CHAPTER 6: PAGTAKAS AT PAGTUKLAS Zeph's POV Napalunok ako nang bumunot na ng baril ang lalaking nakakita sa hiwa ng sako. Patay na talaga. Hindi ako duwag, pero aminado akong tinatablan din ako ng takot. Ngayon palang ako naka-encounter ng taong may hawak na baril. Siyempre, sinong hindi matatakot labanan ang ganoong klaseng tao? Hanggat maari, ayoko silang labanan. Tiyak na di ako mananalo sa kanila ng harapan. Hindi pa ako puwedeng mamatay rito, kailangan kong— Harapan? Kumunot bigla ang noo ko nang tumatak sa isipi ko ang salitang 'yon. Hindi pa nila 'ko nakikita, kasalukuyan pa lang nila akong hinahanap. Ibig sabihin, lamang pa rin ako sa kanila kahit pa nakabaril sila. Napapikit ako at bahagyang natawa dahil sa sarili kong katangahan. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Ma

