“Welcome back, daughter.”
Bungad sa akin ni Mommy Felice na mukhang kadarating lang galing kung saan dahil sa suot niyang slacks at putting long sleeve blouse na my ruffles sa may dibdib at naka-pula pang pumps. Wala akong ipinakitang kahit na anong emosyon sa kaniya. Dere-deretso lang akong pumasok sa bahay at nakita ko roon ang gulat kong kapatid na mukhang kakauwi lamang din dahil sa suot niyang maroon shirt na pinatungan ng itim na denim jacket at naka black na jeans plus his Balenciaga sneakers. It was just nine in the morning when I arrived, masyado pang maaga pero wala na agad ako sa mood.
“Kath?”
“Hey, Kuya,” walang buhay na bati ko rito at tuluyang umakyat sa kuwarto ko.
Ginugol ko ang oras sa pagbabad ng katawan sa tub. Pagkatapos naman magbihis at magpatuyo ng buhok ay pinili kong mahiga at itulog ang nararamdaman, not until my brother entered my room without my freaking permission.
“Why are you here? Akala ko ba, okay na sa ’yo na pakasalan si Damon?” tanong niya.
“Wala kang ideya sa mga nangyayari kaya lumabas ka na lang ng kuwarto ko at manahimik, Kuya.”
“Dapat sa tabi ka lang ni Damon . . .”
“Leave or I will make you, Kuya Kael,” banta ko.
“I don’t know what’s going on in your mind, Kath, pero alam kong may hindi tama. You should choose Damon.”
“He never chose me,” malamig na sagot ko. “Bakit ko pipiliin ang isang taong hindi naman ako ang pinili? He treats me as a freaking option. Now, I left him as a f*****g choice.”
Naiiling na lumabas si Kuya Kael pagkatapos kong sabihin ’yon samantalang hindi pa rin napapawi ang galit ko kay Damon.
Is she more important to you, Damon? Then go, have her. ’Yon ay kung hahayaan ko kayong maging masaya. You’ll never have a happy ending with her, Damon. I swear. Hinding-hindi ko hahayaan na maging masaya kayo.
***
Pagkatapos matulog ay nagising ako ng bandang alas dos ng hapon. Bumaba ako para kumain dahil hindi ako nag-lunch, may dish naman doon na pork steak ngunit mas pinili kong mag-pizza na lang at pagkatapos ay umakyat ako saglit para mag-toothbrush at magbihis. After checking myself ay bumaba na ako ulit at naabutan ko sina Mommy Felice and Daddy Arthur na nag-uusap. Tumikhim ako to get their attention, at kaagad naman silang napatingin sa akin.
“What’s with a black outfit, Katherine?” Mommy Felice asked.
Sumulyap ako sa glass wall na nagsilbing division ng living room at opisina ni Daddy dito sa bahay. I saw my reflection—a woman on a black dress, nakasuot ng itim na gloves, at itim na boots. Naka-braid ang mahaba kong buhok.
“Sa sementeryo. Sasama ba kayo?”
Nagkatinginan silang dalawa bago mabilis na umiling. Tumalikod na ako at hahakbang na sana ako palabas nang mayroon akong naalala.
“Nasaan si Kuya Kael?”
Bahagya muna silang nanahimik bago sumagot.
“Umalis siya kanina habang tulog ka, nagmamadali. Alam mo na siguro kung saan pupunta ang pasaway mong kapatid.” Sabi ni daddy na napapaling pa. Alam ko na kung saan pupunta si Kuya Kael, natitiyak kong kay Damon iyon.
Hindi na ako nagsalita at kaagad nang lumabas. I took my black car at nagmaneho papunta sa destinasyon ko. Pagkababa ay kaagad akong tumungo sa pakay ko. Tumayo lang ako hindi kalayuan sa kanila habang suot-suot ang itim kong salamin. Pinakatitigan ko ang puntod ng tunay kong mga magulang.
