CHAPTER 33: CURIOUSITY Zeph's POV Ricardo Salcedo. Isang malaki, malakas, at maimpluwensyang tao rito sa Pulang Bato. Ang Founder ng Pistol's Tribe. Ang taong pinaniniwalaan kong may kagagawan ng pagkamatay ni ate Tiffany. Madaming bagay na ang alam ko tungkol sa kanya. Hanggang sa itinulak na nga ako ng kapalaran na puntahan siya mismo sa mundong ginagalawan niya. Nakilala ko siya ng malapitan at nakausap ng harapan nang puntahan niya ako mismo sa tinutuluyan kong Hotel. Madaming bagay ang pinag-usapan namin n'on at halos hindi ko alam kung paano ako magre-react at kung ano ang isasagot ko. Hanggang sa pumayag ako na maging miyembro ng grupo niya kapalit ng kalayaan ko na gawin lahat ng gusto ko, kasama na d'on ang paghahanap sa taong pumatay kay ate. Isang beses palang kaming nagkaka

