Dominus Pagsapit naman ng hatinggabi ay tinawag naman niya ako ng swimming pool at hindi ko naman alam na ganito pala ka-late ang gusto niya. Pakiramdam ko tuloy ay para kaming may tinataguan kaya medyo nae-excite ako na ewan. Pagdating ko sa nasabing swimming pool ay nakita ko siyan nakaupo sa mismong gilid nito habang nakalubog ang kanyang mga paa sa tubig. Nang makita niya ako ay agad ko siyang nginitian sabay tumabi sa kanya at parehas naming tinignan iyong mga bituin sa langit. Habang nakatingin sa langit ay napatayo siya bigla at akala ko kung saan siya pupunta pero nagulat na lang ako nang bigyan niya ako ulit ng isa pang lilac. “Thanks. This flower is becoming my favorite flower already,” sabi ko sabay tumabi siyang muli sa aking tabi. “Good. It’s my favorite flower as well.

