CHAPTER 44: ZED Zeph's POV Hindi ako makapaniwala na pagkatapos kong mapatunayan na isa akong Hernandez, masasaktan pa rin ako ng ganito. Para akong tanga na tumatakbo sa sementaryo palayo sa lalaking gumawa na naman ng rason para saktan ako. Bakit kailangan niyang magsalita ng ganoon tungkol sa taong patay na? Bakit hindi na lang niya tanggapin na kahit kailan ay hindi niya mahihigitan si Xenon kahit anong gawin niya? Ang daming isinakripisyo sa akin ng lalaking 'yon, mula sa pagpapanggap niya bilang pinsan ko para masigurong ligtas ako palagi, sa pakikipagsabwatan kay ate Tiffany para iligtas ako, at higit sa lahat...tinapos niya ang sarili niyang buhay para lang patunayan na handa siyang gawin ang lahat para sa akin. Hinding-hindi ako mapapaniwala ng isang malaking kasinungalingang

