SOBRA ang sayang nararamdaman ko ngayon sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko mapangiti sa tuwing naiisip ko ang sinabi kanina ni Drake. Alam kong napansin niya ang pamumula ko kanina kaya naman umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil nahihiya akong mahalata niya na kinikilig ako. Ano ba naman kasi ang lalaki na ito lagi na lang bumabanat ng kung ano-ano kaya naman hindi ko napaghahandaan ang mga iyon. Talaga ngang patay na patay na ako sa lalaki na ito at hindi ko na kaya pang itago ag nararamdaman ko para sa kaniya pero paano ko ba sasabihin sa kaniya na gusto ko na siya. Gusto nga lang ba o mahal na? tanong ko sa sarili ko dahil alam kong hindi lang pagkagusto itong nararamdaman ko sa kaya mas higit pa roon kaya naman talagang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. At ito rin ang una

