Chapter 23

1725 Words
“Palagi na lang bang ako ang takbuhan mo sa tuwing may problema ka sa pinalit mo sa akin?” Hanggang kailan ba ako masasanay sa pagiging ampalaya ng isang ito. Akala mo naman ay totoong minahal niya ako. “Excuse me? Bihira lang kaya ako rito, Chrome.” Inabot ko agad ang strawberry shake na ginawa niya for me. Request ko ’yon at iyon din ang dahilan kung bakit pumunta ako rito sa bahay niya. Naiinis pa rin ako. Wala akong mapaglagyan ng galit at sakit na nararamdaman ko kaya nagsumbong na rin ako sa kaniya. I saw him removing his sleeves leaving him on his white undershirt, mukhang kagagaling niya lamang sa opisina niya. It was just eleven in the morning. I wonder why he’s here? Hindi naman ‘to umuuwi ng tanghali. “Oo, bihira. Kapag nandito ka naman, inuubos mo lagi ang stocks ko. May patago?” I rolled my eyes at him. Kinulang talaga ito sa aruga. Hindi ko alam kung bakit tumagal kami ng halos anim na taon. “Bayaran na lang kita sa susunod. Ang dami mong reklamo, parang hindi ka naman makikinabang.” I snorted. “E, ’di ikaw na tama, ako na mali. Ganyan naman kayo, e. Ubusin mo na ’yan at lumayas ka na sa pamamahay ko dahil baka bigla na lang may bumaril sa akin dito. Mumultuhin talaga kita kapag namatay ako.” Mas lalong umasim ang mukha ko sa pinagsasasabi niya. Bakit ba kasi rito pa ako pumunta at hindi na lang si Bonie ang pinuntahan. Nakalimutan kong maluwag nga pala ang turnilyo ng isang ito at hindi ko makakausap ng matino. “Kaya ’di ka minamahal, e, ang sama ng ugali mo!” Mas lalong sumimangot ang mukha niya at naupo sa harapan ko. “Anong plano mo sa fiancé mo?” Just the thought of what happened earlier made me throw up, lalo na nang manuot ang pabango ni Chrome sa ilong ko. “Oh? Bakit?” nagtatakang tanong niya na hindi ko na nasagot. Tumakbo na ako agad sa sink at doon nagduwal. Chrome rushed towards me and caressed my back. “Puta. Ano’ng nangyari? May sakit ka ba? Masama ba lasa no’ng gawa ko? Sa pagkakaalam ko, tama naman. Tulad lang ’yon no’ng ginawa ko sa ’yo no’ng nakaraan.” Itinulak ko siya palayo gamit ang isa kong kamay habang patuloy akong nagduduwal. “D-don’t come near m-me for a w-while.” “Ha? Bakit?” “Ang baho mo. Amoy lupa ka!” “What? Ano’ng tingin mo sa akin, matanda na? Woy, Kath. Nakakasakit ka na, a. Ang mahal mahal pa ng pabango ko, e!” Susubukan na naman ulit sana niyang lumapit pero mas malakas ko na siyang itinulak. Nanghihina na ako at halatang natataranta na rin si Chrome pero wala siyang nagawa. “Oh, tubig. Ipitan mo na lang ang ilong mo para hindi mo ako maamoy o kaya ay huwag ka na lang huminga—mas magandang ideya ’yon.” Kung hindi lang masama ang nararamdaman ko, nasipa ko na ang isang ito. Dahil hindi ko talaga gusto ang amoy niya ngayon, sinunod ko ang sinabi niya. I used my finger para takpan ang ilong na nagmumog ako at bumalik sa kinauupuan, while he maintained our distance. Bagsak pa ang balikat nito at masama ang tingin sa akin. “Baka nasobrahan ka na sa shake.” Umiling ako at muling uminom ng shake. Hindi naman. Natatakam pa nga ako, e. “Huwag ka nang magalit. Hindi naman masama kung amoy lupa ka. Okay lang ’yon.” “Akala mo ba, hindi masakit ’yong sinabi mo?” Kumunot ang noo ko sa kaniya. “Siraulo! Ang pangit mo, Chrome!” I laughed, lalo na no’ng para na siyang bulkan na sasabog. “Umalis ka na nga. Isa kang malaking abala!” Mas natawa ako sa sinabi niya, ngunit nahinto ’yon ng may biglang pumasok na babae. Kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya mula ulo hanggang paa. Nakasuot lang siya ng T-shirt ni Chrome na umabot hanggang hita niya. Hindi ko alam kung may panloob ba siya, basta natitiyak kong wala siyang suot na bra kasi bakat ang dibdib niya. She had this curly bob cut with short balayage hair. Hindi naman gano’n kakulot, mukhang pinasadya niya lang ipakulot. Maputi siya at makinis, ’yon nga lang ay mukhang mas maliit siya sa akin—siguro ay nasa 5’4 lang ang height niya. Mukhang inaantok pa siya at hindi pa niya na-realize na nandoon ako, not until napunta ang tingin niya sa akin. Napaayos si Chrome ng tayo at ang asar niyang expression kanina ay mabilis na naglaho. Naging blanko na iyon at para siyang naging stiff. I smelled something and I already had an idea, ngunit hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin. Bahagyang nagulat ang babae at napatingin pa kay Chrome bago bumalik sa akin. I was waiting for Chrome to talk to her, but he said nothing, na mas nakapagpadagdag sa hinala ko. I cleared my throat. Inubos ko na ang laman ng bubog na basong kinalalagyan ng shake na ginawa ni Chrome for me at tumayo na. “Bibisitahin ko pa si Bonie. Alis na ako. Salamat sa shake, Chrome.” Muli kong sinulyapan ng tingin ang babae, bago walang-imik na lumabas ng kusina. “She’s your ex, right, Chrome?” “Yeah.” “A-alis na rin ako . . .” Iyon ang narinig ko bago tuluyang makalabas. Hindi ko alam kung tama ang narinig ko, pero dinig ko sa boses no’ng babae ang tila paggaralgal ng kaniyang boses. Who is she? Pamilyar siya sa akin. Well, that’s not my story to tell. Wala na akong karapatang alamin kung anong mayroon sila. *** Pinuntahan ko si Bonie pero hindi rin ako nagtagal dahil marami siyang trabaho. Ayokong makaabala kaya pinili ko na lang umuwi. When I was on my way to Damon’s mansion, Kuya Kael called me. Nakikipagkita ito sa akin sa restaurant na pag-aari ng kaibigan niya. Hindi ako nagdalawang-isip na pumunta. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil pagkapasok ko roon ay may sumundo na agad sa akin na crew para ihatid ako sa table kung nasaan ang kapatid ko. Bumungad sa akin ang seryosong mukha nito. Mukhang hindi maganda ang pag-uusapan namin pero malakas pa rin ang loob kong alamin ’yon. His arms were folded against his dark gray polo shirt, kaya bahagyang nagkaruon ng gusot doon parang noo niya. “What is it?” I asked. “You have to marry Damon as soon as possible, maybe next week?” “Bakit? Minamadali ka na ba nina Mommy at Daddy?” walang-buhay na tanong ko at nagsimula nang kumain nang sandaling i-serve ang inorder niya. Hindi siya agad sumagot. “O minamadali ka na ni Damon? Well, I’m sure, hindi ka naman mamadaliin ni Damon. Baka nga mas gusto pa no’ng i-delay, e.” “Pero narinig ko kay Damon na pumayag ka na talagang pakasalan siya.” Huminto ako sa pagnguya. Gusto ko pang kumain nang marami pero nawalan na talaga ako ng gana. “As if gustong ituloy ni Damon ang kasal namin.” “Itutuloy niya ’yon. Gusto na rin ni Damon na ikasal na kayo agad.” Kumunot ang noo ko. Imbes na matuwa ay hindi iyon ang naramdaman ko. “Bago kami ikasal, dapat ko munang kausapin sina Mommy at Daddy. Hindi pa ako nagpapakita sa kanila. It’s time to face them and to apologize.” “Magpakasal na muna kayo.” “Bakit ba parang nagmamadali ka?” “H-hindi naman sa gano’n. Ang sa akin lang . . . para kapag humarap ka nina Mommy at Daddy, kasal na kayo ni Damon at hindi na sila masyadong magagalit sa ginawa mo.” Ngumisi ako. “Kung sa bagay, may point ka naman, Kuya Kael.” Tatayo na sana ako nang may pumasok din sa restaurant. Mula rito ay tanaw ko silang naglakad patungo sa kabilang bahagi ng restaurant. Kaagad na nanikip ang dibdib ko at naikuyom ang kamao. What a freaking coincidence! “Kath?” “Alis na ako.” malamig na paalam ko kay Kuya Kael at mabilis na lumabas ng restaurant. Muling namuo ang galit at sakit na naramdaman ko kanina. Hindi pa man lang iyon tuluyang humuhupa ay kaagad na bumalik dahil nakita ko na naman silang magkasama. Parte pa rin ba ng business nila ’yan? Hindi ako naniniwala! Pinalis ko ang mga luha at mabilis na umuwi. Kung puwede lang, ayokong makita si Damon ngayong gabi ngunit alam kong taliwas ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang umuwi. Gusto ko siyang makatabi. Gusto ko siyang mayakap. *** Ilang oras akong naghintay na umuwi siya, ngunit nang gabing ’yon, walang Damon ang dumating. Pagtungtong ng alas-dose ng hatinggabi, bumaba ako. Tahimik na ang buong mansion ngunit pinili kong mamalagi sa harapan ng pintuan. Hinihintay ko siya. Inaantok na ako pero pinipilit kong magmulat. Malamig pero kinakaya ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang kinakagat ang pangibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak. Umuwi ka, please. Umuwi ka sa akin. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ay ang pagparada ng kotse ni Damon sa harapan ng mansion. Nabuhayan ako ng loob at may luha man sa mga mata, nagawa kong mag-angat ng tingin. Tumayo ako habang nakangiti siyang pinanood na lumabas ng kotse niya. Ngunit ang kakarampot na kasiyahang naramdaman ko ay unti-unting nilamon ng pamilyar na emosyon nang makita kong may binuhat siya palabas sa kotse. Naglakad si Damon patungo sa direksiyon ko. Muling nahulog ang mga luha ko at bumagsak ang balikat sa nasaksihan. Nanginig na rin ang tuhod ko at hindi ko na alam kung ano ba dapat ang maramdaman. He saw me. He saw my tears, and he stopped in front of me. Nakita ko pa ang pagbakas ng gulat sa mata niya nang makita ako, ngunit agad din naman ’yong nawala. Hindi ko nga alam kung totoo ’yong nakita ko. “Naghintay ako . . .” “Katherine . . .” “Sana sinabi mo na lang na may isasama ka pauwi. Hindi na sana ako naghintay,” mahinang sambit ko. Mas lalo akong naiyak. Mabilis ko siyang tinalikuran. Pinagsisihang kong nanatili akong gising at nag-alala para sa kaniya. Gayong uuwi lang pala siya, kasama si Dimaria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD