CHAPTER 18: KILL TO PROTECT Rox's POV Isang mainit na kape ang inabot sa akin ni Ranz. Tumabi siya sa akin at may hawak din siyang sarili niyang kape. "Hindi ako makapaniwala sa sinasabi mo, Ranz. I really...oh my God," ani Mace. Tumingin ako sa kanya habang humihigop sa hawak kong kape, pailing-iling siya at mababasa sa ekspresyon niya na hindi talaga siya makapaniwala sa ibinalita sa kanya ni Ranz. Pagkatapos ng tagpo sa Senior High Building, inalalayan ako ni Ranz papunta rito sa Base ng Dark Spade. Maswerte kaming naabutan namin na nandito si Mace at agad ikinuwento ng boyfriend ko sa kanya ang nangyari, mula sa pagkawala ni King at sa nangyari sa akin. Agad na umaksyon si Mace nang marinig niyang may iniwan kaming lalaking duguan doon, nag-utos siya sa mga miyembro ng Dark Spade