“Kaunti na lang. Pasensiya na kung medyo natagalan. Nagpadala ako. Ipinapangako ko na sa pagkakataong ito, babawi ako.”
“Tama nga ako. Nandito ka. Nabasa ko ang message mo na babalik ka na. I know you will
continue your original plan.”
Hindi ako nagsalita. Hinayaan kong lumapit mula sa likuran ko ang nagmamay-ari ng boses na ’yon.
“Kumusta?” I asked. Alam na niya kung ano ang ibig kong sabihin.
“It’s not really my thing to do something horrible for you, but because we’ve been friends . . . so yeah . . . palalampasin ko na lang . . .”
“Kumusta?” pag-uulit ko sa tanong na iba ang tinutukoy. Nanatili akong nakatitig sa pakay ko rito at hinayaan siyang mag-report sa akin.
“The woman was very terrified. Hindi ko naman balak na gumawa ng masama. Akala niya siguro, gagalawin ko siya. Your fiancé was very eager to get her. Napalaban pa ako, muntik ko na nga mabaril. Mabuti ay napigilan ko ang sarili ko at nakatakas ako.”
“Bakit mo pinigilan ang sarili mo? Dapat pinatay mo na,” sabi ko nang nagtagis ang bagang.
Pansamantala siyang nanahimik bago nagsalitang muli. “Hindi ko ginawa kasi inisip kita. Mahal mo siya, ’di ba?”
Galit ko siyang hinarap. “He’s willing to die to save that woman. Sana pinagbigyan mo ang gusto! Gusto niya mamatay, mailigtas lang ang babaeng ’yon! Hindi ka na dapat nagdalawang-isip! Wala akong pakialam kung mamatay siya! Kung hindi siya mamamatay para sa akin, ako mismo ang papatay sa kaniya!”
Nakita ko ang pagbakas ng gulat sa mga mata ni Chrome. Ipinasok niya ang kamay sa suot niyang itim na pants, napansin ko rin ang nakabukas na tatlong nauunang butones sa suot niyang dark blue sleeve na kinaiwas ko agad ng tingin.
“That . . . was terrifying. Remind me not to be your enemy, Kath,” tulala na sabi niya.
Hindi ako sumagot at tinalikuran na siya. Naalala ko pa kung paanong nagkasundo kaming dalawa sa plano ko.
“I want to come with you,” mahinang saad niya bakas ang lungkot at sakit dahil sa kabiguang pinagdadaanan. Medyo gusot ang green na t-shirt na suot niya tila mabilisan niya lamang na sinuot iyon. Sa kabila niyang kamay ay dala niya ang isang rolling suitcase na kulay gray at itim na bag.
“Why? How about your girlfriend?” natigilan siya at nakita ko nanaman muli ang kaniyang mga luha.
“We’re done and don’t speak about her again Kath. Simula ngayon ikaw na girlfriend ko.” I gasped.
“Nasisiraan ka na ba? We’re friends Chrome.”
“I know, but I told my parents that we love each other, na matagal na kaming wala noong babaeng ‘yon at sasama ako sa ‘yo sa Cambodia.”
“Chrome...”
“I promise Kath, I’ll do everything for you. Let’s just go together. You told me about your plan, tutulungan kita hanggang sa pagbalik mo rito, I’ll be with you. I’ll do my part, make me your ally.” marahan akong napapikit ng mariin. Tinupad niya ang pangako niya sa akin. He’s been part of my plan, ginagawa niya lahat ng inuutos ko, dahil tinulungan ko siya noong panahon na down na down siya dahil sa ex niya. Pagmulat ng mga mata ko ay saka ako nagbitaw ng ilang salita.
“Manmanan mo sina Fern at Kael—they are on Damon’s side. Lahat ng nasa panig ni Damon, huwag na huwag mong aalisan ng tingin,” utos ko bago sumakay sa kotse.
Bumalik ako sa bahay namin at tumungo sa private office ko. I took the envelope. Tiningnan ko isa-isa ang nandoon. Lahat ng nasa loob no’n ay ang nga kontrata ni Damon sa malalaking business. Now that I have the list of his alliances, it’s my time to start ruining him.
“Kailan ka makikipagkita kay Damon?”
Nakita ko si Mommy Felice na pumasok sa office ko kaya agad kong itinago ang hawak. Pinasadahan ko siya saglit ng tingin and she’s wearing a brown wrap dress. Kaagad ko rin namang ibinaba ang tingin.
“Wala pa akong balak na magpakita sa kaniya.”
Natahimik siya saglit at naupo sa couch ko. She crossed her legs and stared at me.
“May hindi kami nasabi sa ’yo.”
Alam ko.
“Ano ’yon?”
“Ang totoo, ayaw naman talaga sana naming ipakasal ka kay Damon, kaya lang ay binantaan kami ni Damon na pababagsakin ang lahat ng negosyo natin hanggang sa wala nang matira. Isa pa ay sinabi niya na babayaran ka niya sa amin ng five billion, kapalit ng pagpayag namin na makasal kayo.”
My eyes went darker. “And then?”
“Hindi kami pumayag kaya muntik na niya kaming patayin . . .”
“What?”
“Nakiusap lang ang Daddy mo na kung maaari, hayaan ka na muna. Kaya rin kami pumayag sa plano mong pasukin ang buhay ni Damon dahil doon. Kami ang nagsabi kay Damon na balak mong magpanggap at pumasok sa mansion niya kaya sa simula pa lang, alam na ni Damon. Iyon ang ginawa naming dahilan sa kaniya—ang makilala mo siya at mahulog ka sa kaniya, nang sa gano’n ay kusa kang magpapakasal kay Damon.”
Mabilis na kumuyom ang kamao ko. Hayop ka, Damon. Hayop ka. Akala ko, may nararamdaman ka na sa akin. Akala ko, kahit paano ay gusto mo na rin ako, kahit hindi pantay ang nararamdaman nating dalawa. Tama lang ang ginawa, ginagawa, at gagawin ko. Plano ko talaga lahat ng ito.
Plano kong magpanggap . . . kahit kay Bonie dahil alam kong may gusto ito kay Kuya Kael. Hindi sa wala akong tiwala sa kaniya. Alam kong marupok siya pagdating kay Kuya Kael at kapag sinabi ko ang totoong plano, hindi papayag si Kuya Kael. Para din mas maging makatotohanang ayaw ko umuwi. Isa pa, sina Mommy Felice at Daddy Arthur din ang unang nakaalam ng plano ko pagkatapos nila ibalita ang tungkol sa pagpapakasal, kaya naging mas katotohanan ang pagpapanggap dahil sa pag-pressure nila kay Kuya Kael na pauwiin ako para harapin si Damon.
Ang hindi alam ni Kuya Kael, alam nina Mommy at Daddy ang tunay na pakay ko. Hindi iyon tungkol sa pagpapanggap ko bilang ibang tao para makahanap ng ebidensya na mairarason ko para hindi kami ikasal ni Damon. Ang pakay ko ay isang bagay na magagamit ko laban kay Damon. Nagkaroon lang ng delay dahil ang lintek na puso ko . . . nahulog sa taong ’yon.
“Ano nang susunod na gagawin mo?” tanong ni Mommy.
“I am pregnant.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. “With Damon’s child?”
“Yeah, at wala akong balak na sabihin ito.”
“Kung wala, ano ang binabalak mo?”
“Prepare your men. Kunin n’yo si Damon. It’s time for him to meet his enemy.”
“So, it was really you, Kath? Ikaw rin ba ang may pakana ng nangyaring paglusob sa mansion ni Damon? Is it you’re doing?”
Tumingin ako sa pintuan at nakita ko roon ang gulat kong kapatid.
