Chapter 8

2394 Words
CHAPTER 8: PISTOL'S TRIBE Mahaba pa ang araw, mahaba pa ang oras para maghanap kay Zephaniah. Wala naman sa plano ni Tyron na pigilan ang pinsan niya sa kahibangan nito, dahil kahit subukan niyang pigilan ito...mapapahiya lang siya dahil hindi naman marunong magpapigil ang dalaga. Hinahanap niya ang pinsan niya dahil nag-aalala siya na baka kumilos ito ng padalos-dalos. Kahit papaano ay gusto niyang masiguro na walang gagawing delikado si Zeph. Kahit manlang sa ganoong paraan, gusto niyang maging parte ng paghihiganti nito. Hindi na umalis si Tyron sa harap ng MCU, hinihintay niya na lang ang mga kaibigan niya dito nila napag-usapang magkikita-kita para sabay-sabay na puntahan si Katrina. Unang dumating sina Roxanne at Ranz. Naglalakad pa lang ang dalaga palapit sa kanya ay pansin na niya ang pag-aalala sa mukha nito. Sunod na dumating sina Mace at Kris. Lihim siyang napangiti dahil hindi niya inasahan na ang dating kaaway at karibal ng pinsan niya dati, isa na sa mga kaibigan niya ngayon. Ikinagulat naman ni Tyron na makita si Rizza na kasama nilang dalawa. Hindi niya kasi ito sinabihan tungkol sa nangyari, dahil bago ang pag-alis ni Zeph ay nagkaroon na sila ng away. Sa madaling salita, hindi sila okay ngayon. Nakaramdam ng bahagyang lungkot ang binata nang maalala ang away nila, pero hindi siya nagpa-apekto r'on...mas priority ng binata na malaman muna kung saan nagpunta si Zeph. "Nasaan si Zild? Hindi mo kasama?" kunot noong tanong ni Roxanne kay Tyron. Kumunot din ang noo ng binata, tinawagan niya rin ito kanina at sinabihan tungkol sa nangyari pero sa pagkaka-alala niya...hindi niya ito nakausap ng matino. Sa tingin niya, maaring lasing ang lalaking iyon kaya maaring hindi nito inintindi ang tawag niya. "Huwag mo nang hanapin ang wala, hindi naman natin siya kailangan dito," sagot niya. Yumuko si Roxanne. "Akala ko pa naman, kaibigan na rin natin siya. O kaya, tutulong manlang siya sa paghahanap kay Zeph," aniya. Hindi na sumagot si Tyron, pinanood na lang niya ang dalaga kung paano ito madismaya tungkol kay Zild. "Puntahan na natin si Katrina, hindi si Zild ang dapat pag-usapan natin ngayon," ani Mace. Nauna na siya maglakad at sinundan siya ni Kris. Nabaling ang tingin ng lahat sa kanya. Tila desidido si Mace na makita kaagad ang kaibigan. Bago umalis si Zeph, isa siya sa huli nitong nakasama. Hindi niya pa nakakalimutan ang ginawa ng dalaga na tangkang pagpapakamatay...natatakot siya na baka ulitin niya iyon ulit. Habang naglalakad, hindi maiwasan ng mga kapwa estudyante na nakakasalubong nila ang mapatingin sa kanilang grupo. Isang himala kasi ang makita silang magkakasama na naglalakad, alam na agad ng mga ito na may hindi tamang nangyayari. "Iba pa rin talaga kapag nandito si Zeph, hindi awkward," basag ni Roxanne sa katahimikan. Nasa gitna siya nina Ranz at Tyron sa paglalakad. Habang nasa unahan naman nila sina Mace, Kris, at Rizza. "Well, tama ka. Lahat tayo dito ay close kay Zeph, pero hindi tayo close sa isa't isa," sagot naman ni Mace habang patuloy lang sa paglalakad. Hindi maiwasan ni Roxanne na maging malungkot dahil sa naging sagot sa kanya ni Mace. Buong akala niya, isa na silang grupo ng magkakaibigan dahil magka-alyansa na ang mga gang nila. Tila may nakaharang pa ring pader sa pagitan nilang lahat. Si Tyron naman ay napako na ang tingin sa likuran ng girlfriend niya. Hindi niya alam kung bakit biglang bumalik ang ugali ni Rizza na palaging galit sa kanya, pero iyon ang naging rason ng away nila nu'ng nakaraan...tila may nangyari na hindi niya pa maintindihan. Gusto niya nang matapos ito para ayusin naman ang