Chapter 7

1537 Words
NANG makaalis si Drake ay hinila agad ako ni manang sa may sofa. “Hindi ba sabi ko sayo ang gwapo niya hija, bagay kayo.” Saad nito na parang teenager at parang kinikilig. “Manang wala po akong oras sa mga ganyan,” sabi ko naman sa kaniya, at inabot na lamang ang remte ng T.V upang buksan ito. “Malay mo naman magkagusto ka sa kaniya,” pamililit niya pa sa akin. At gustong-gusto niya kay Drake para sa akin. “Eh ‘di ba po manang kaya ako tumakas sa bahay dahil ayaw kong magpakasal,” wika ko. at tinuon ang mata ko sa pinapanuod ko. “Hindi mo naman kasi kilala yung lalaki na iyon, at baka si Drake na ang susi para hindi ka nila maipakasal roon kung sakaling maging kayo ni Drake,” sabi niya sa akin kaya naman nabaling ang tingin ko sa kaniya. “Manang naman paanong magiging kami eh hindi ko nga siya masyadong kilala, at saka malabong magkagusto sa akin iyong lalaki na iyon,” pagtatama ko sa kaniya. para itong kaibigan ko na kasing edad ko lang, dahil siya pa ang naghahanap ng lalaki para sa akin. “Ay basta wag kang masyadong magsalita ng patapos baka sa bandang huli bumalik sa iyo yang mga sinasabi mo,” sabi niya sa akin at iniwan na ako sa may sala. Ako naman ay naiwan doon na nakatingin lang sa pelikula na kanina ko pa pinapanuod ngunit hindi ko maintindihan. Napapaisip ako sa sinabi ni Manang, at hindi ko rin siya maintindihan kung bakit pilit niyang sinasabi sa akin yung Drake na iyon. Bigla naman sumagi sa isip ko ang mukha ni Drake. Gwapo naman ito, matangos ang ilong may, magandang mga mata, at napakapula ng labi nito. Napakakisig rin naman katawan nito at parang lagi ito sa gym. Napailing ako sa naisip ko bakit ko ba pinupuri ang lalaki na iyon. Mukhang mayabang naman ito, at parang babae dahil sa gwapo nito malamang maraami ng napaiyak na babae. Nawalan na ako ng ganang manuod, dahil nawala na rin ang focus ko sa pinapanuod ko at saka hindi ko na rin ito maintindihan kaya naman pinatay ko na iyon. Pumasok ako sa kwarto ko upang magpahinga na muna uoang magpahinga. Wala rin naman akong gagawin kaya naman itutulog ko na muna ito. Nakahiga lang ako sa kama ko, at ilang beses na rin akong pabaling-baling ngunit hindi ako dinadalaw ng antok. Kaya naman kinuha ko na lang ang phone ko at naglaro doon, para mawala ang pagkabored ko. Hindi rin naman ito umepekto kaya naman naman tumayo na ako, at lumabas ng kwarto. Maglalakad-lakad na lang muna siguro ako, at saka na ako bibili ng mga kulang ditto sa bahay. Nagpalit na ako ng damit at saka ako nagpaalam kay manang na mamamasyal lang ako sagli. Pumayag naman ito dahil aalis rin naman ito, at pupuntahan ang kumara niya upang ibigay ang mga pinatahi nito sa kaniya. Iyon ang trabaho ni manang dito sa probinsya bago pa siya mapunta sa Manila at nagtrabaho kila Sandra. Ito rin ang pinagkukunan niya ng panggastos upang matustusan ang araw-araw niyang pangangailangan noon. Naglakad na lamang ako upang maenjoy ko ang magandang view ng dagat. Gusto ko rin kasing makita ito kaya naman namasyal ako, wala rin naman akong ginagawa sa bahay, at baka maging busy na ako sa trabaho ko at hindi na makapasyal dito. Nagtambay pa ako sa doon at bumili ng mga street foods. Nakaupo ako roon habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Biglang sumagi sa isip ko ang magulang ko. Kamusta na kaya sila ngayon? Tanong ko sa isip ko. Mahirap man sa akin na lumayo at hindi sila makasama pero kailangan kong gawin ito para sa sarili kong kapakanan. Alam ko nagalit nag alit sa akin niyan si daddy dahil nasira ko ang kasunduan nila ni Mr. Chua dahil sa pagtakas ko. Sana lang dumating yung panahon na magbago ang desisyon nila. At pakinggan ako sa naging desisyon ko ngayon na iwan sila. Nahihirapan ako ngayon dahil malayo ako sa kanila at sila ang kasama ko simula bata ako pero ngayon narito ako sa Cebu upang magtago. Pero kahit ganon kinakaya ko pa rin na kahit minsan ay namimiss ko sila pero hindi ko kailangan panghinaan loob dahil ito ang pinili ko e…kaya kailangan kong harapin ang magiging bunga nito. Kalahating oras ang tinagal ko roon ng maisipan ko ng duman sa may grocery store upang mamili roon. Hindi naman masyadong marami ang mga namimili kaya natapos rin ako kaagad. Hapon na ng makauwi ako