CHAPTER 32: CONFUSE Zeph's POV "Ganitong klaseng buhay na ba ang gusto mo ngayon, Zephaniah?" Malakas ang naging epekto sa akin ng tanong na iyon. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil kahit sarili ko ay hindi ko na naiintindihan. Hindi ko gusto ang buhay na nararanasan ko rito, sino bang may gustong makipagbarilan araw-araw kung may tahimik na buhay ka namang puwedeng piliin? Pero hindi ko pa puwedeng piliin ang buhay na 'yon sa ngayon...malapit na ako sa katotohanan, malalaman ko na kung sinong pumatay kay ate. Ngayon pa ba 'ko susuko? "Tama na 'yan, Claude. Hayaan mo siya sa gusto niyang gawin." Hindi na ako nagtataka kung maayos na ang samahan nilang dalawa, pero hindi pa rin nawawala sa ugali ni Zed na kontrahin ito kapag nagsasalita si Claude ng bagay na ipinamumukha ni

