Dominus Nang matapos kaming kumain ay tumayo na ako at naglakad na papunta sa aking opisina nang bigla na lang umakbay si Vaughn sa akin. Sanay naman na ako sa kanya na umaakbay sa akin kasi kung tutuusin ay palagi niya itong ginagawa sa akin. Ang kaso ay nagmumukha siyang clingy na boyfriend kung minsan sa pagiging touchy niya. Pagpasok namin sa aking opisina ay hindi ko alam na nakasunod pala sa amin si Earl. Kumuha siya ng coffee habang humila ng upuan si Vaughn at tumabi sa akin. “What are you going to do this lunch baby boo?” tanong sa akin ni Vaughn. “Syempre kakain ng lunch. Ano ba namang tanong iyan?” balik tanong ko sa kanya. “Iniisip ko kasi sana na pumunta tayo sa beach mamaya. Ipasyal mo naman ako sa buong OA kasi hindi ko pa nakikita itong buong isla. Please?” Pagpapa-cut

