CHAPTER 19: HARAPAN Rox's POV Hindi na kami pinauwi ni Mace, sama-sama kaming natulog dito sa base nila. Ngayon ko lang nalaman na puwede palang mag-stay dito overnight. Ang katwiran kasi ni Mace, pinakaligtas na lugar ito sa kumpara sa kahit saang lugar. Sang-ayon naman ako roon dahil bukod sa nasa loob kami ng school—which is sinabi ni Zeph na bawal pumatay—ay wala namang estudyante ang magtatangka pang pumasok dito sa magdamag. Sino bang mag-iisip na magpalipas ng gabi rito? Kami lang 'yon. Ayaw din kasi akong hiwalayan ni Ranz, hindi na raw niya hahayaan na maulit ang nangyari kaya palagi na siyang didikit sa akin kahit saan pa raw ako magpunta. Hindi man halata, pero malawak ang base ng Dark Spade. May sariling kwarto rito sina Mace at Claude. Bukod pa roon ang opisina ni Claude

