SA pag-alis ko sa poder ng mga magulang ko ay ito na rin ang paglisan ko sa lugar na kinalakihan ko. Mahirap man para sa akin na lumayo, at iwan sila pero kailangan ko iyong gawin upang gawin ang mga bagay na gusto ko. At hindi ipilit sa akin ang mga bagay na hindi ko naman gusto.
Tulad ng pagpapakasal na lalaki na hindi ko naman kilala. May konting galit akong nararamdaman para sa kanila, ngunit magulang ko pa rin sila. Sila pa rin ang nagpalaki sa akin, at buhay kaya naman nandito ako ngayon.
Ngunit kahit ganon ay hindi ko sila mapagbibigyan sa kagustuhan nila sa pilitan akong ipakasal. Matanda na ako kaya naman hindi ako makakapayag na sila magdesisyon para sa kinabukasan ko at sa magiging buhay ko.
Alam kong gagawa ng para si daddy upang mahanap ako. Kaya naman sumama ako kay Manang Agnes dito sa probinsya upang mamuhay ng tahimik, at lumayo sa taong nakatakdang ipakasal sa akin.
Nang tumuntong ang paa ko sa lugar na ito, ay ito na rin ang panibagong buhay na haharapin ko. mahihirapan man ako sa umpisa ngunit kailangan kong harapin ito upang makausad ako.
Magandan naman dito sa Cebu parang Manila rin ito na kung saan ay maunlad at maraming mga establisyemento na nakaratayo sa lugar marami rin ang mga turista ang mga pumupunta rito. Dahil sa ganda ng lugar. Makikita mo rin ang malawak na dagat na kung saan ay ang sarap pagmasdan.
Nakakagaan pagmasdan nito na tila ba ay para kang sinasama sa bawat paghampas ng alon. Kahit konti habang tinitignan ko ang karagatan ay gumagaan ang pakiramdama ko.
Maraming naibigay na magandang ala-ala sa akin ang Manila ngunit kailangan kong tanggapin ang naging desisyon ko na ito at buo ng panibagong mga magagadang pangyayari sa buhay ko dito sa Cebu.
Ilang araw pa lang ang pananatili ko rito ay unti-unti naman na akong nasasanay dahil mabait naman ang mga taong nakakasalamuha ko lalong-lalo na si Manang Agnes hindi niya ako tinuring iba bagkus ay inaalagaan niya ako na para niya na ring tunay na anak.
Mababait rin ang pamilya ni Manang Agnes maganda ang pagtanggap nila sa akin. Kaya naman madali ko silang nakasundo. Pati na rin ang mga iba pa naming mga kapitbahay.
Sa pagpunta ko rito ay kinailangan kong palitan ang aking pagkatao kaya naman pinalitan ko ang pangalan ko bilang Kim. At nagsuot rin ako ng salamin at pinalitan ang kulay ng buhok ko upang hindi ako makilala ng mga tao na malapit kay daddy.
Kami nila Manang at Sandra ang nakakaalam sa sekreto ko kaya naman pati ang kamag-anak ni Manang ay hindi alam ang tunay kong pagkatao. Hindi mapagkakailala na kilala nila ang mga magulang ko dahil kilala ang mga ito sa larangan ng business.
At siguradong pinaalam na niya sa social media ang pagkawala ko kaya naman paniguradong pinaghahanap na nila ako. Mahal ko ang mga magulang ko ngunit hindi ko magagawa ang gusto nila. Alam ko galit rin niyan sila sa ginawa kong pagtakas ngunit gusto kong mabuhay na maayos na hindi ipipilit sa akin ang ayoko.
Mga ilang minuto pa ang lumipas, ay tumayo na ako sa kinauupuan ko dahil may pinapadaanan sa akin sa Airport si Manang. Kaya naman pumara na ako ng masasakyan ko upang makapunta roon. Naghahanap rin kasi ako ng trabaho na maaari kong pasukan upang makatulong rin ako kila Manang.
Nang makarating ako sa airport ay dali-dali kong hinanap si Nicole. Kaya naman naglakad-lakad na ako upang hanapin siya, kinukuha ko na rin ang phone ko sa bag ko ng biglang may mabunggo ako. Kaya naman tumapon lahat ng laman noon.