Ngumisi ako sa kaniya. “Damon is a mafia boss. Hindi na nakakapagtaka kung hindi lang isa ang kalaban niya. Aaminin kong isa ako sa mga kumakalaban sa kaniya, una pa lang. Pero nagkakamali ka sa iniisip mong kagagawan ko ang nangyari sa mansion.”
Shit! Narinig niya kayang buntis ako?
Pero mukhang ’yong huli lang kaya kumalma rin ako. Tumayo ako at lumapit kay Kuya Kael.
“Sa Sabado ng gabi, aalis tayo. Babalik ako sa Cambodia at isasama ko kayo. Hindi ka maiiwan dito, Kuya Kael. Hinding-hindi mo puwedeng sabihin kay Damon lahat ng narinig mo. Tayo lang ang nakakaalam nito. Kapag nalaman ’yon ni Damon, ikaw lang ang maaaring maging suspect ko. Kahit kapatid kita, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko,” banta ko.
“Y-you’re wicked. P-paano mo nagawa ang mga ito. Y-you’re not the same Katherine anymore. My God.”
“This is me. This is me after what Damon did to our family,” mariin na sambit ko bago tuluyang lumabas ng opisina na ’yon.
Nagpalit lang ako ng damit, it was just a pair of black pants, black boots, gray undershirt and black leather jacket. Matapos magbihis ay tumungo na sa lugar kung saan ko siya makikita. Kaunting oras na lang ang hihintayin ko, darating na siya. Binalingan ko ang baril na nakapatong sa nag-iisang lamesa na nasa harapan ko. It was loaded. Isang kalabit lang ay puputok na ’yon. Sunod kong pinasadahan ng tingin ay ang kwarto kung saan ako naroon. The room was dark when I entered. May bintana ngunit nakasara at tanging ang liwanag lamang na sumisilip mula sa gray na kurtina ang nagbibigay liwanag sa akin. Hindi ko muna binuhay ang ilaw ng mga oras na ‘yon at piniling ipagpatuloy ang paghihintay.
A few hours later, a man entered the room where I was—blind folded and chained. Nakakadena ang dalawang kamay nito sa kaniyang likuran imbes na posas. Nakita ko ang ilang sugat sa mukha niya. Mayroon din siyang tama ng bala sa may balikat niya, punit-punit ang pantalon, at walang suot na pang-itaas. Bakas ang pawis sa kaniyang katawan, magulo ang buhok, at may dugo sa gilid ng labi. I guess they’re done torturing him. Nakaupo lang ako sa harapan nito. Gusto kong pumalakpak pero hindi ko nagawa. Hindi nga ako agad nakagalaw.
“Who are you?” tanong ni Damon.
Hindi ako agad nagsalita. Gumalaw ang isa pang taong nandito at unti-unting lumapit sa kinaroroonan ni Damon.
“Akala ko si Dimaria ang kahinaan niya, pero isang pangalan lang ang binanggit ko, kusa na niyang isinuko ang sarili niya.”
Natigilan ako sa sinabi ni Chrome. Bakas pa ang gulat sa boses ng kaibigan ko.
“Where is she? You told me you’ll free her if I surrendered myself? Now, kill me! Kill me and let her leave!” sigaw ni Damon.
Lumakas ang tawa ni Chrome na tila isang nakakatawang drama ang pinapanood niya. “Hindi ko alam na nakilala ka sa pagiging tuso. Mayroon ka palang katangahan na tinataglay.” Mabilis na tinanggal ni Chrome ang telang nakaharang sa mga mata ni Damon.
Agad na dumako ang namumungay nitong mga mata sa akin. Binuhay na rin ni Chrome ang ilaw sa loob na kinapikit pa nito nang bahagya. Nang magmulat ang pagod at mapupungay niyang mga mata, agad na bumakas ang pagtataka, galit, sakit, at lungkot sa mga mata niya. Ito ang unang beses na nakitaan ko ng gano’ng emosyon ang mga mata niya. Sa mga sandaling iyon, para akong unti-unting sinasaksak ng napakaraming kutsilyo.
