Dominus Paggising ko kinabukasan ay may nakita akong nakasuksok na maliit na papel sa baba ng aking pinto. Pinulot ko ito at nang binasa ko ito ay alam kong galing na ito kay Earl dahil ang gulo talaga ng penmanship niya pero ang sweet naman ng nakalagay sa papel. Simula nang malaman ng lahat ang namamagitan sa aming dalawa ni Earl ay naging mas PDA siya sa mga pinapakita niya sa akin. Sa loob nga ng isang linggo ay hindi na ako nakakakain ng dining area dahil palagi na lang kaming kumakain sa may favorite spot namin dito sa isla. Pagkatapos naman naming kumain ay doon na kami naglalagi minsan at doon na rin kami nagma-make out ayon sa aking mga kaibigan. Kada umaga ay palagi siyang may iniiwan na sweet note sa aking pinto at magkikita kami sa mismong favorite spot namin. Lumabas ako n