“Pasensya na,” paghingi ko ng tawad sa kaniya dahil alam ko na ako ang may kasalanan, dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko.
“It’s okay,” sagot niya naman sa akin at tinulungan ako sa pagpulot ng mga gamit ko. Pagkatapos non ay humingi ulit ako ng pasensya sa kaniya. At saka na ako umalis doon dahil nagtext na si Nicole at kailangan kong magmadali dahil may gagawin pa raw ito na trabaho.
Nang makalayo ako ay doon lang ako nakahinga ng maayos, hindi ko alam kung bakit biglang may kakaiba akong naramdaman ng mahawakan niya ang kamay ko. Gwapo naman ito, napakatangos ng ilong at nakapakisig ng katawan.
Hays ba’t ko ba pinupuri ang lalaki na iyon e…hindi ko naman siya kilala. Sabi ng isip ko ngunit hanggang sa makita ko si Nicole ay hindi pa rin mawaksi sa isip ko ang gwapong mukha ng lalaki na iyon.
Nang matapos kaming makapag-usap ni Nicole ay umalis na ako roon para umuwi na ng bahay. Siguradong kanina pa naghihintay si Manang. Nang makasakay na ako ay biglang sumagi sa isip ko ang imahe ng lalaki na nakabunggo ko kanina.
At sa tuwing naaalala koi to ay may kaka-iba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Pagkarating ko sa bahay ay agad kong hinanap si Manang upang ibigay sa kaniya ang pinadala sa akin na gamit ni Nicole.
Si Nicole ay isa sa mga apo ni Manang na kasing edad ko. Nagtatrabaho ito sa Airport. Siya rin ang unang naging kaibigan ko rito ng dumating ako magkasundo kasi kami. At parang nakikita ko sa kaniya si Sandra kaya naman agad-agad ko siyang nakapalagayan ng loob.
Kaming tatlo lang din ang magkakasama sa bahay. At tuwing wala siya ay tinutulungan ko si Manang sa mga gaawaing bahay. Marami naman akong alam sa mga gawaing bahay dahil tinuruan ako noon ng yaya ko.
Pati pagluluto ay sa kaniya ko rin nalaman kaya naman marunong akong magluto ng mga ulam at ibang pang pagkain. Nakakamiss lang dahil hindi na ako matuturuan pa ng ibang recipe ni yaya dahil wala na ako sa bahay.
Nang makauwi na ako ng bahay ay nagpalit lang ako ng damit na pangbahay, at naglinis na ng bahay. Si Manang naman ay nagpaalam lang saglit na mamimili sa palengki para sa hapunan naming mamaya.
Abala lang ako sa paglilinis ng bahay iyon lang naman ang naging gawain ko simula ng tumira ako rito. Minsan naman ako na ang naglalaba ng mga damit naming. Noong una ayaw pa akong payagan ni Manang ngunit matigas ang ulo ko kaya naman hindi niya na ako napigilan.
Unti-unti ko na rin nakakasanayan ang buhay dito sa probinsya masaya naman at tahimik ang pamumuhay dito. Mababait rin ang mga kapitbahay naming at minsan ay nakikipagkwentuhan ako sa mga ito.
Marami na rin akong kakilala kahit ilang araw pa lang ang pamamalagi ko rito. Hindi naman kasi sila mahirap pakisamahan at talagang matulungin ang mga tao rito.
Pagkatapos kong maglinis sa loob ng bahay ay lumabas naman ako upang magwalis sa paligid. Marami rin kasing tanim na halaman si Manang kaya minsan ako na ang nagdidilig sa mga ito.
May ilan-ilan rin kaming mga kapitbahay na bumabati sa akin sa tuwing nakikita nila ako. abala ako sa pag-aayos ng mga paso na nakakalat ng biglang may tumigil na sasakyan sa may tapat ng isang bahay malapit sa bahay na tinitirahan ko.
Bumaba ang isang lalaki nakatalikod pa ito at tila kinakausap ang driver ng kotseng sinakyan niya. Parang pamilya sa akin ang bulto ng katawan niya at ang kasuotan niya. Ngunit hindi ko na lang iyon pinansin hindi siguro mapapadpad ang lalaki na iyon rito.
