CHAPTER 20: AKUSASYON Rox's POV Hindi na kami nakapasok ni Ranz sa klase dahil sa nangyari. Pagkatapos ng eksena sa Canteen ay dumiretso na kami sa Base ng Dark Spade para kausapin si Mace. Hindi ako sanay na mag-cutting classes, pero para sa pagkakataong ito...kailangan ko munang isakripisyo ang isang araw para harapin ang isa pang importanteng usapin. Maswerte na lang kami dahil gaya namin ay hindi rin pumasok ang Co-leader ng Dark Spade, kaya naabutan namin siya sa loob ng base na parang seryosong-seryoso na naman sa buhay. "Mace," bati ko sa kanya pag-apak pa lang namin sa receiving area nila. Nakaupo siya sa couch doon habang naka de-kwatro. Nasa cellphone ang atensyon niya at tila hindi maganda ang nakikita niya roon dahil sa pinta ng mukha niya. Seryoso talaga siya at parang h

