Dominus Nang matapos akong makaligo at makapagpalit ng damit ay tinuyo ko ang aking buhok gamit ang aking tuwalya. Habang ginagawa ko ito ay nakarinig naman ako ng katok sa aking pinto at sa pag-aakala na si Vaughn ito para sunduin ito ay mabilis ko itong binuksan. “Ang aga mo naman yata na—” Natigil ako sa aking sasabihin nang makita ko si Earl na nakatayo sa aking harapan. “Pasensya ka na at hindi ako sa Vaughn,” hinging paumanhin niya. Umiling ako. “It’s okay. Akala ko rin kasi siya kaya hindi ko na tinanong.” Natahimik naman kaming dalawa nang makatanggap ako ng text galing kay Vaughn. “May kailangan ka ba?” “Uhm, can we talk?” tanong niya. “Well, hindi ba iyan makapaghihintay bukas? May pupuntahan kasi kami ni Vaughn at darating siya anumang oras na.” Napatungo siya. “Kahit f

