SA pamamalagi ko dito sa Cebu, naging maganda naman ang ilang araw na pananatili ko rito. Marami na rin akong kakilala dito, at saka mababait ang mga to rito lalo na si Manang Agnes at iba pang kapitbahay namin.
Hindi ko rin akalain na makikita ko ulit ang babaeng nakabunggo ko sa airport. At saka ko nalaman ang pangalan niya. Sa ilang araw na lumipas hindi ko pa rin makalimutan ang baabeng iyon, at ang magandang mukha nito.
At ang maganda pa ay kapitbahay ko lang ito. Nang magkita kami ulit at hindi ko napigilan na mapatitig sa maganda niyang mukha, bagay pa sa kaniya ang mahaba niyang buhok. Napakaganda rin ng hubog ng katawan nito na, at mukhang alagang-alaga nito ang kutis niya dahil ang kinis at ang puti nito.
Marami rin mga magagandang babae rito sa probinsya. Sa ilang araw na pananatili ko ay ilang lugar pa lang ang mga napapasyalan ko, dahil inaayos ko yung naiwan kong trabaho sa Manila dahil kailangan na raw iyon ng sekretarya ko kaya naman tinapos ko na muna iyon.
Kaya ngayon wala na akong iba pang gagawin kung hindi ang gawin ang trabaho ko rito. Ang paghahanap sa nag-iisang anak ni Mr. Kim. Hindi ko alam kung paano ko malalaman ang itsura niya dahil hindi ko talaga ang larawan na ibinigay sa akin ni Mr. Kim.
Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko, at nagmumuni-muni. Wala akong magawa kaya naman tumayona ako, at kinuha ang tuwalya ko upang maligo.
Mamamasyal na muna siguro ako, para naman malibang ako. At saka kailangan ko ng hanapin ang anak ni Mr. Kim dahil kailangan kong mahanap ito sa madaling panahon.
Nagtungo na ako sa banyo upang maligo, pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng itin na pants at puting tshirt. Diyan-diyan lang naman ako kaya naman hindi na ako nagbihis pang masyado, at saka baka pagkaguluhan na naman ako ng mga babae.
Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako ng bahay at sinara iti ng maayos. Pagkalaabas ko ay nakita ko na naman si Manang Agnes binati ako nito.
“Oh hijo ngayon ka na lang lumabas ulit ha?” tanong nito sa akin.
“Oo nga po manang...may ginawa po kasi akong trabaho noong isang araw,” sagot ko sa kaniya.
“Ganon ba. Gusto mo bang mamamasyal muna sa bahay nagluto ako ng merienda,” alok nito sa akin. Sino ba ako para tumanggi. Naalala ko na naman si Ajus sa tuwing pagkain ang usapan kasama ko iyong gago na iyon pero siya ang mas maraming alam na pagkain dahil sa katakawan niya.
“Sige po manang,” nakangiting sabi ko sa kaniya at saka na kami naglakad papunta sa bahay nila. Biglang sumagi sa isip ko si Kim nandon kaya siya. Tanong ko sa isip ko lagi kasi itong pumapasok sa isip pati na rin sa panaginip ko.
Nang makapasok na kami sa loob ng bahay tahimik rito at parang wala tao. Kaya naman tinanong ko si Manang Agnes.
“Wala po ata kayong kasama ngayon manang?” tanong ko sa kaniya.
“Ako lang mag-isa ngayon hijo wala kasi si Kim, nagtrabaho at saka yung apo ko.” sagot naman nito sa akin. Sa pagpunta ko rito si Manang Agnes ang unang tao na nakasundo ko dahil ang bait nito.
“Ganon po ba matagal na po kayo rito sa lugar na ito manang?” tanong ko sa kaniya. sa ilang araw na nakakakuwentuhan ko siya ay wala pa akong masyadong alam tungkol sa buay niya. Basta parang anak lang ang turi niya sa akin, at lagi akong binabati at inaaya nito na kumain sa kanila.
“Matagal na ako dito sa Cebu. Taga dito kasi ang naging asawa ko, kaya naman dito na kami nanirahan at bumuo ng pamilya. Pero taga Manila talaga ako kaya noong makilala ko ang asawa ko sumama ako sa kaniya rito,” pagkukwento nito sa akin.
“Asan na po ngayon ang asawa niyo?” wika ko. habang nakaupo sa may sofa at kaharap si Manang na naglalagay ng pagkain na niluto na sa plato.
“Matagal na siyang pumanaw…kaya naman ng mamatay ito ay naiwan sa akin ang tatlo namin anak noong una mahirap dahil wala na akong katuwang sa pagpapalaki ng mga anak naming. Pero sa awa naman ng diyos ay nairaos ko ang mga ito. Bumalik noon ako sa Maynila at doon nagtrabaho.” Mahabang pagsasalaysay niya.
