Dominus 5 years later… Rinig ko ang mga tawanan ng aking mga anak sa labas habang abala naman ako sa pagluluto ng kanilang umagahan. Mag-isa ko lang ngayon dito sa bahay kasama ang aking mga anak ng mga ilang araw dahil umalis si Earl para sa kanyang trabaho sa ibang bansa. May iniimbestigahan kasi siya kaya sinabi niya na matatagalan ang balik niya. Sa lumipas na limang taon na naikasal ako kay Earl ay masasabi ko na kahit minsan ay walang nagbago sa pakikitungo niya sa akin. May mga pagkakataon na nag-aaway din kami dahil hindi rin naman perpekto ang relasyon namin. Pero hindi namin hinahayaan na tumagal ang pag-aaway namin at agad namin itong pinag-uusapan. Sa nakalipas din na limang taon ay nakabili kaming pareho ng mansyon namin dito sa Italya. Sinama na rin namin ang mga magulan

