CHAPTER 43: ACCEPTANCE Zeph's POV Hindi ko nagawang sagutin ang tanong ni Zed sa akin kanina. Biglang hindi ako nakahinga ng maayos nang maalala ko ang mga dapat ko gawin. Kaya nagpaalam ako na kailangan ko ng hangin para makahinga. Mabuti na rin ang umalis muna kami para mabigyan ng oras ang mag-ama na makapag-usap ng sila lang dalawa. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Zed, hindi na kasi kami sumakay sa kotse niya at naglakad na lang kami ni Mace. Hinatid ko siya hanggang MCU, sobra ang pasasalamat ko sa kanya dahil kung hindi sa tulong niya, hindi ko mapapatunayan na hindi ako isang Salcedo. Kahit papaano, masaya ako na isa akong Hernandez at pinsan ko si ate Tiffany. Sa totoo lang, natakot talaga ako...natakot ako na baka hindi nga kami magkadugo. Kasi kapag nangyari 'yon, mawawal