“Now, look at her. Tingnan mo kung sino ang dahilan kung bakit nandito,” wika ni Chrome at mabilis na umalis. Bumaling ang tingin ko sa pintuan sa likuran niya na ngayo’y nakasara na at sa kulay putting dinding bago binaba ang tingin kay Damon.
Naiwan kami roon na nakatitig sa isa’t isa. He surveyed me from head to toe before his jaw moved harshly.
“Y-you betrayed me?”
Shit! Bakit biglang nanginig ang mga tuhod ko? Hindi ako makatayo.
“Yes, I deceived and betrayed you, Damon.”
“W-why?” nagmistulang bulong ang tanong niya.
“Don’t act like a freaking idiot! Don’t act like a freaking innocent man! Gusto mo pa bang ipaalala ko sa ’yo ang ginawa mo sa pamilya ko, ha?”
I saw how his eyes glimmered. Tumayo na ako at ginamit ko ang galit ko para maging lakas upang makalapit sa kaniya.
“You killed my parents! Ikaw ang dahilan kung bakit maaga akong nawalan ng magulang!”
He bowed his head to meet my eyes. Kita ko ang pangingilid ng mga luha niya. “So that’s the reason why, huh? You want to avenge them? You want to get even? That is why . . . that is why you pretend that you love me?”
Bakit parang ako pa ang masama?
“No! You made your freakin’ choice! Pinapili kita kung ako ba o ang babaeng ’yon. Hindi ako nagbibiro no’ng sabihin kong nasasaktan at nagseselos ako! Minahal kita, Damon. Umasa ako na baka mapatawad kita . . . kapag minahal mo rin ako! Umasa ako na baka magbago pa ang isip ko at hindi ko gawin ’yon kay Dimaria, pero pinili mo siya! Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ’yon, huh? You’re so freaking willing to risk your life to save her from me while you left me and treated me like your freaking option!” umiiyak kong singhal sa kaniya and I saw how his tears escaped his eyes.
“Kill me,” sambit niya.
Napatitig ako sa kaniya. Walang nang emosyon ang mga mata niyang lumuluha.
“Kill me because it hurts.”
No, it’s a lie.
“Kill me because the only woman I fell in love with betrayed me.”
Pakiramdam ko nagdilim ang paningin ko nang mga oras na iyon. Kaagad kong nakuha ang baril na nakapatong sa mesa at itinutok ’yon sa kaniya.
“Kill me now, Katherine, because I already feel like dying . . .”
Mas bumilis ang pagbagsak ng mga luha ko. Ngayon, saka ko mas na-realize kung ano ang makakapigil sa akin na iputok ang baril na ito na nakatutok sa dibdib niya. Say it.
“I love you.” Damon said. His raspy and exhausted voice lingered inside my ears.
Kaagad kong kinuha ang syringe na nasa likod ko at mabilis iyong isinaksak sa may leeg niya. Unti-unti siyang nawalan ng malay sa harapan ko. All I could do was to cry. I threw the gun and grabbed a handful of my hair. I couldn’t. Kahit pa gaano niya sinira ang buhay namin, hinding-hindi ko siya magagawang patayin. He’s my enemy . . . but he’s my first love. He’s the father of my child.
“Mahal na mahal kita, Damon. Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko sa ’yo.”
“Katherine! Kailangan na nating umalis! Lumusob ang mga tauhan ni Damon! Hindi natin kakayanin! Napatay na nila ang mga tauhan natin sa harap! The plane is ready. Tara na!” sigaw ni Chrome.
Nanghihina man ay nagpahila na ako kay Chrome. Sa tuktok kami ng building na ito pumunta. Nakita namin ang private helicopter na pag-aari ni Chrome. Kaagad kaming sumakay roon at wala akong nagawa kung hindi tingnan mula sa itaas ang building kung saan ko iniwan ang walang malay na si Damon. Forgiving is not easy. I hope someday, we’ll find it, Damon Lucifer.