Dominus Ayon sa mga nakalap naming mga impormasyon ay nakatira nga sa isang underground na bahay si Krueger sa isang banda ng Italy. Ang nakakainis ay sobrang lapit lang niya sa amin at alam na alam niya ang aming mga galaw. Pinaglalaruan niya kami dahil kitang-kita niya lang kami na para bang nakikipagtagu-taguan siya. Agad akong nagtawag ng ilang mga assassins na sasama sa akin pabalik ng Milan, Italy upang mahuli namin sa akto si Krueger. Ngayong gabi ang naisipan naming pag-atake at lahat na ng aming mga kagamitan ay naihanda na namin. May dala-dala na rin kaming mga baril at maraming bala para kung sakaling mapalaban kami ay handa kami. Ang ilan sa sumama sa amin ay sina Harper, Allan, Vincent, Alessia, Earl at lima pang assassin na aking sinama. Bago kami sumakay sa aming mga spe

