Dominus Pagkatapos ng aming mga nalaman kahapon ay nagpatawag ng meeting ang aking ama na aking ipinagtaka. Simula kasi ng mga nalaman namin ay naging wirdo ang mga aksyon niya at parang hindi siya mapakali. Buhat-buhat ko ngayon si Asher dahil simula rin ng malaman ko ang kanyang mga pinagdaanan sa mga kamay ni Benedict ay gusto ko siyang i-spoil. Paanong hindi mo mamahalin ang batang ito na sobrang sweet at cute na kinulang sa pagmamahal dahil sa kanyang mga napagdaanan? Mahilig magpabuhat si Asher sa amin ni Papa at magaling siyang matulog kaya naman kahit nangangawit ako sa kanya ay ayos lang. Abala siyang natutulog sa aking mga bisig nang pumasok sa aking opisina si Earl at agad na napatigil nang makita niya akong buhat ang bata. “Kung gano’n ay totoo nga ang balita na nagkaroon n

