Gumising ako kinabukasan na muling naramdaman ang tila hinahalukay ang tiyan ko. I knew there’s something wrong with me. Hindi na ito basta kung ano lang. Should I see our family doctor? I was about to call Tita Maris, our family doctor and Fern’s mom, ngunit nang makarinig ng tila mga nababasag na bagay ay kaagad akong napalabas ng kuwarto. Dalawang araw na simula nang dalhin ni Damon si Dimaria rito at simula no’n, hindi ko siya kailanman kinibo. Gano’n din naman siya sa akin. Hanggang ngayon, palagi akong gumigising nang wala siya pero sa narinig ko, natitiyak kong nandito siya sa mansion ngayon.
Tinungo ko ang lugar kung saan ang ingay at dinala ako sa opisina ni Damon. Papasok na sana ako ngunit agad akong napatago nang makitang may kausap ito sa phone niya. Ang kalat-kalat na ang mga gamit niya sa sahig. Marahil iyon ang narinig ko kanina. Magulo ang kaniyang buhok tila kanina pa niya iyon pinasadahan ng daliri. Tanging itim na t-shirt lamang ang suot niya at itim na tattered pants.
“Look for her. Track their location. Don’t ever let them escape. Get Dimaria back! You need to bring her back to me! And for those rascals who took her, make sure to take away their breath or else I will kill you!”
Nakita ko ang galit sa mga mata ni Damon—galit na nagsasabing kayang-kaya niyang kumitil para sa babaeng ’yon. Hanggang ngayon, wala akong nalalaman na ugnayang mayroon sila ni Dimaria. Puro hinalang magkaibigan sila. Pero sa nakikita ko, they’re not just business partners nor friends. She must be Damon’s greatest first love. Hindi ko gusto ang ideya na ’yon.
Aalis na sana ako nang biglang lumabas si Damon ng opisina niya. Hindi ko man lang namalayan na papalabas na pala siya at hindi ko na nagawa pang makakilos. Agad na napunta sa akin ang attention niya. Kahit gustong-gusto ko nang magtanong, walang salitang lumabas sa labi ko.
I was still haunted by what I saw two days ago. Naghintay ako sa kaniya. Nag-alala ako na baka napano na siya. Sa mundong ginagalawan niya, sa posisyon niya, hindi malabong maging kakambal niya ang kapahamakan. Despite what I felt, kasama lang pala niya si Dimaria and he didn’t even tell me anything. Hindi siya nagpaliwanag at hindi niya rin ako kinausap. Parang pinamukha niya sa akin kung ano lang ba ang papel ko sa buhay niya.
“Katherine.”
“You’re not going. You will stay here,” mariin kong utos na bahagyang kinakunot ng noo niya. Hindi niya gusto ang ginagawa ko, pero wala akong pakialam.
“Dimaria was kidnapped by my enemies. Do you think I will just stay here and follow orders from you?”
I swallowed hard. Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko. I could feel my tears starting to pool in my eyes.
“Yeah, right, that woman again. Si Dimaria ulit! Si Dimaria na naman! Puro na lang Dimaria! Puro na lang siya! Paano naman ako, ha? Ano ba talagang papel ko rito? Ano ba talagang papel ko sa buhay mo, Damon? Wala ka na lang bang ibang bukambibig kung hindi ang babaeng ’yon, ha? Nandito naman ako pero bakit hindi mo magawang layuan siya? Sino ba siya, ha? Siya ba ang mahal mo? Kung gano’n, bakit mo pa ako dinala rito?”
“Katherine . . .” He was about to hold me, ngunit umiwas ako.
“Don’t touch me! Napapagod na ako sa ’yo!”
Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya.
“Napapagod na akong mag-isip. Napapagod na akong magselos dahil puro na lang ang babaeng ’yon ang inaatupag mo! You’re so dense! Nasasaktan na ako pero siya pa rin ang inuuna mo! Wala akong pakialam kung wala mang label ang relasyon na ito at hindi opisyal ang pagiging engaged natin! Basta nasasaktan ako kaya please! Please, Damon . . . stay. Ako naman ang unahin mo. G-gusto kong samahan mo ako sa—” Bigla niyang inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya. Wala na naman akong mabasang kahit ano sa mga mata niya. Marahas ding gumagalaw ang panga niya at mariin nang nakakuyom ang kamao.
“Dimaria is important to me more than what we have. I will always do everything for her. This is not a simple kidnapping case anymore; they won’t ask for ransom. They will kill her.”
That answered everything. I let him walk away. I let him leave. Gusto ko lang namang samahan niya ako kay Aunt Maris. Gusto ko lang na sabay naming alamin ang resulta at totoo, ngunit mas matimbang nga talaga ang buhay ni Dimaria kaysa sa akin.
***
I was shattered. I went to my Aunt’s clinic wearing only long white dress and nude sandals. Para akong walang buhay na dumating doon, ni hindi ko na nga nabati pa si Aunt nang maayos. She just asked me and I answered her.
“Mom? Who’s your—Kath?”
Nilingon ko si Fern ngunit hindi ko siya binigyan ng kahit anong pagbati. Lahat ng involve sa buhay ni Damon ay hindi ko makakayang pakisamahan ngayon. Fern’s part of Damon’s circle, sila ni Kael, though Kael’s closest to Damon.
“Mukhang wala ka namang sakit, maganda kong pamangkin. Iba ang naging resulta,” balita ni Aunt. Maaliwalas ang mukha nito ngunit wala akong naging reaksyon. Kahit naman hindi niya sabihin, alam ko na.
“Ano ’yon, Mom? Ano’ng resulta?” tanong ni Fern.
Bumaba ang tingin ko sa hawak ni Aunt bago iyon kinuha sa kaniya at sinilid sa bag ko.
“I want this to become a secret. Huwag n’yo na po munang sasabihin kahit na kanino, kahit na . . . sa kaniya.” Sumulyap ako kay Fern na mukhang naguguluhan sa sinabi ko, ngunit kaagad na akong tumalikod.
Bumagsak ang mga luha ko habang mabigat ang loob na umalis. I couldn’t accept the result. I couldn’t accept what just happened. Kahit ginusto ko ito ay wala pa rin ito sa plano. Ang tanga ko para hayaang magbunga ang ilang beses naming pag-iisa. Ang tanga-tanga ko pero wala dapat akong pagsisihan. Tulad ng sinabi ko sa sarili ko, ginusto ko ito. Ang tanging basehan ko na lang ay ang magiging sagot ni Damon. Kapag bumalik siya, magpapatuloy akong sundin ang sinasabi ng puso ko. Kapag hindi, utak ko na ang susundin ko.
I called his number a couple of times. I bit my lip, habang ang mga luha ko ay patuloy na bumabagsak. Maya-maya lang ay may sumagot doon, pero agad akong nadismaya ng hindi boses ni Damon ang sumagot.
“Miss Kath?” It’s kuya Rommel’s voice.
“Si Damon?”
“Mag-isa pong pumunta si Boss sa location kung nasaan dinala si Miss Dimaria, wala po kaming magawa dahil binantaan niya kaming huwag makialam.”
“Gano’n ba? Sige, huwag mo na lang sabihin na tumawag ako.” Magsasalita pa sana siya ngunit kaagad ko nang ibinaba ang tawag.
Mabilis akong bumalik sa mansion. Bago ako bumaba sa sasakyan, I typed something on my phone and send it to him.
Babalik na ako.
Walang emosyon akong bumaba sa kotse. Mabilis akong naglakad papasok sa loob at tinungo ang kuwarto ni Damon. I took some of my things, pati na ang kaisa-isahang naging pakay ko. Pababa na sana ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok. Kaagad akong tinakasan ng dugo nang mapagtanto kung ano’ng nangyayari. I could hear Ate Tess and Ate Miray’s voices. Naghihiyawan sila sa takot. Kaagad akong tumakbo patungo sa lokasyon nila nang may pumalibot sa aking mga lalaking nakaitim. Napuno ako ng kaba at takot. Nangilid na rin ang mga luha ko.
“S-sino kayo?”
“Sa wakas, nakita na namin ang tagapagmana. Ang tanga ng Dankworth na ’yon para iwan ka rito. Kunin siya!”
Agad akong naluha nang magsilapitan sila sa akin at kaagad akong iginapos. Someone even put a cap on my head that made me scream in fear. Hindi ako makasigaw at makapagsalita nang maayos dahil sa busal na nilagay nila sa bibig ko. Tears pooled in my eyes as my chest ached. Damon! Help!
Nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril, hanggang sa may kumalas sa tali na nakagapos sa akin at umalis ng takip ng ulo ko. Ang pag-asa kong si Damon iyon ay unti-unting nawala nang makita kong si Kuya Rommel pala iyon. May tama siya sa balikat.
“K-Kuya Rommel . . .”
“K-kailangan na nating umalis, Miss K-Katherine.”
“Sina Manang at Ate Tess? Saka si Ate M-Miray? A-ano bang nangyayari?”
“M-mamaya ko na po ipapaliwanag. Alis na p-po tayo.” Mabilis na niya akong inalalayan hanggang sa makapasok kami sa van. Nakita ko pa ang ilang tauhan ni Damon na nakahandusay na sa ilang parte ng mansion at wala ng buhay. Tatlo na lang kaming nasa van. Ang nagmamaneho na tauhan din ni Damon, ako, at si Kuya Rommel.
“P-puwede n’yo na bang sabihin sa akin?”
“Nilusob tayo ng kalaban, Miss. Sinamantala nilang wala si Boss. Ikaw ang pakay nila.”
Malakas ang naging pagtibok ng puso ko sa narinig.
“Sina Manang? Si Ate Tess?”
“W-walang nakaligtas sa mansion kung h-hindi tayong tatlo l-lang . . .”
Para akong pinokpok ng malakas na bagay sa sinabi niya. Agad akong nanghina at napasandal sa back rest. I was trying to calm myself. Napakabilis ng pangyayari. I was just planning to leave, pero nandito at may nangyaring hindi inaasahan. Sa isang iglap, nawala ang ilan sa mga taong naging mahalaga na rin sa akin nang wala man lang akong nagawa. Nawalan na naman ako. I wanted to scream in anger, but I managed to keep that inside of me.
Tumungo kami sa hospital ng organisasyon nila. They mended Kuya Rommel’s wound, samantalang ako ay naiwan sa waiting area. Naisipan kong lumabas ng hospital. It was already dark. Humahampas ang malamig na hangin sa balat ko. I took out my phone, hanggang sa may tumawag dito. Kaagad ko ’yong sinagot.
“Kailan ka babalik?”
“Baka bukas.”
“May nakuha ka na?”
“Naiwan ko sa mansion. Send someone to get my bags. Bilisan lang.”
“Sige, naiintindihan ko.”
Pansamantala kaming natahimik.
“Mabuti naman ay naalala mo na ang tunay na dahilan mo.”
“Hindi ko naman ’yon nakalimutan.”
Hindi ko nakalimutan pero isinantabi ko dahil nahulog ako kay Damon—iyon ang naging pagkakamali ko. Ngayon, oras na para tanggalin ang maskara na isinuot ko no’ng sandaling tumapak ako sa malamig na sahig ng airport. Oras na para kumilos ako ng naaayon sa mga plano ko. Sayang. Minahal pa naman sana kita, Damon Dankworth.