ng bahay, at si manang ay nanunuod lang ng pelikula. “Oh hija nandiyan ka nap ala,” nang mabaling sa may pinto ang kaniyang paningin at nakita niya ako roon. “Opo manang namili na rin po ako ng mga kulang na pangsangkap dito sa bahay,” sabi ko sa kaniya, at nagpaalam na aayusin ko na muna ang mga iyon. Nang mailagay ko na sa mga kaniya-kaniyang lagayan ang mga pinamili ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Tila napagod ako sa pamamasyal ko kaya naman nahiga muna ako sa kama ko, at hindi ko namalayan ay nakatulog ako. Malakas na boses ni Nicole ang narinig ko kaya naman napagising ako, at pagmulat ng mata ko ay siya agad ang nakita ko. nagtataka ako kung baki narito na ito kaya naman napatingin ako sa orasan na nasa side table ko. Nagulat ako ng makita ko ang oras, at als nuebe na ng gabi. Nakatulog pala ako at hindi ko namalayan ang oras kanina pa pala ako natutulog. “Hoy babae ka indi mo sinasabi sa akin na may bagong chupapi diyan sa kabilang bahay,” pagrereklamo nito sa akin. “Sinong chupapi naman ang pinagsasabi mo?” tanong ko sa kaniya. At saka bakiit ang agang nakauwi nito ngayon. Ang pagkakaalam ko mamayang alas diyes pa ang out niya sa trabaho. “Magdeny ka pa diyan, sinabi sa akin ni Aling Tess na may pumuntang lalaki dito kanina,” sambit nito. “Ah si Drake ba yung tinutukoy mo?” paninigurado ko sa kaniya. “Drake ba ang pangalan nung chupapi na iyon,” sabi nito at parang kinikilig pa sa nalaman niya. Hay kahit kalian talaga basta lalaki ang usapan napakabilis nito. “Oo iyon lang baa ng itatanong mo kaya mo ko ginugulo ngayon,” sabi ko sa kaniya at tumayo na para lumabas ng kwarto ko nagugutom na ako, kaya naman dumiretso ako sa kusina. “Magkuwento ka naman kung ano ginawa niya dito kanina, at saka balita sa akin ni Aling Tess napakagwapo daw nito, at matipuno.” Saad niya at saka umupo sa tapat ng upuan ko. Ako naman ay inaabala ang sarili ko sa pagsandok ng pagkain namin. Paniguradong hindi pa ito kumakain dahil mukhang kakauwi lang nito at dala pa ang gamit niya. Hinayaan ko lang siyang sa pagpapantasya roon at magsabi-sabi. Nang matapos na ako sa paghahain ng pagkain naming ay nagtanong na naman ito sa akin. “Gwapo ba talaga siya Kim?” tanong nito sa akin. “Pwede na.” maikling sagot ko sa kaniya, at nag-umpisa ng kumain. Tanong pa rin ito ng tanong tungkol kay Drake kung bakit ito nagpunta sa bahay kaya iyon sinagot ko na lang ito para manahimik na siya sa kakatanong sa akin. Pagtapos naming kumain ay nanuod muna kami ng movie, at nagkukuwentuan na rin ng mga iba’t-ibang bagay. Napag-usapan rin naming ang tungkol sa pag-ibig kaya iyon lalong napahaba ang usapan namin kahit wala naman akong kaalam-alam sa mga ganon dahil hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend. Nang mapagod siya kakadaldal at hating gabi na rin iyon kaya naman natulog na kaming dalawa. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil hindi ako pwedeng malate sa trabaho koi to ang unang araw ko roon. Naligo na ako at nakapagluto na rin ako ng almusal naming tatlo. Nauna na rin akong kumain sa kanila dahil maaga akong aalis ngayon at nag-iwan na lang ako ng note sa may lamesa. Nang makarating ako sa shop ay bukas na ito ngunit wala pa ang mga ibang nagtatrabaho rito. Nakita ko yung isang babae na nasa counter kaya nilapitan ko ito. “Hi! Good Morning,” masayang bati ko sa kaniya. “Hello, ikaw ba yung bago?” tanong nito sa akin. “Ah oo ako nga,” sabi ko sa kaniya “Ako nga pala si Mae,” pagpapakilala nito sa akin at inilaad ang kamay niya. Kaya naman kinuha koi yon at nakipagkamayan sa kaniya. “Kim,” maikling wika ko. Ngumiti naman sa akin ito, at saka ako tinuruan ng mga dapat kong gawin habang wala pa ang iba naming mga kasama. Mabait naman ito sa akin at binigyan ako ng tips sa pag- entertain ng mga customer. Nang dumating na ang iba pa naming mga katrabaho ay pinakilala niya rin ako sa mga ito. Kapareho niya rin mababait ang mga ito kaya naman agad ko rin nakapalagayan ng loob. Naging masaya ang unang araw ko sa trabaho dahil maayos naman ang naging pakikitungo nila sa akin. At marami rin kaming naging customer, at madali lang kaming nagkasundo-sundo ng mga kasamahan ko sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD