Chapter 1

981 Words
-Minah's POV- "Really? Hindi talaga siya lalayo kanila Bekka?" "Yuck! What a Nerd. But still, friend niya pa rin sila Mhea." "What a lucky nerd." "For sure fame lang ang habol ng nerd na 'yan." "She doesn't deserve to be here." "Buti may gustong makisama sa kanya. If I were them, mas pipiliin kong maging loner kaysa maging kaibigan ang isang loser na nerd." "Bakit pa kaya rito sa University High pumasok 'yang nerd na 'yan? Can't she see that she doesn't even belong here." "What an eyesore!" Iilan lang 'yan sa panlalait at paninirang naririnig ko, but who cares? Hindi ko kailangan ang opinyon nila. At talagang kailangan pang ulit-ulitin ang salitang 'nerd' at 'fame' ah. Excuse me! But I don't need those, cause I already am. A nerd and a fame one. Yeah, I'm a nerd but that doesn't mean na hindi ko na afford ang magbayad ng tuition dito sa University. I have money. Ang paniniwala ng iba ay nakapasok ako through scholarship, but some of them thinks that I used my friends' connection. All of my friends are famous international and local because they are models. And I? I used to disguised since I want to live a simple life and I really hate people's attention. But what can I do? Kahit saan ata ako pumunta ay may makakapansin sakin, lalo na sa trabahong ginagawa ko. Thick and big eyeglass. Pale face with a little powder and cheeck tint. Light lipstick. Long and curly hair. That's my usual style that my schoolmates used to see. Hindi naman sobrang pangit ng ayos ko pero I just can't understand why these people need to be judgmental. Tingin ba nila ang gaganda nila? Pwes! Mali sila! "Hey! 'Wag mong dibdibin 'yung sinabi nila. May likod ka pa." Mhea said and she burst out laughing. Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala ako sa mood makipagtalo. "Kaya flat eh!" dagdag naman ni Morie at sabay silang tumawa. Kaya minsan ang sarap sabunutan nitong dalawa, ang lakaa mang-asar pero parehas naman silang pikon. Magsasalita pa sana si Mhea nang biglang tumawa si Bekka. Isa pa 'to, minsan na nga lang mag-react makatawa pa wagas. Grabe mga kaibigan ko, napaka-supportive nila. "Anong nakakatawa?" mataray kong tanong sa kanya. "K-kasi, pfft! Si Morie, lakas makapagsabi ng flat akala mo siya hindi." sagot niya at saka tuluyang tumawa, nakisabay pa si Mhea. Hindi na ako magtataka kung mabalitaan ko bukas na may kabag na sila. "Bilisan na natin, malapit nang magsimula ang klase." saway ni Rae Ahn sa dalawa na ayaw pang magpaawat katatawa. "Seriously, Minah. Hayaan mo na sila. You know, ang mga basher insecure kaya napapansin lahat ng meron sayo." dahil sa sinabi ni Lorie, kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. "It's okay, sanay na ako. Let's go." I replied.  Well, honestly, nasanay na lang talaga ako. Kahit saan naman ako lumugar may masasabi at masasabi sila. At saka, araw-arawin ka ba naman pag-usapan, hindi ko na lang alam kung hindi magpantig ang tainga mo. Pagdating sa room ay wala pa masyadong estudyante. Agad kaming pumwesto sa bandang gitna. Ayaw nila sa harapan kasi para raw sa mga matatalino at mahilig makinig sa klase 'yun, kapag sa likod naman ay hindi nila maririnig 'yung prof dahil maraming nagdadaldalan kaya we decided to settle in the center. By the way, I'm Minah Jeon, the Campus Nerd. I'm 17 years old and taking up Business Management. My family owns one of the biggest mall here in the Philippines and we have branches of it abroad. And last, I'm also a model just like my friends, pero ayaw maniwala nung iba dahil ang layo raw ng itsura ko sa model na si Minah Jeon eh ako rin naman 'yun. "Hey! Lutang?" tanong ni Mhea. Hay, nakalimutan ko na katabi ko pala 'tong madaldal na babae na 'to. Hindi na ako nakasagot dahil dumating na 'yung prof namin. "Good morning class." bati ni Ms. Miranda, naging prefect na rin namin siya last year kaya naman familiar na kami sa kanya. "Settle down, everyone. Since hindi pa naman magkakakilala ang lahat and as I can see 'yung iba ay hindi rin ako kilala, let's introduce ourselves." agad naman naging bubuyog mga kaklase namin kabubulong. Ewan ko ba, magpapakilala lang naman ginagawa pang big deal. "I'm Ms. Julia Miranda and I will be your class adviser this semester."  may ilan pang sinabi si Ms. Miranda pero hindi ko na naintindihan dahil sa ingay ng iba. "Hello, I'm Joanne asdfghjkl" ang dami pang nagpakilala sa harap pero hindi ko rin natandaan ang pangalan. No need na rin dahil for sure, hindi rin naman nila ako kakausapin unless about acads. "Tulaley ka na naman, tayo na next." sabi ni Mhea. "Hi! I'm Morie Choi!" bati ni Morie with matching pagkaway pa. Morie Choi, ang tinaguriang Campus Princess kaya maraming nagkakagusto sa kanya na lalaki. Isa pa, may pagka-playgirl din si Morie kaya maraming naiinis sa kanya na babae. "Hello guys, I'm Lorie Choi." siya naman ang Campus Heartthrob and older twin sister ni Morie. Kumpara naman sa kapatid niya, I can say na mas matino si Lorie. "I'm Rae Ahn Kwon."  ang Campus Genius pero medyo maldita. "I'm Minah Jeon." pakilala ko, pero 'yung mga babae lakas mag-inarte akala mo naman kay gaganda. Obvious naman na ayaw nila akong maging classmate. Well, the feeling is mutual. "Good morning guys! Mhea Park here." masayang bati ni Mhea, ang MVP Princess, captain ng Volleyball team and obviously magaling din siya sa iba pang sports.  "Bekka Yoo." kung gaano kaiklinang pangalan niya, ganun kaikli rin siya kung magsalita. At siya lang naman ang Cold Princess. Kung 'yung iba ay nandidiri na lumapit sa akin, kay Bekka naman ay takot sila, paano ba naman kung hindi ka tatarayan paniguradong iiyak ka. Hindi ko nga alam minsan kung anong sinasabi niya sa mga kumakausap sa kanya. Pagkatapos ng napakahabang pagpapakilala ay bumalik na kami sa upuan at nagsitahimik naman na ang lahat. Magsisimula na rin kasi ang klase. "Before we start guys, we have transferees. Come in boys and introduce yourselves." at pinapasok ni Ms. Miranda 'yung mga bagong estudyante. "Sorry Miss we're late." bati nila kay Ms. Miranda at bigla naman nag-blush si Miss.  Sus! Hindi naman gwapo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD