Chapter 2

1165 Words
-Minah's POV- "Girls' pupunta muna akong faculty, may pinapaayos sakin si Ms. Miranda." Rae Ahn said at umalis na papuntang faculty. Grabe, first day pa lang may papagawa na agad. Breaktime na kaya nandito kami sa Private Room. Dalawa lang naman kasi ang tamabayan namin, its either dito sa PR or sa mall. Pero rito sa PR kami madalas tumambay dahil kumpleto na lahat, may mini-kitchen, room and comfort room.  Thanks to Bekka dahil sila ang may-ari nitong University kaya nakapag-paggawa kami ng sarili naming tambayan. Pero kahit may connections kami, sumusunod pa rin kami sa rules and regulations ng University. Habang nagluluto si Bekka at Lorie hindi naman matigil sa harutan si Mhea at Morie. Hindi pa rin sila tapos pag-usapan 'yung mga bago naming classmates. --Flashback-- "Beforee we start guys, we have transferees. Come in boys and introduce yourselves." at pinapasok ni Ms. Miranda 'yung mga bagong estudyante. "Sorry Miss we're late." bati nila kay Ms. Miranda at bigla naman nag-blush si Miss.  Sus! Hindi naman gwapo. "My gee, ang gwapo nila!" kilig na bulong ni Mhea sabay palo sa braso ko. Kahit kailan 'din 'to, may tinatagong harot. Tinignan ko 'yung new students sa harap at... mukha naman silang normal. Pero kung makatili 'yung mga babae akala mo ay nasa palengke. Umabante 'yung isa sa kanila para magpakilala pero mas lalong lumakas 'yung tilian nila. Seryoso ba sila? Ang sakit sa tainga ng tili nila, nakakainis. "I'm Ice Caleb Jung." bati niya sa lahat. Siya 'yung pinakamaliit sa kanila pero hindi siya ganun sa kanulang sa height, sadyang matatangkad lang talaga sila. "I'm Adrian Xavier Reyes." siya 'yung pinakacute sa kanila. Kapag tinignan mo siya ng matagal, mapapansin mo na medyo mukha siyang babae, tipong wig na lang ang kulang pero mababakas pa rin ang matikas na tindig niya. "Grabe, ang gwapo nilang lahat." "Gosh! Classmate talaga natin sila? Seryoso? Pasampal nga, baka panaginip lang 'to." Kaloka, ang daming side comment. Para tuloy may rally na ewan sa room namin dahil sa mga sigaw nila, idagdag mo pa na nakikisali si Morie at Mhea, at ang mga bruha, nasa gitna pa nila ako kaya naman ang sakit sa eardrums ng boses nila. "Hello, I'm Tristan Lee." siya naman ang pinakamaputi sa kanilang lahat. Grabe, feel ko pwede na siyang mag-comouflage sa pader, halos magkakulay na sila eh. Okay, ang bad ko na. "I'm Ace Bryan Harison." mukhang masungit pero malakas din ang dating, siya rin ang pinaka-matangkad sa kanila. "Good morning, I'm Theo Hwang." obviously, siya ang pinaka-jolly sa kanilang lahat kaso mukhang isip bata. Okay, ayoko na, ang judgmental ko na. Hindi ko alam kung bakit 'yung ibang babae ay mahilig sa gwapong lalaki. Tapos kapag iniwan sila, iiyak. Aish! Lolokohin ka lang kasi nila kapag nakahanap na sila ng mas maganda at mas sexy sayo o kaya naman kapag nakuha na nila 'yung kailangan nila, kaya naman sayang lang sa oras. Hindi naman sa bitter ako pero pansin ko kasi ganun naman talaga ang ibang lalaki. Iiwan at lolokohin ka kapag nakahanap na sila ng mas sayo. Like, physical appearance ang labanan. "I'm Blake Ryan Scott." hindi gaya ng mga kaibigan niya masasabi ko na siya ang may pinakamalakas na appeal. Makikita rin sa mukha niya ang pagkairita dahil sa tilian ng mga babae. Matangkad at matiponong katawan. He has a pinkish lips, pointed nose, broad shoulders at grabe pagkaputi, tipong magg-glo--- owkay! Ano ba 'tong ginagawa ko at pinupuri ko 'tong lalaki na 'to? Aish! Whatever! "Okay, just proceed to that seat and we'll stat the class." sabi ni Ms. Miranda sabay turo sa bakanteng upuan na nasa likuran namin. At dahil nagsimula na ang discussion, hindi na nakaangal 'yung iba na gustong magreklamo dahil may klase kaagad kahit simula pa lang ng klase. Habang nagtuturo si Miss sa harapan, hindi ko magawang mag-focus sa klase. Hindi ko alam pero naiirita ako sa mga bago naming kaklase. Wala naman silang ginagawang masama at ngayon ko lang sila na-meet pero ewan, naiirita ako. Pagtunog ng bell ay agad kong inayos 'yung mga gamit ko. Gusto ko na agad lumabas. "Minah, san ka pupunta? Hibtay naman." tawag ni Morie. "PR." hindi ko na siya nilingon pa at dumiretso na ako palabas papuntang private room. Nagugutom na kasi ako. -End of Flashback- "Morie, sinong type mo sa kanila?" tanong ni Mhea, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin sila nakaka-move on sa mga bago naming kaklase kanina. Itong dalawa na 'to, hindi na nga nakinig sa klase kanina nakuha pang magtsismisan. "Uhm... actually, lahat sila bet ko. Pero 'yung isa, ano ngang pangalan niya Bi... Ban... B-br... Ah! Blake! Yeah, 'yung Blake. Gwapo sana kaso mukhang suplado kaya its a no-no na." maarteng sagot ni Morie. "Minah, pakuha naman nung ice cream sa ref." utos ni Lorie mula sa kitchen, hindi naman ganun kalaki 'yung PR kaya naman rinig ko agad siya. At dahil mabait ako, sumunod na ako sa utos niya. Mahirap na, baka hindi ako pakainin. "Okay, kunin ko." sakto namang pagtayo ko ay biglang nalaglag 'yung salamin ko at nabasag. Nakalimutan ko na tinanggal ko pala kanina. Buti na lang may mga spare glass ako sa drawer. "Ayos ka lang?" tanong ni Lorie pero tumango lang ako bilang sagot. Agad akong dumiretso sa drawer para kumuha ng salamin pero sa kamalas-malasan, wala akong spare eyeglass. Nakakainis! Isang oras na lang magsisimula na 'yung klase, hindi naman ako pwedeng umuwi. Badtrip. "Nasugatan ka ba?" tanong ni Mhea pero umiling lang ako. "Tara na, ayusan na lang kita." hindi na ako nakaangal pa kay Mhea dahil hinatak na niya akk paupo sa sofa para ayusan. Kaya ko naman ayusan sarili ko pero ayaw paawat ni Mhea, nakitulong pa si Morie at nag-join forces pa talaga silang dalawa. Tinali ni Morie into a ponytail 'yung buhok ko at nilagyan naman ako ng light make up ni Mhea. Nagsuot na rin ako ng contact lense dahil medyo malabo 'yung mata ko. "Ayan, perfect! Tara na, kain muna tayo bago pumasok." at dahil gutom na rin ako ay hindi na ako nakipagtalo pa sa kanila. Ilang minuto na lang ay malapit na rin magsimula ang klase kaya kailangan na namin bilisan, ang tagal kasi mag-ayos ni Morie at Mhea. "Ayos lang ba na makita ka nilang ganyan?" tanong ni Bekka. Well, wala namang mali sa itsura ko dahil maganda ako. Pero sa mga nakakakilala sakin since senior high paniguradong maninibago. OA pa naman mag-react 'yung iba minsan. Pagkatapos kumain ay umalis na kami sa PR dahil papunta na ring classroom si Rae Ahn. Habang naglalakad ay hindi maalis 'yung tingin ng mga estudyante sa amin. Well, ikaw ba naman makakita ng maganda matutulala ka talaga. Pagdating sa classroom ay buglang natahimik ang lahat pagpasok namin. Paano ba naman, may dumaan na mga anghel. Okay, ang hangin ko na rin haha. Naupo na agad kami sa pwesto namin pero wala pa rin si Rae Ahn, mukhang marami pinagawa sa kanya. Student council president din kasi si Rae Ahn kaya ang daming niyang responsibilities. "Hi guys, kamusta lunch? Ang daming pinagawa sa amin." reklamo ni Rae Ahn habang papunta sa upuan niya sa dulo. "Oh, anong nangyari sa salamin mo?" tanong ni Rae Ahn ng mapatingin siya sakin. Nagkibit-balikat na lang akonat tumingin na sa harapan dahil dumating na rin 'yung prefect namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD