CHAPTER 17: ALONE Rox's POV Hindi nawala ang kaba sa dibdib ko hanggang makalabas ako ng school. Dahil din sa nangyari, hindi na 'ko nakapag-CR. Pero hindi na iyon importante sa ngayon, mas binibigyan ko ng pansin ay ang likuran ko...habang naglalakad palayo ay ilang beses akong lumilingon dahil sa pag-aalala na baka sinusundan niya ako. Madaming estudyante ang naglalakad din gaya ko, pero sigurado akong mas madami ang nasa loob pa...ang mga nagsisiguro na makauuwi sila ng ligtas. Gusto ko rin maging ligtas, sa totoo lang ay magandang choice ang maglagi muna sa loob dahil safe zone iyon. Pero huli na para maisip ko 'yun, nakalabas na ako ng gate. At ayoko na rin bumalik. Nakakainis, bakit ba ako tumakbo kaagad palabas nang hindi nag-iisip?! Dalawang bagay lang ang naiisip kong rason k