Patapos na ako sa paglilinis at pag-aayos ng mga halaman ni Manang ng makita koi tong may kausap sa may kabilang bahay. Nakabalik nap ala ito, pinagmasdam ko lang siya saglit pangiti-ngiti pa ito sa lalaking kausap niya.
Nang mainitan ako ay pumasok na ako sa loob ng bahay upang maligo dahil malagkit na ang katawan ko sa pawis mainit rin kasi ang panahon ngayon kaya naman hindi maiiwasan ang pagpawisan.
Kumuha na ako ng tuwalya ko at saka pumasok ng banyo upang makapaligo na, at para matulungan na rin mamaya si manang sa paghahanda ng hapunan namin.
Nang matapos ako sa paliligo ay kumuha na ako ng damit ko at nag-ayos na rin ako dahil hindi pwedeng makita ni Nicole ang tunay na itsura ko. naglalagay rin ako ng ng salamin at konting make-up upang itago ang tunay kong itsura.
Ppagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto sakto naman na kakapasok lang ni Manang bitbit ang mga pinamili niya kaya naman tinulungan ko na ito.
“Ako na po rito Manang,” sabi ko sa kaniya at kinuha ang bitbit niyang gulay.
“Salamat hija, napatagal ang pakikipagkwentuhan ko sa bagong dating na kapitbahay natin.” Saad niya at nagtungo na sa may kusina upang ibaba ang iba niya pang dala.
“Ganon po ba,” sagot ko naman dail hindi ko naman alam kong ano ang pinag-uusapan nila kanina.
“Nako hija siguradong magkakasundo kayo ng binate na iyon. Ang bait niya at ang gwapo pa,” wika niya at tumingin pa ito sa akin sabay ngiti.
Hindi na lang ako sumgot at tinulungan siyang maghugas ng mga gulay na gagamitin naming sa pagluluto. Ako na rin ang nagprisinta na magbalat ng mga ito at maggayat.
Si Manang na ang nagluto ng hapunan namin. Habang abala siya sa pagluluto ay nanuod muna ako ng telebisyon. Abala ako sa panunuod ng biglang tumunog ang phone ko at ng tignan koi to ay tumatawag sa akin si Sandra.
Kaya naman sinagot koi to agad.
“Hello Bes,” sagot ko sa kaniya.
“Hello kamusta ka na diyan?” tanong niya sa akin.
“Ayos naman ako rito. Kalian ka pupunta rito?” tanong ko sa kaniya sinabi kasi nito na papasyalan niya ako dito pag wala na siyang masyadong ginagawang trabaho.
“Sa susunod na lingo,” masayang sagot niya sa akin. Kaya naman napangiti ako. Nagkamustahan pa kami at nagchikahan ng konti. Nalaman ko rin na hindi tumitigil ang mga magulang ko sa paghahanap sa akin.
Talagang hindi ko na sila mapipigilan pa sa kagustuhan nilang ipakasal ako sa lalaking iyon. Pero hanggang kaya kong tumakas at lumayo sa kanila ay gagawin ko wag lang akong makasal sa lalaking iyon.
Ang kasal ay napakahalaga para sa isang tao. Hindi ko alam kong bakit nagagawa ng magulang ko na ipagpilitan akong ikasal roon. Hindi ba nila naiisip ang mararamdaman ko, na kung sakaling ipakasal nila ako sa taong hindi ko naman mahal.
Ilang minuto pa kaming nagkausap ni Sandra, pagkatapos non ay nagpaalam na ito sa akin. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa dami ng napag-usapan namin ni Sandra kaya naman ng bumalik ako sa kusina tapos ng magluto si Manang at nakahain na rin ang pagkain kaya naman kumain na kami.
Pagkatapos naming kumain ni Manang ay ako na ang nagligpit ng mga kalat upang makapagpahinga na ito. Hinugasan ko ang mga marurumi, nang matapos ako ay nagtungo na rin ako sa kwarto ko upang makapagpahinga.
Nahkahiga lang ako sa kama ko habang nakatingin sa may kisame at nagmumuni-muni. Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho upang makatulong dito sa gastusin sa bahay hindi pwedeng laging sila manang na lang.
Kaya naman bukas na bukas kailangan ko ng magkaroon ng trabaho. Ilang minuto pa ako nagmuni-muni ng hindi ko namalayan ay nilamon na ako ng antok at tuluyan ng makatulog.