Dominus Maaga pa lang ay nakasakay na kaming lahat sa private airplane ng OA papunta sa London. Dala na namin lahat ng aming mga kailangan katulad na lang ng mga baril at bala. Ngayon nga lang nalaman ng aking ama na kasama ako sa plano at halos ma-stress siya kapipilit sa akin na hindi ako pwedeng sumama. Pero wala na siyang nagawa dahil nasa loob na ako ng eroplano at wala nang oras para magpalit pa kami ng plano. “Dad, I promise I’ll be back safe. I love you.” Napailing na lang si Papa sa akin at kinawayan ko siya habang paalis na ang sinsakyan naming eroplano. Saglit lang naman ang byahe papuntang London kaya pwede pa kaming mag-check-in sa isang hotel sa London. Sila Krysta lang ang kasama ko habang naiwan naman sa isla ang kanilang mga asawa upang may magbantay sa mga chikiting.

