Dominus Pagpasok ko sa dining area kinabukasan ay agad nang nahagilap ng aking mga mata ang aking mga kaibigan na kumakain ng kanilang almusal. Nang makita nila ako ay agad nila akong kinawayan kaya lumapit ako sa kanila. May space pa sa tabi ni Angel kaya sa kanya na lang ako tumabi habang nagtatawanan sila at nagkwekwentuhan. “Ang sarap ng tulog ko kagabi kahit late na akong natulog.” Tawa ni Daphne. “Ay! Bininyagan niyo rin ba?” tanong sa kanya ni Krysta at tumango ito na kanilang ikinatawa. “Ibig sabihin ay bininyagan pala nating lahat iyong kwarto natin?” tanong ni Alessia. Tumango silang lahat at medyo nagtataka naman ako sa pinag-uusapan nila dahil hindi naman ako maka-relate sa mga sinasabi nila. Binyag? Sa pagkakaalala ko ay hindi naman ako nagtawag ng pari kahapon ah. May n

