Napalingon na lamang si Zariza nang makarinig siya ng mga sigawan mula sa malayo at ang mga pustahan ng kanyang mga kaklase. Lumapit siya sa mataong lugar at hindi na siya nagtaka na makita ang kanyang kambal na si Zeliodor na nakikipagbasag-ulo nanaman. Maya-maya ay dumating ang kanilang kuya na si Asher na siyang umawat sa dalawang nagsusuntukan. “What the hell, Zeliodor? Gusto mo nanaman bang mapunta sa guidance office?” tanong ng kanilang kuya sa kanyang kambal. “E siya ang nagsimula, kuya. Narinig ko kasi na pinagpupustahan nila si Zariza kung kailan nila ito mapapasagot.” Halos mangunot ang noo ni Zeliodor na nakatingin sa kawawang lalaki na dumudugo na ang ilong. Agad namang napatingin si Asher sa tinuturo nitong lalaki at agad na umiwas ang lalaki sa tingin na ipinupukol nito sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


