Dominus Napatayo ako at imbes na matuwa ako sa nakikita ko ngayon ay gusto kong sabunutan iyong babae na katabi ngayon ni Earl. Napatingin ako kay Papa at pinakusap sa kanya na kung maaari ay iwan niya na muna kami saglit. Agad naman siyang tumayo pero bago siya tuluyang umalis ay pinukulan niya ng masamang tingin si Earl. “Thank you, Samantha. It’s okay, I’ve got this. Pakisabi na rin na wala munang papasok sa opisina hanggat hindi ako natatapos.” Tumango naman si Samantha. “Come in,” malamig na pagpapapasok ko sa kanila. Agad naman silang pumasok na dalawa at kahit ayaw kong gawin ay pinaupo ko sila sa sofa na nasa loob ng aking opisina. Mamaya oras na lumabas sila ay sasabihin ko na ipasunog iyong sofa dahil ayaw kong magkalat sila ng virus dito sa opisina ko. Nakatuon iyong tingin

