Dominus Nang malaman namin na may alam si Benedict tungkol sa mastermind ng lahat ng mga kaguluhang ito ay agad ko itong sinabi sa aking ama at pati na rin sa aking mga kaibigan. Noong una ay hindi rin sila makapaniwala na si Benedict lang pala ang susi ng lahat ng ito. Hindi ko alam kung paano ito nalaman ni Earl pero natutuwa ako na kinakabahan na malalaman na namin lahat ng dahil sa kanya. Simula kahapon ay hindi nagsasalita si Benedict at nakailang balik na yata ang mga nag-i-interrogate sa kanya pero wala pa rin siyang balak na magsalita. Pinapakain at pinaiinom na rin namin ang lahat sa kanya para lang hindi siya manghina pero ayaw niya. Ganito ba siya ka-willing na isakripisyo ang kanyang sarili para lang sa kanyang amo? Ngayon ang ikatlong araw na susubukan nila ulit na pakant