“Doon niyo po ba naging alaga si Kim,” tanong ko sa kaniya. basta ko na lang iyon dahil parang may kung ano sa akin ay gustong malaman ang tungkol sa pagkatao nito.
“Hindi kaibigan siya ng tunay na alaga ko, dahil lagi ko itong nasa bahay ng mga amok o noon at kalaro ng alaga ko, kaya naman naging malapit na rin sa akin si Kim.” Sagot niya sa akin at iniabot sa akin ang isang plato na may laman na niluto niyang merienda.
“Buti po sumama ito sa inyo?” pag-uusisa ko rito.
“Basta malaki ang dahilan ng bata na iyon kaya siya sumama sa akin na umuwi rito sa probinsya. Sige na hijo tikman mo yang niluto ko na iyan masarap yan.” Sabi nito sa akin na tila ba parang umiiwas sa usapan na iyon.
Bigla tuloy akong napaisip kung bakit parang may tinatago ito pati na rin si kim. Basta ko na lang na naramdaman na may tinatago ang mga ito pero hindi dapat iyon ang iniisip ko. ang dapat kong isipin ngayon ay paano ko uumpisahan ang paghahanap sa anak ni Mr. Kim.
Hindi ko rin alam kong paano ko kaagad makikita ito dahil naiwan ko pa ang nag-iisang larawan niya. Wala akong idea kung ano ang itsura nito. Kaya naman kailangan kong kausapin si Mr. Kim upang makahingi pa ng ibang larawan nito na naitago niya.
Kailangan ko rin manghingi ng mga impormasyon tungkol dito upang agad koi tong matukoy. Baka kasi matagalan ako sa paghahanap ko rito lalo na’t hindi ko alam kung ano baa ng itsura nito.
Nagkuwentuhan pa kami ni Manang Agnes marami-rami rin akong nalaman tungkol sa naging buhay nito noon. At tuwing mababanggit ko si Kim sa kaniya ay tipid lamang ang mga sagot niya sa akin.
Nang matapos ako sa pagkain ay nagpaalam na rin ako kay Manang. Sinabi ko sa kaniya ay lalakad-lakad muna ako upang makita ang ganda ng Cebu. Ilang araw na ako rito ngunit ilan pa lang lugar ang napupuntahan ko.
Kaya naman naisipan kong pumunta sa isang restobar dito para na rin malibang ako. pagpasok ko roon ay marami na rin ang mga tao dahil mag aalas siyete na ng gabi noo. Umupo ako sa may counter, at nag-order habang hinihintay ko ang alak na order ko ay inikot ko ang paningin ko sa paligid.
Marami rin pala ang mahilig sa mga ganitong lugar at saka may mga torista rin ang mga narito. Nang makuha ko na ang order ko ay nakamasid lang ako sa paligid. Naisipan kong itext si Ajus para isend sa akin.
Alam niya naman kasi ang password sa condo ko kaya naman nakakapasok ito kahit wala ako roon. Nang ibaba ko na ang phone ko ay lumapit sa akin na babae.
“Hi handsome, can I join you?” nang-aakit na tanong nito sa akin. matangkad ito at nakasuot ng sexy na damit ngunit hindi ako na-attract sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nawawalan na ako ng gana ngayon sa mga babae.
“Sorry I have to go,” paalam ko sa kaniya, tumayo na ako at saka diretsong naglakad palabas roon. Ayokong makipaglandian dito dahil maging problema pa ito sa trabaho ko.
Hindi ko pwedeng ma-dissapoint si Mr. Kim kaya hangga’t kaya kong pigilan ang sarili ko hindi ako gagawa ng mga bagay na pwedeng makaapekto sa paghahanap ko sa unica hija ng mga Kim.
Umuwi na ako ng bahay at nang makauwi ako ay sakto naman na nagreply sa akin si Ajus. Kaya ayon ay tinawagan ko ito ipinaliwanag ko sa kaniya lahat, dahil ito rin ang mas malapit sa akin sa aming magkakaibigan. Ito rin ang lagi kong kasama sa condo tuwing wala itong trabaho.
Nang matapos kami sap ag-uusap ay nagshower lang ako sandal at nahiga na sa kama ko. Naisip ko bigla ang babae na pinapahanap sa akin dahil hindi ko rin matandaan ang pangalan nito kaya naman lalo akong mahihirapan.
“s**t!” bulalas ko na lang dahil sa inis ko sa sarili ko. Hindi ko kasi nabasa ang impormasyon na ibinigay sa akin ni Mr. Kim noon dahil sa dami ng trabaho ko sa opisina.
Makatulog na lang nga at bukas ko na iisipan ang lahat ng mga iyon. At saka tatawagan ko na lang bukas ng maaga si Mr. Kim para magtanong nang mga bagay na mahilug gawin ng anak niya at ibang personal information nito.