Dominus Pabalik-balik na naglalakad ngayon ang aking ama sa loob ng aking opisina nang malaman niya kung ano ang nakuha namin sa safe box at garahe ng bahay ni Benedict. Nang tinanong ko siya kung ano ito ay hindi naman siya agad sumagot at gulat na gulat na napatingin dito. Paano ba naman kasi ay isang mamahaling gintong singsing ang nakuha namin sa safe box at isang lalaking bata naman ang nakuha nila Angel sa may garahe. Ayon sa kanila Angel ay naka-posas ang kawawang bata na sa tingin namin ay nasa limang taong gulang lamang. Ka-edad ito ng mga anak nila Sascha kaya agad na nakaramdam kami ng galit dahil puno ng pasa at payat ang bata na para bang hindi na ito pinakain ng ilang linggo. Pina-check-up na namin ang kawawang bata at sabi nila na ligtas naman na ito pero nanghihina lang d

