Dominus Gabi na pero hindi ko pa rin makuha ang aking tulog at pabaling-baling ako sa aking kama. Hindi ko makalimutan iyong nakita ko kanina at halos kalbuhin ko sa aking utak iyong babae para lang huwag na niyang halikan si Earl. Ano bang maganda sa babaeng iyon e di hamak naman na mas maganda at sexy ako roon. Naiinis akong napaupo sa aking higaan sabay lumabas sa aking kwarto upang magpahangin. Habang naglalakad ako ng mag-isa ay napadpad ang aking mga paa sa tabi ng swimming pool. Tinupi ko ang aking suot na pajamas hanggang sa aking tuhod sabay linubog ang aking dalawang paa rito. Gusto ko na lang umiyak tuwing naaalala ko iyong tungkol sa nakita ko kanina at kahit anong pilit ko ay hindi ito maalis-alis. Kung may eraser lang sana ako ay matagal ko na itong binura sa aking utak d