gusot nilang dalawa. Hanggang sa nakarating na ang grupo sa apartment na tinutuluyan ni Katrina, si Roxanne ang nagturo sa lugar. Ayon sa kanya, nalaman niya ito sa taong nagturo rin kay Zeph kung saan nagtago si Katrina pagkatapos niyang umalis sa bahay nila. Si Roxanne rin ang kumatok sa pinto, binuksan naman agad ito ni Katrina. Agad na gumuhit sa noo ng dalaga ang isang kunot ng noo. "Sino kayo? Anong kailangan n'yo sa akin? Puwede ba, kung narito kayo para sa impormasyon...ayoko nang masangkot diyan. Nananahimik na ako, kaya tantanan n'yo na ang buhay ko!" sigaw niya. Pilit niyang isinara ang pinto pero wala siyang laban sa tatlong lalaking nanlaban na buksan ito. Nang tuluyan itong magbukas ay tahasan na silang anim na pumasok sa loob. Si Tyron ang huling pumasok kaya siya na rin ang nagsara ng pinto. "Kung katahimikan lang naman ang gusto mo, maibibigay namin 'yon sa 'yo. Mamili ka lang kung dagger o card ang tatapos sa 'yo," sagot ni Mace. Agad na natikom ang bibig ni Katrina, sa salitang iyon ay kilala na niya kung sino ang mga taong dumating. Iisang tao lang naman ang lumapit sa kanya na mayroon din ng dagger na gaya ng binanggit ng babae. "Simple lang ang gusto namin, Katrina...sabihin mo sa amin ang mga sinabi mo rin kay Zephaniah," ani Roxanne. Napalunok ang babae, hindi siya nagkamali sa hinala kung sino ang mga dumating. "Ayoko! Tigilan n'yo na ako. Ayoko na ng gulo, tama na ang pangungulit n'yo sa akin tungkol sa gang na iyon!" aniya, tumaas ang tono ng kanyang boses. "Huwag kang umarte dahil hindi uubra sa akin ang ganyan. Sabihin mo na lang ang alam mo para matapos na. Alam natin pareho na papatayin ka rin naman ng gang na 'yon sooner or later, kaya piliin mo na ang makatulong at magkaroon ng silbi habang buhay ka pa. Malay mo, hindi ka pa namamatay...maipaghihiganti ka na agad namin, 'diba?" maarteng saad ni Mace. Sa puntong iyon, tila nakumbinsi si Katrina na magsalita. "Habang nag-uusap tayo rito, sana iniisip n'yo na rin ang kalagayan ni Zephaniah. Hindi malabong mangyari na mapatay siya ng Pistol's Tribe. Mag-isa lang siya at kumpara sa grupong iyon...isa lang siyang bata. Idagdag pa na wala siyang baril gaya ng kalaban niya." "Kilala ko si Insan, demonyo 'yon gaya namin...hindi siya basta-basta mapapatay. Kaya 'wag ka nang magpaliguy-ligoy pa, sabihin mo na lang lahat ng alam mo para makaalis na kami. At pinapangako namin sa 'yo...ito na ang una at huli naming punta rito kapag nagsalita ka," seryosong sambit ni Tyron. "Madaming lungga ang Pistol's Tribe. Kada lungga nila ay may kanya-kanyang uri ng demonyo ang namumugad doon." Nagsimulang magsalita at magkwento si Katrina tungkol sa gang. Habang nagsasalita siya, tinitigan siya ng maigi ni Tyron dahil sa pag-iisip na baka may sabihin siyang kasinungalingan o iniiwasan niyang malaman nila. Nag-iingat ang binata, ayaw niyang maloko sila dahil buhay ng pinsan niya ang nakataya. "Kagaya ng nakwento ko na sa inyo, Tyron, madami silang iligal na gawain. Nakakalat ito sa iba't ibang lugar, para hindi madaling mahuli. Pero ang main base ay matatagpuan sa Pulang Bato. Siyempre, doon din matatagpuan ang founder ng Pistol's Tribe, hindi na siguro nakakapagtaka marinig na 'yon. Sinabi ko rin ito kay Zephaniah kaya sigurado 'ko na doon siya pumunta." Pulang Bato...may kalayuan ang lugar na iyon mula sa kinaroroonan nila. Tila nagkatinginan na lang ang magkakaibigan dahil alam nila 'yon pare-pareho. "Kung madami kayong iligal na gawain, paano n'yo iyon nagagawa ng malaya? Bakit hindi kayo mahuli-huli ng mga pulis?" tanong ni Roxanne. Nabaling ang tingin ni Tyron sa kanya dahil naalala niyang bukod sa kanya, walang may alam ng ilang detalyeng tungkol sa Pistol's Tribe. "May proteksyon ang gang galing sa matataas na opisyal ng kapulisan. Nakakabahala man isipin pero totoo, may ilang opisyal sa pulisya na nababayaran ng malaking halaga kapalit ng kanilang dangal. Sila ang dahilan bakit malayang nakakakilos ang grupo namin," sagot ni Katrina sa tanong ni Roxanne. Hinarap niya ang magkakaibigan at muling nagsalita, "Ibibigay ko sa inyo ang bawat lokasyon ng mga iligal na iyon. Pero kahit makuha n'yo ang mga impormasyong kailangan n'yo...sinasabihan ko na kayo ngayon pa lang...hindi n'yo magagawang talunin ang Pistol's Tribe kahit pa magsama-sama kayo." Patuloy na paalala ni Katrina. "Wala ka nang care kung ano ang kahahantungan ng plan namin," ani Mace. "Ang tigas ng ulo n'yo! Gigil na gigil kayong sugurin ang Pistol's Tribe, gayong mga bata lang kayo. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi n'yo sila—" "Mga bata lang kami kumpara sa iyo at sa gang mo...pero hindi naman kami kagaya mo na duwag, kahit sarili hindi manlang nagawang ipagtanggol," seryosong sabat ni Tyron. Bakas sa boses ang irita dahil ayaw pang sabihin ni Katrina ang pakay nila rito. "Katrina, hindi kami nakikipaglaro sa 'yo. Impormasyon ang kailangan namin at hindi ang pag-aalala mo. Kaya puwede ba, huwag mo nang pahabain pa ang pagtatagal namin dito at simulan mo nang magsabi ng alam mo," dagdag pa ni Rizza. Agad na nabaling ang tingin ni Tyron sa kanya, nakit niyang nakahalukipkip ito at seryoso ang tingin sa kausap. Ibinalik ng binata ang tingin kay Katrina nang magsalita ito ulit. "Talaganga makukulit kayo. Gusto n'yo talagang marating ang impyerno sa murang edad. Pero sige, para matigil kayo sa kakangawa n'yo, sasabihin ko na..." aniya. Inilibot ng dalaga ang tingin sa anim na kabataang nakatayo ngayon sa harapan niya. Kitang-kita niya na determinado talaga ang mga ito na malaman ang tungkol sa pinanggalingan niyang gang. Muli siyang nagsalita, "Lima ang uri ng iligal na gawain ng gang, kaya limang lokasyon din ang kinaroroonan nito. Hindi mahirap matukoy kung nasaan ang mga negosyong babanggitin ko, nasa paligid lang din sila ng main base at nasasakop pa rin ng Pulang Lupa ang mga lugar na iyon. Pero ikagugulat ninyo... ay kapag nalaman n'yo na kung saan ito mismo nakatago." Lalong ginanahan na makinig ang magkakaibigan sa bagay na ihahayag ni Katrina sa kanila ngayon. "Ang unang naging negosyo ng gang ay ang droga, ito ang pinakamalakas sa limang negosyo na isinasagawa ng gang. Bilyung-bilyon ang kinikita ni Boss dito. Ito rin ang naging daan para makakuha siya ng pulis na puwede niyang magamit bilang proteksyon sa masama niyang gawain..." Agad na sinampal ng realidad ang anim na magkakaibigan. Tila naisip nilang hindi lang sila ang mga demonyong nakatira rito sa mundo. Iba't ibang klase ang mga ito at higit sa lahat...nagbabalat-kayo pa sila na akala mo ay mapagkakatiwalaan mo ng iyong buhay. "Nakatago ang mga droga sa isang Sugar Factory na pagmamay-ari rin ni boss. May mga empleyado ang factory na 'yon kaya walang naghihinala sa iligal na gawain sa loob nito." Simula pa lang ng kwento, tila sumusuko na si Katrina. Nakaramdam agad siya ng suya dahil inaalala na naman niya ang mga nangyari sa nakaraan. "Madali ngang itago ang droga sa isang asukarera dahil halos pareho sila ng itsura. Hindi na masamang taktika," komento ni Kris. "Kung Factory iyon, ibig sabihin pati ang mga nagtatrabaho roon ay may alam sa drogang nakatago?" tanong ni Roxanne. Umiling si Katrina. "Isang mayamang negosyante ang tingin ng lahat kay Boss. Tanging mga miyembro lang ng Pistol's Tribe ang may alam sa droga." "Kung gan'on, paano nila nailalabas ang drogang ito nang hindi nalalaman ng ibang nagtatrabaho roon?" tanong muli ni Roxanne. "Simple lang ang sagot diyan, tiyak na sa gabi nila inilalabas iyon. At ilalabas lang din nila ang droga kapag may transaksyon sila. Kung ako man ang may ganoong negosyo, magdo-doble ingat ako sa paglabas sa droga at hangga't maari...dapat maglalabas lang ako kapag maramihan ang order sa akin." Si Ranz ang sumagot sa tanong ng girlfriend niya. "Tama siya, ganoon nga ang ginagawa nila," sang-ayon naman ni Katrina. "Kung hindi ako nagkakamali, ang droga ay sa laboratory ginagawa. Paano naman nila naitago sa mga tao ang laboratory?" Si Rizza naman ang naglapag ng tanong. "Hindi lahat ng droga ay kailangan may malaking laboratory sa paggawa. Equipment ang importante sa paggawa nito. May isang kwarto doon na ang alam ng mga trabahador ay isang guest room, para kung sakaling may bisita si boss ay doon ito pupunta. Bukod sa office niya ay bawal din pasukin iyon. Siyempre, nandoon ang lahat ng equipment at doon din ginagawa ang mga droga," paliwanag ni Katrina sa tanong ni Rizza. Tango na lang ang naging sagot niya rito. "Alam ba ni Zephaniah ang tungkol sa drugs?" seryosong tanong ni Mace. Nag-iba ang ekspresyon ni Katrina, tila nadagdagan ang pag-aalala niya. "Oo. Pero hindi kasing detalye ng paliwanag ko sa inyo, hindi naman kasi siya matanong...kaya kung ano lang maisip kong dapat idagdag sa sinasabi ko ay 'yun lang ang alam niya." Kahit kabado ay mahinahon pa ring nagtanong si Tyron sa kanya. "Ano ang mga sinabi mo tungkol sa factory?" "Na may nakatagong drugs doon at iyon ang pinakamalakas na negosyo ni boss. Pati na rin kung saan ito matatagpuan." Agad na ikinuyom ng binata ang kanyang kamao, napayuko rin siya at napapikit sa bagay na naiisip niyang posibleng gawin ng pinsan niya. "Anong problema, Tyron?" tanong ni Mace. "Kilala ko si Insan. Tiyak ko na ang main base na iyon ang unang susugurin niya," ani Tyron. Agad na kumunot ang noo ni Roxanne. "Pero hindi niya kakayanin na pasukin iyon!" Bumaling ang tingin ng binata sa kanya. "Oo, kaya mag-iiba siya ng plano at siguradong ang asukakera na ang pupuntahan niya." Itinuloy niya ang pagsasalita nang humarap siya ulit kay Katrina. "Lalo akong nag-aalala dahil kaunti lang ang sinabi mo sa kanya! Kapag may nangyari sa pinsan ko, papatayin kita!" Hindi na nakapagpigil pa si Tyron, akmang susugod na sana siya kay Katrina. Mabuti na lang at nagawa siyang awatin kaagad. "Huminahon ka, Tyron! Hindi makakabuti kung sasaktan mo siya. Hindi pa natin siya tapos kausapin. Hindi pa natin alam lahat ng tungkol sa Pistol's Tribe," ani Rizza. "Paano ako kakalma kung pinsan ko ang pinag-uusapan dito?! Siya na lang ang pamilyang meron ako, Rizza. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala siya." Natahimik ang lahat. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa kung paano sinagot ni Tyron si Rizza, tila may kakaiba sa dalawa. Nagpatuloy sa pagsasalita ang binata, "Madaming isinakripisyo si ate Tiffany at si Xenon para kay Insan. Kaya hindi ko rin hahayaan na pati iyon ay mawalan ng halaga. Kung kinakailangang pati ako ay magsakpisyo ng sarili kong buhay gagawin ko...maligtas ko lang ang pinsan ko." Nakatingin ang lahat sa kanya. Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Mace, "May bagay na matagal ko nang gustong itanong sa 'yo...ito na siguro ang tamang pagkakataon para sa tanong na 'yon..." Hinarap siya ni Tyron, napalunok ito nang marinig niya ang tanong nito... "Sino ba kayo? Anong meron sa mga Hernandez?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD