MAAGA akong nagising dahil kailangan kong maghanap ng trabaho, upang makatulong ako kahit papaano dito sa mga gastusing bahay. Iniwan ko lahat ng mga credits card ko, hindi ko rin naman magagamit ang mga iyon dahil malalaman ng mga magulang ko.
Ala singko pa lang ng umaga ay tumayo na ako upang maghanda ng agahan. Ganon na rin ang naging routine ko sa tuwing gigising ako ng maaga. dahil may pasok rin sa trabaho si Nicole. Nagluto lang ako ng ham, hotdog at saka fried rice. Pagkatapos kong magluto ay inayos ko na ang mga iyon.
Sakto naman ang paglabas ni Nicole galing banyo nakaligo na ito.
“Good Morning Kim,” bati niya sa akin.
“Good morning.” Balik na batik o sa kniya at saka na ito pumunta sa kwarto niya upang magbihis. Ako naman ay nagtungo na ng kwarto upang kunin ang tuwalya ko upang makapaligo na.
Nagtungo na ako sa banyo upang maligo upang makasabay ko si Nicole. Sasabay na lang ako sa kaniya at magtatanong-tanong rin ako sa kaniya kung saan ako pwedeng mag-apply ng trabaho. Marami kasi siyang alam na pasukan na trabaho dito, at may mga kakilala rin ito baka matulungan niya ako.
Nang matapos ako sa paliligo lumabas na ako ng banyo upang pumunta sa kwarto ko at magbihis. Nang makasalubong ko si Manang Agnes bagong gising lang ito.
“Magandang umaga Manang,” masayang bati ko sa kaniya.
“Magandang umaga hija. Mukhang may lakad ka ha,” tanong nito sa akin.
“Ah opo manang maghahanap po ako ng trabaho,” saad ko sa akniya.
“Hindi mo naman kailangan magtrabaho Sharlotte,” sambit niya nagulat ako ng tawagin niya ako sa tunay kong pangalan kaya naman napatingin ako sa paligid at baka narinig kami ni Nicole.
Malaking pasasalamat ko ng hindi pa ito lumalabas ng kwarto niya. Siguradong abala pa ito sap ag-aayos. Nagulat rin si Manang sa sinabi niya kaya naman napatakip ito sa bibig niya.
“Nako pasensya na Kim,” paghingi niya ng paumanhin sa akin.
“Ayos lang po Manang. Wag niyo po akong alalahanin at gusto ko pong makatulong sa inyo kaya sana po hayaan niyo akong magtrabaho,” pangungumbinsi ko kay Manang.
Napangiti naman ako ng tumango na lang ito at hindi na nagsalita pa. kaya naman nagpaalam muna ako na magbibihis ako sa kwarto. Isang simpleng blouse lang ang sinuot ko at jeans. Nagsuot lang din ako ng sapatos.
Nag-ayos na rin ako upang itago ang tunay kong itsura isinuot ko na rin ang salamin ko, at inilugay ang mahaba kong buhok. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng kwarto sakto naman na nadatnan ko si Manang at Nicole na nasa hapag kainan na.
Kaya naman sabay-sabay na kaming nag-agahan. Pagkatapos ay si manang na ang nagligpit dahil baka malate pa raw kami sa pupuntahan namin. Nagpaalam na kami ni Nicole at sabay ng lumabas ng bahay.
Pumara na kami ng masasakyan naming ni Nicole at ng makasakay kami ay tahimik lang kaming nakaupo.
“Sigurado k aba diyan sa paghahanap mo ng trabaho,” biglang tanong niya sa akin habang nakasakay kami.
“Oo naman. Nahihiya na rin ako sa inyo ni Manang,” sambit ko sa kaniya.
“Ano ka ba ayos lang iyon, ang iniisip ko lang baka hindi mo kayanin ang mga trabaho dito sa probinsya,” pagpapaliwanag niya sa akin.
“Ako pa ba,” pagmamalaki ko sa kaniya at umarte pa na malakas. Kaya naman napatawa ito at napailing na lang sa ginawa ko.
Sinabi niya rin sa akin na may kaibigan ito na pwedeng makatulong sa akin kaya naman tinulungan niya muna akong pumunta roon.
Ilang minuto lang ang naging biyahe naming ng makarating kami sa isang malaking souvenir shop. Maraming tao ang pumapasok roon kaya naman napaisip ako. Sikat talaga ang shop na ito dahil marami ang dumadayo dito.
Pagpasok namin sa loob ng shop ay iba’t-ibang uri ng souveneir ang mga roon. A talagang magaganda ang mga ito. Nakakamangha rin ang pagkakadisenyo ng sop nito at talagang organize ang mga ito na kung saan naka-arrange ang mga ito.
Nakasunod lang ako kay Nicole at abala sa kakatingin sa mga nakaroon na mga souvenir. Nang huminto ito sa may counter at kinausap ito sandal. Hanggang sa may lumabas na isang babae galing sa isa sa mga room na naroon. Ito siguro ang may-ari ng shop.
“Hi Nics,” bati sa kaniya ng babae. Maganda ito maputi ang napakasexy para itong modelo. Dahil sa taglay niyang ganda at tila ang gandang ng mukha.
“Hi Sab,” masayang bati ni Nicole dito at niyakap ito. Parang ngayo lang nagkita ang mga ito dahil mukhang sabik sila sa isa’t-isa.
“Kamusta ka na? Ang tagal munang hindi pumapasyal dito,” saad nito na parang may pagtatampo sa tono ng boses niya.
“Wag ka nang magtampo diyan narito na nga ako.” wika ni Nicole at saka ako hinla sa kamay.
“Ah Sab heto pala si Kim kaibigan ko na alaga ni Lola. Hihingi sana ako ng tulong sayo,” sambit niya na tila nahihiya sa kaibigan niya.
“Basta’t ikaw kahit ano. Ano bang tulong ang kailangan mo?” tanong naman nito sa kaniya.
“Si Kim kasi naghahanap ng trabaho, ditto ko siya naisipan dalhin baka sakaling matanggap siya dito sa shop mo,” saad ni Nicole.
“Tamang-tama kulang ako sa sale lady,” sabi nito. Kaya naman tuwang-tuwa kami ni Nicole.
“The best ka talaga Sab,” wika ni Nicole sa kaibigan at niya kayao ito. At ako naman ay nagpasalamat dito. Sa wakas ay may trabaho na rin ako makakatulong na rin ako kila Manang Agnes.
Nang usap pa sandal sila ni Nicole at bukas na bukas ay mag-uumpisa na ako sa aking trabaho. Pagkatapos nilang magkwentuhan ay nagpaalam na rin si Nicole rito dahil may trabaho pa itong si Nicole.
Paglabas naming ng shop masaya kaming naglakad ni Nicole palayo sa shop na iyon.
“Oh paano ba yan Kim maiwan na kita at kailangan ko ng pumasok sa trabaho,” saad ni Nicole.
“Sige Nicole maraming salamat sa pagtulong mo sa akin, ingat ka.” Sabi ko sa kaniya at saka na kami nagkahiwalay. Sumakay na siya ng tricycle patungo sa pinagtatarabahuan nila, at ako naman ay umuwi na ng bahay upang sabihin kay Manan gang magandang balita na dala ko.
Pagdating ko ng bahay ay wala taong roon baka lumabas si Manang kaya naman dumiretso na muna ako sa kwarto ko upang magpalit ng damit alas onse na rin ng tanghali ng makauwi ako.
Nang matapos ako magpalit ng damit na pambahay ay lumabas na ako ng kwarto ko. Sakto naman na narinig ko ang pagbukas ng pinto siguradong si manang iyon kaya naman dumiretso ako sa may sala.
Nakita kong nandoon si Manang ay may kasamang lalaki ng mapunta sa akin ang paningin niya ay ngumiti ito sa akin at tinawag ako.
“Oh hija nandiyan ka na pala, halika rito,” aya niya sa akin kaya naman naglakad na ako papunta roon. At umupo sa tapat ng lalaki. Nagulat ako ng makita ko ang itsura niya.
Siya yung lalaking nakasalubong ko sa airport noong isang araw. Hindi ko makakalimutan ang itsura niya dahil lagi na lang ito sumasagi sa isip ko simulang ng makabunggo ko ito noong isang araw. Napabaling lang ang tingin ko kay Manang ng magsalita siya.
“Hija, si Drake pala bago nating kapitbahay. Siya yung bagong datig diyan noong isang araw.” Pagpapakilala ni Manang sa lalaking kaharap ko.
“Drake hijo ito pala si Kim alaga ko,” wika ni manang. Tumayo naman ang lalaki sa harap ko at inilahad ang kamay niya. Kaya naman kinuha ko iyon at nakipagkamay sa kaniya.
“Nice meeting you again,” sabi niya sa akin at saka ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kaniya at saka kinuha ang kamay ko. natahimik ako dahil natatandaan niya pa ako.
“Nagkita na ba kayo,” biglang tanong ni manang sa akin.
“Ah opo manang siya po yung lalaking nakabungguan ko noong isang araw sa may airport,” pagpapaliwanag ko kay manang.
“Ganon ba. Hijo dito ka na mananghalian kami lang naman dalawa nitong si Kim,” pag-aaya ni manang sa kaniya. Hindi agad ito nakasagot at tumingin mo na sa akin ito bago niya sagutin si Manang.
“Sige po Manang,” sagot nito kay manang.
Tumayo naman na ako upang pumunta sa kusina tutulong na lang muna ako sa pagluluto. Si manang naman ay inasikaso mon a si Drake doon bago pumunta ng kusina.
“Manang ano po baa ng iluluto niyo ngayon?” tanong ko sa kaniya.
“Mag-aadobo ako ngayon hija,” sagot niya sa akin.
“Sige po tulungan ko nap o kayo manang,” sabi ko sa kaniya. at kumuha na ako ng mga sangkap na kailangang hiwain. Tulad ng bawang at patatas ako na rin ang nagluto ng sinaing upang mapabilis ang pagluluto niya.
Mga kalahating oras ang lumipas ng matapos kami ni Manang kaya naman tinawag niya na si Drake na nasa sala, at inaya na itong kumain. Saby-sabay kaming nananghalian at habang kumakain at panay ang tanong ni Manang kay Drake at minsan naman ay nakikipag-usap rin ito sa akin.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay nagkukuwentuhan lang ang mga ito kaya naman ako na ang nagligpit ng mga pinagkainan naming. Nasabi ko na rin kay manang na may trabaho na ako kaya naman masaya ito na balitang sinabi ko.
Nang matapos naman ako sa paghuhugas ng mga marumi ay lumabas na ako ng kusina, at nagpunta sa may sala kung nasaan sila ngunit naabutan ko na paalis na si Drake ay may gagawin pa raw ito kaya naman nagpaalam na ito sa amin.