Chapter 25

2174 Words
Dominus Sumasakit na ang ulo ko kaya ipinahinga ko na muna ang aking mga mata kakatitig sa aking computer dahil nahihilo na ako rito sa pinaggagawa namin ni Earl. Nakakainis naman kasi itong si Benedict Brown dahil ang dami ng mga security system niya sa kanyang bahay. Pakiramdam ko tuloy ay parang nagsasayang kami ng oras sa kanya. Pagtingin ko sa aking orasan ay malapit na ang alas-singko kaya pinatay ko na lang ang aking laptop at akmang tatayo na sana ako nang bigla akong mapatingin sa aking pinto. Nagbukas ito at ang unang bumungad sa akin ay ang masayang mukha ni Earl kaya naman inikotan ko siya ng aking mga mata. Kinuha ko ang aking bag at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad papunta sa aking kwarto at nakasunod naman siya. “Bakit ka ba sunud ng sunod Earl?” inis kong tanong sa kanya. “Uy, nagtatampo ka pa rin ba sa akin? Sorry na kung hindi kita nasamahan kaninang lunch. May pinuntahan kasi akong importante.” Liningon ko naman siya at tinaasan ng kilay dahil hindi ako naniniwala sa kanyang sinasabi. Simula noong umalis si Papa tatlong araw na ang nakalilipas ay naging abala kaming dalawa ni Earl sa pagpla-plano ng aming gagawin sa pagpasok sa bahay ni Benedict. Sa tatlong araw na iyon ay nakita ko kung ano ang ugali pa na meron si Earl. Kung akala ko noong una ay mayabang siya ay hindi pa pala nagtatapos doon. Bukod sa isip bata, spoiled at pagiging brat niya ay hindi pa siya marunong tumupad sa usapan. Noong una ay sinabi niya sa akin na sasamahan niya akong maglakad-lakad sa beach para naman daw mawala ang aking stress. Pero pumuti na ang uwak ay hindi siya nagpakita kaya imbes na sa beach ang punta ko ay swimming pool ang bagsak ko. Ang alibi niya ay may naging meeting daw sila at hindi niya ito nasabi sa akin agad kaya pinalampas ko siya noong una. Pangalawa, sinabi niya sa akin na sasamahan niya akong mag-breakfast dahil wala raw akong palaging kasama kaya umasa naman ako. Ang kaso ay hindi nanaman siya tumupad at mag-isa akong kumain dahil sinabi niya na super late na raw siyang nakatulog kapapanuod niya ng Taylor Swift songs. Pinalagpas ko ulit dahil para sa akin ay okay lang naman iyon at hindi na siguro ito mauulit. Ang kaso sa pangatlong pagkakataon ay ako na ang humiling sa kanya na samahan niya akong mag-lunch kami ng sabay at namuti lang ang aking mga mata kahihintay sa kanya. Ni hindi man lang niya ako sinabihan kung matutuloy ba siya o hindi. Kaya ngayon ay humihingi nanaman siya ng sorry sa akin at nagsasabi nanaman ng rason para maniwala ako pero hindi na ako naniniwala sa kanya. Hinarap ko siya at inayos ko ang nakasukbit kong bag sa aking balikat at hinarap siya na nagp-pout nanaman na parang bata. “Enough. Huwag ka nang magsabi sa akin ng kahit na anong rason dahil hindi na ako naniniwala sa iyo. Okay? Hindi ako ipinanganak kahapon para sabihan mo ako ng kasinungalingan.” Sumimangot siya. “Pero may pinuntahan akong importante kaya hindi ako nakapunta. Sorry na. Babawi na lang ako sa susunod please?” Umakto pa siyang nagdadasal pero tinaasan ko lang siya ng kanan kong kilay. “Talaga lang ha? E ano iyang mga buhangin na nasa sahig at bakit ka may chikinini sa leeg mo? Amoy lavender din ang suot mo at nagpunas ka na nga lang ng lipstick ay hindi mo pa inayos. Ayan o may red pa sa gilid ng labi mo.” Turo ko sa gilid ng labi niya. “Oo nga may pinuntahan kang importanteng date pero iyong pakiusap ko sa iyo hindi mo man lang tinupad. Sorry pero hindi ka na makakabawi pa. Bye.” Tumalikod na ako at akmang pipihitin na sana ang busol ng aking pinto nang humarang siya sa aking pinto kaya inirapan ko siya at sinabing umalis siya sa harapan ko. “Teka. Paano mo naman alam na chikinini ito e kung tutuusin ay hindi ka pa nga humalik sa isang lalaki? Paano kung kagat lang ito ng ipis?” Naiinis akong tumitig sa kanya. “Hindi ako kasing inosente ng inaakala mo. Oo may mga bagay na hindi ako alam pero may mga kaibigan akong may love life. At saka isa pa kung kagat ng ipis iyan e di sana kahapon ko pa nakita iyan. Layas!” Sinipa ko siya pero agad naman siyang nag-iwas at pumasok na sa aking kwarto at pabagsak na sinara ito. Pagpasok ko ay linock ko ang aking pinto sabay binagsak ang aking bag sa kama at pumunta sa aking kusina. Uminom ako ng malamig na tubig para malamigan ang init ng aking ulo sa ginagawa ni Earl. Alam ko na hindi ko siya nobyo para mag-demand ako sa kanya pero nakakainis na iyong palagi niya akong pinapaasa. Three days ago ay inamin ko na sa aking sarili na may gusto ako sa mayabang na tukmol na iyon. Pilit ko mang itanggi pero mismong si Samantha na ang nagsabi sa akin ng mga signs at lahat iyon ay totoo. Noong akala ko noong una ay attracted lang talaga ako sa kanya pero nitong mga nakaraang araw ay doon ko napagtanto lahat ang aking nararamdaman. Nangako-ngako pa man din siya sa akin na ako lang pero hindi niya na rin tinupad. Wala siyang isang salita kaya naiinis ako. Ang mas kinaiinisan ko ay malaman na may kalandian siyang iba at masakit isipin na hindi ako iyon. Ito ang rason kung bakit ayaw na ayaw ko sa mga lalaki at iwas ako sa kanila. Nang matapos akong uminom ng tubig ay nag-ring ang aking cellphone at nakita kong si Papa ito kaya agad ko na itong sinagot. “Anak, pauwi na ako. Mukhang pupunta lahat ng mga kaibigan mo kasama ang pamilya nila. Naipahanda mo na ba ang tutuluyan nila?” tanong niya at natuwa naman ako sa kanyang balita. “Talaga? Pupunta raw silang lahat? Thank you, Dad. Don’t worry napaayos ko na noong isang araw pa. Pasensya ka na kung napagod kita. Ako na sana dapat ang pupunta pero ang dami pa po kasing ginagawa rito.” “No need, baby girl. I know you are busy. Isa pa wala rin naman akong ginagawa pero sa susunod siguro ay hinay-hinay na lang muna ako. Ang sakit na ng buong katawan ko kaka-byahe.” Napangiwi naman ako sa kanyang sinabi. “Hindi bale ho ay pagdating niyo ay maghahanda tayo kahit kunti lang. Pasensya na ho talaga.” Natawa siya ng mahina. “No worries, anyway sasakay na ako ng eroplano at kita-kits na lang tayo pagdating ko riyan. I love you, anak.” “I love you too, Dad.” Binaba ko na ang tawag bago ko naisipan magpalit ng damit at matulog na. Kailangan kong paghandaan ang pagdating ng aking mga kaibigan bukas. Kinabukasan ay maaga akong nagising at mabilis akong naligo at nagpalit ng aking damit. Nang matapos ay masaya kong sinususihan ang aking pinto nang marinig ko ang pamilyar na boses na kahapon pa nangungulit sa akin. Agad na sumama ang mood ko at napatingin ako sa kanya na nakasimangot sa akin na parang bata. “Brielle naman. Ayaw mo pa rin ba akong kausapin? Ni hindi mo man lang sinasagot iyong mga text at tawag ko sa iyo kagabi.” Inirapan ko siya at nagsimula akong maglakad. Nakasunod lang siya sa akin pero mas binilisan ko iyong lakad ko dahil naiinis pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Dumiretso ako sa dining area para kunin ang aking almusal at nakasunod pa rin siya sa akin. Nagsimula akong kumain na hindi siya pinapansin at kahit nang sinamahan niya ako ay nanatili lamang akong tahimik. Bakit ganyan siya? Kung kailan nagalit na ako ay saka niya ako sasamhan. Paano na lang kung hindi ako nagalit e di hindi na ako importante sa kaniya. Pare-parehas karamihan ang mga lalaki na papaasahin ka lang at kapag nagalit ka ay saka ka susuyuin pero kapag ayos na kayo ulit ay balik siya sa dati. Pwes pasensya siya dahil iba ako magalit kaya nga kahit si Vaughn ay nahirapan ding syuyuin ako noon. Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako at rinig kong sinisigaw niya ang aking pangalan pero hindi ko siya pinansin. Pagtapak ko palabas ng dining ay may nabangga ako at hihingi na sana ako ng tawag nang makita kong si Krysta ang aking nakabangga. Halos lumaki ang kanyang mga mata at gano’n na lang ang tuwa ko na makita siya. “Krysta! Ikaw na ba talaga iyan?” Tumango siya ng mabilis. “Oo naman noh! Na-miss kita kahit na kung minsan ay palagi kang may dalaw.” Inirapan ko siya. “Okay na sana dinagdagan mo pa.” Nagtawanan kami nang makarinig kaming dalawa ng tili at paglingon namin ay si Zhea naman ang aming nakita. Nagulat pa kami nang bigla na lang niya kaming tinalon at nagtatatalon na parang bata na makita kami. Nakasunod din ang kanilang mga asawa na halos naging Christmas tree na sa dami ng kanilang bitbit. Ang mga bata naman ay kasunod nila at agad na lumapit din sa amin sabay humalik sa aking pisngi. “Tita!” sigaw ng kambal ni Krysta na sina Xankyst at Xeksto sabay humalik sa aking mga pisngi. Gano’n din ang ginawa ng kambal ni Zhea na sina Golden at Silver. Habang tinitignan ko sila ay parang halos magkakaedad lang sila. Saktong pagdating ni Xander at Kysler ay pinagpapawisan na sila sa mga dala nila at agad na binigyan ako ng yakap at halik sa aking pisngi. Naging hard ako sa kanila noong hindi pa sila kasal sa aking mga kaibigan pero kalaunan naman ay naging malapit na ako sa kanila na tinuring ko rin silang parang mga kapatid. They are already part of OA family. Hindi na sila iba sa akin. “You don’t age the last time I saw you. Wala ka pa rin bang boyfriend?” pang-aasar ni Xander sa akin kaya agad ko siyang inirapan at tinawanan lang niya ako. Maya-maya ay sunud-sunod nang nagsisidatingan ang iba katulad na lamang nina Harper at ang anak niyang si Hera. Si Daphne kasama ang kanyang pamilya at ang pinaka-huli naman ay si Angel kasama rin ang kanyang pamilya. Si Sascha ay sa susunod pa raw na linggo darating dahil may kailangan daw silang tapusin kaya mahuhuli na lang daw muna siya. Sumama na rin si Alessia na napadaan kasama ang kanyang asawa at anak kaya parang pyesta tuloy ang nangyari. Naging center of attraction tuloy kami dahil ang iingay at ang dami namin na nakaharang dito sa daan kasama pa ang mga nagtatakbuhang mga bata na halos magkakaedad na. Napalingon na lang kami nang marinig namin ang pangalan ko na isinisigaw ng mayabang na tukmol na iyon. Nang makita niya na ang dami kong kasama ay nagulat na lang ako nang biglang nagsisisigaw ang mga asawa ng aking mga kaibigan sabay sinalubong siya ng yakap at katos sa ulo. “Tarantado ka. Nandito ka lang pa lang ulol ka. May utang ka sa aming libre!” Inakbayan siya na sabi ni Kysler. “Ano’ng libre? Gago wala akong utang sa iyo. Lucy oh!” Nagulat na lang ako nang nagsumbong siyang parang bata kay Lucifer. Napatingin naman ang aking mga kaibigan sa kanilang mga asawa at napapailing na lang sabay hinila ako palayo. Pinakita ko na lang ang mga kwarto nila na pang family size talaga. Tinuro ko rin na may children’s playroom at doon nila pwedeng iwan ang kanilang mga anak. Nang makita ito ng mga bulilit ay agad na silang nagtatakbo at agad naman akong nagpabantay ng titingin sa kanila. “Grabe. Sino’ng mag-aakala na ang ganda pala ng isla na ito. Kung alam ko lang ay sana dito na lang tayo nagpapa-anniversary,” sabi ni Zhea habang iniikot ang kanyang mga mata sa kabuuan ng isla. “Oo nga. Tapos pwede pa tayong mag-swimming kung gusto natin lalo na at malapit lang ito sa dagat oh.” Turo naman ni Daphne na tumabi kay Zhea. “Ang lapit nga lang ng beach sa inyo Daphne kaya bakit dito ka pa magswi-swimming?” Asar naman sa kanya ni Krysta. “Ano’ng malapit e nakatayo nga iyong bahay namin sa taas ng isang bundok. Palibhasa kasi iyong asawa ko ayaw magkaroon ng kapitbahay.” “Asus! Sabihin mo lang maganda nga kasi kahit papaano kapag uungol ka walang makakarinig. Na-try niyo na bang mag-garden s*x?” tanong ni Zhea at agad naman niyang pinalo ito na tumatawa. “Gag* ka talaga. Iyang bunganga mo. Hindi namin hilig iyon dahil may fetish sa car s*x ang magaling kong asawa.” Sumimangot si Daphne. “Ay ang boring. Kami nga ni Kysler sa restaurant pa eh.” Malapad siyang ngumiti na ikinatuwa naman ng iba. Hindi talaga ako maka-relate sa mga ito oras na nagsama-sama na sila. Ako na lang talaga yata ang wala pang love life. Bwisit kasi na tukmol iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD