ko kayang balewalain ito.
Inayos ko na ang mga gamit nadadalin ko, at pagkatapos non ay sinabihan ko na rin ang sekretarya ko na mawawala ako ng ilang araw sa opisina, at pinaliwanag ko na sa kaniya ang lahat ng dapat niyang gawin.
May tiwala naman ako kay Joy dahil sa tagal na niyang nagtatrabaho sa akin ay malapit na rin ang loob ko sa kaniya. at siya lang ang sekretarya na nakuha ko at matino. Maaasahan mo talaga ito sa lahat ng bagay, at masipag sa trabaho.
At kailangan niyang buhayin ang pamilya niya lalo’t lalo na may pamilya ito. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit siya ang kinuha ko dahil may asawa na ito at hindi na magkaka-interes pa na makipaglandian sa akin.
Nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit ko ay tinawagan ko si Tristan upang ipaalam sa kanila na hindi ako makakasama ngayon, dahil kailangan kong hanapin ang anak ni Mr. Kim.
“Hello bro,” wika ko ng sagutin niya ang tawag ko.
“Bro asan ka na?” tanong niya sa akin.
“Hindi ako makakasama ngayon bro,” sambit ko. At naupo sa may sofa at isinandal ang likod ko roon.
“Bakit naman ang dalang nalang natin magkita-kita wala ka pa,” Pagrereklamo nito sa akin. Alam ko rin kung bakit gusto niyang pumunta doon dahil may natitipuhan siyang babae na taga probinsya.
“May importante akong gagawin, at kailangan kong pumunta sa Cebu. Next time na lang ako sasama sa inyo,” sabi ko sa kaniya. alam ko na kukulitin pa ako nito hanggang sa mapapayag niya ako kaya naman nagpaalam na ako agad sa kaniya, at pinatay na ang tawag.
Nakasandal lang ako doon at nakatingin sa may kisame kung hindi ko lang kailangan ang tulong ni Mr. Kim upang lalo makilala at lumago ang firm ko ay hindi ko tatanggapin ang trabaho na ito.
At bakit pa kasi kailangan tumakas ang anak nito, at bakit kailangan niyang taguan ang taong pakakasalanan niya. Sa bagay sino ba naman ang gustong magpakasal. Ako nga ayaw matali sa isang relasyon kasal pa kaya.
Ilang minuto pa ako nagmuni-muni doon ng maisipan kong maligo muna bago ako umalis. Kalahating oras ang lumipas ng matapos akong maligo, at pagkatapos non ay nagbihis na upang makaalis na.
Nang matapos na ako sa lahat ng gagawin ko ay bumiyahe na ako malayo-layo rin kasi ito, at ilang oras ang biyahe. Habang nasa biyahe ay panay ang tawag sa akin ng mga gago kong kaibigan kaya naman hindi ako naboboring, iniiggit ako ng mga gago lalong-lalo na si Ajus.
“Sayang bro ang daming chika babes dito,” sambit nito habang nakavideo call kaming apat. Ipinakita ko lang sa kaniya ang gitnang daliri ko kaya naman nagtawanan ang iba pa naming kasama.
Hindi ko namalayan na nasa nakarating na kami sa may Airport dito sa Cebu kaya naman nagpaalam na ako sa kanila, at tinatapos ang pakikipag-usap. Tinawagan ko ang contact ko dito upang ihatid ako sa bahay na uupahan ko hindi na ako ng check-in sa hotel dahil baka matagalan ako.
At mas marami pa akong oras upang kaagad na makita ang anak ni Mr. Kim. Naglalakad na habang kinakausap si Joy dahil may tinatanong ito ng bigla may makabunggo sa akin.
Kaya naman nabitawan ko ang phone ko, at napatingin sa babaeng nasa harap ko na nahulog ang laman ng bag niya. Kaya naman pagkatapos kong damputin ang phone ko ay tinulungan koi to.
“Pasensya na,” paghigingi niya ng paumanhin sa akin habang abala pa rin sa pagpulot ng mga gamit niya hindi ko kita ang mukha nito dahil nakayuko ito.
“It’s ok,” wika ko. Nang matapos kami sa pagpulot ng mga gamit niya at tumayo na ito at doon ko lang nakita ang napaganda niyang mukha. Simple lang ito putting t-sirt na may konting design at jeans. At saka may eye glasses itong suot.
“Pasenya na talaga,” paghingi niya ulit ng paumanhin sa akin.
“Okay lang,” sabi ko sa kaniya. Pagkatapos ay nagpaalam na sa akin ito, at dali-daling naglakad papalayo. Ilang segundo pa ako nakatayo roon kung saan kami nagkasalubong hindi pa rin mawala sa isip ko ang imahe ng kaniyang mukha. Ngunit ng mapagtanto ko ay napailing na lang ako.
Ano bang nangyayari sa akin hindi pambababae ang ginagawa ko sa lugar na ito kung hindi ay ang gawin ang trabaho ko ay ang hanapin ang anak ni Mr. Kim. Hindi ko pa pala alam ang itsura niya. Kukunin ko n asana ang litrato na binigay sa akin ni Mr. Kim ngunit ng tignan ko ito sa bag na dala ko ay wala ito.
“s**t!” bulalas ko sa sobrang inis ko. Sa dami kong pwedeng maiwan bakit yun pa. Ipapa-email ko na lang mamaya sa sekretarya ko. Naglakad na ako palabas ng airport pagtapos non saktong naghihintay na sa akin ang sundo ko kaya naman sumakay na ako kaagad.
Ilang oras lang ang biyahe pero parang pagod na pagoda ng katawan ko. iniisip ko rin kung paano ko mahahanap nito ang anak ni Mr. Kim lalo na’t naiwan ko ang litrato na ibinigay niya sa akin.
May duplicate naman siguro ang mga ito kaya mamaya ko na lang poproblemahin iyon. Isinandal ko muna ang likod ko sa may sandalan ng kotse at ipinikit ang aking mga mata.
Habang nakapikit ako ay sumagi na naman sa isip ko ang itsura ng babae na nakabunggo ko kanina. Ano bang meron sa babae na iyon at lagi itong sumasagi sa isip ko.
Idinilat ko na lang ang mga mata ko at inabala ang mata ko na suriin ang mga nadaraanan namin. Malaki ito at maraming mga tao. Parang manila rin ito dahil maraming mga building maunlad rin ang lugar na ito at traffic rin.
Marami kasi ang mga tao na nadaraanan namin masaya ang paligid at maganda rito. Makikita mo rin ang malawak na dagat. Hindi mapagkakaila na marami ang dumadayo dito upang magbakasyon. Kaya naman siguro dito naisipan na magtago ng babae na iyon.
Mukhang mahihirapan akong hanapin siya rito pero bahala na. kailangan ko siyang makita sa madaling panahon upang maibalik siya sa mga magulang niya at para matapos na rin ang trabaho ko na ito.
Siya ang makakatulong sa akin upang lalong maging sika tang firm, at lalo itong umunlad. Malaki ang maitutulong sa akin ni Mr. Kim kung sakaling maibalik ko sa kaniya ang unica hija niya.
Huminto na kami sa isang bahay na hindi naman kalakihan, at may mga malalapit na bahay rin ang naroon. Bumaba na ako ng kotse, at nagpasalamt mo na ako sa kaniya. Iniabot niya naman sa akin ang susi ng bahay at saka na ito umalis.