Chapter 22

1792 Words
Nagising ako sa pakiramdam na tila may humahalukay sa tiyan ko. Mabigat man ang pakiramdam ay nagawa kong makatakbo sa loob ng banyo at kaagad na dumuwal sa bowl. Halos maluha ako habang patuloy na dumuduwal kahit halos maubos na ang laman ng tiyan ko. My head throbbed as my stomach ached. Nagpatuloy ako sa pagsusuka hanggang sa unti-unti na rin akong tumigil. Nanghihina akong tumayo at mabilis na kumapit sa counter. I washed my face, nag-toothbrush na rin ako at sumandal muna roon dahil sa panginginig ng tuhod ko. “What the f**k is wrong with me?” My eyes narrowed on my reflection. Sapo ang ulo na lumabas ako at no’n ko lang napagtanto na wala na si Damon sa kuwarto. Ang huling naalala ko ay nawalan ako ng malay no’ng ibalik niya ako rito. Pagkatapos magpahinga sa kama ay pinili kong mag-shower at magbihis, bago tuluyang bumaba sa dine hall. Nakita ko roon ang mga naka-serve nang breakfast. “Good morning, Madame!” bati sa akin ni Ate Miray na sinuklian ko naman ng ngiti. “Si Damon?” I asked. I always want to know his whereabouts. “Maaga pong umalis, Madame. Actually, siya po ang nagluto ng breakfast para sa inyo kaso may emergency meeting daw po kaya hindi na kayo nahintay na gumising.” Bigla akong nawalan ng ganang kumain. Kaagad akong umurong at tumayo. “Kayo na po muna ang kumain niyang breakfast. Sa labas na muna ako kakain.” Magkasalubong ang kilay na bumalik ako sa kuwarto para magpalit ng damit. I just wore an above the knee red dolphin dress. Hindi ako nagsuot ng heels, at tanging white rubber shoes lamang ang sinuot. I tied my hair into a high ponytail and applied light makeup. Hindi rin ako nagdala ng pouch or bag—tanging wallet lang at cellphone. Pagkatapos mag-spray ng perfume ay kaagad na akong bumaba. Nasa may bungad pa lang ako ng pintuan ay kaagad na akong hinarangan ni Kuya Rommel. “Miss, hindi kayo puwedeng umalis ngayon.” Arching my brow at him, I asked, “Why not?” “Mahigpit pong—” I cut him off. “Mahigpit na ipinagbabawal ni Damon, alam ko. Pero wala siyang magagawa kung gusto kong umalis. Now, move away and let me leave!” Pinandilatan ko sila at agad naman silang napakamot sa mga ulo nila. Hindi ako nagpapigil at kaagad na umalis. Tumungo ako sa bahay ni Bonie to get my car, na hinabilin ko sa kaniya. Wala si Bonie roon kaya hindi na rin ako nagtagal. Nagmadali akong magmaneho patungo sa company ni Damon. Pagka-park ko ng kotse ay kaagad akong naglakad papasok sa entrance. Halos uminit pa ang ulo ko nang bigla na lang akong harangan ng guard. “Miss, may appointment po kayo?” “Nothing.” “Pasensiya na po. Hindi kami nagpapapasok basta ng bisita.” “I am not just a visitor. I am the fiancée of this company’s CEO.” Mukhang nagulat ito sa sinabi ko pero hindi pa rin siya umalis sa puwesto niya kaya hindi ako makadaan. “Miss, marami na rin kasi ang nagsasabi ng ganyang dahilan kaya hindi na namin pinaniniwalaan.” “Then call your boss and tell him my name—Katherine Reiss.” Nanlaki ang mata nito nang marinig ang pangalan ko. “Miss Katherine! Ikaw po pala si Miss Katherine. Pasensiya na po, Miss. Sige, puwede na kayong pumasok.” Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Mabilis akong naglakad papasok ngunit agad din namang napabalik nang may nakalimutan akong itanong. “Saang floor ang opisina ni Damon?” “112th floor po, Miss.” Kaagad akong tumungo sa elevator. Nang sandaling huminto iyon sa floor kung nasaan ang opisina ni Damon ay nagmadali akong naglakad palabas. Bago pa man ako makarating sa opisina ni Damon ay may babae na namang humarang sa akin. I narrowed my eyes on her. Maybe she’s his secretary based sa ayos niya. She’s wearing a pencil cut skirt abot her knee, black pumps and a white button-down sleeve tucked under her skirt. “Si Damon?” tanong ko. “Nasa conference room pa po, Ma’am. Sino po sila? May appointment po ba kayo kay Mr. Dankworth?” “Gaano katagal ang meeting?” “May natitira pa pong one hour before matapos.” “Can I enter his office so I can wait?” Alanganin niya akong tiningnan. “I’m Katherine Reiss, his fiancée,” pagpapakilala ko. “Sige po, Ma’am. Pasok po kayo.” Binuksan niya ang pinto ng opisina ni Damon para sa akin kaya kaagad akong tumuloy. “May gusto po ba kayong inumin? Coffee? Juice?” “No, thanks,” sagot ko kahit ang totoo, nagugutom ako. Umalis din naman ito dahil may kailangan pa raw siyang tapusin. Naiwan ako sa loob ng opisina ni Damon. Hindi naman gano’n katagal ang one hour, pero nakakabagot pa rin ’yon. Lumapit ako sa desk ni Damon at naupo sa swivel chair niya bago pinakialaman ang kaniyang PC. It was locked so I had to type its password na hindi ko naman alam. Tinigilan ko na ’yon nang mairita dahil hindi ko ito mabuksan. I took some folders and read them. Sinubukan ko ring magtingin-tingin sa mga sulong ng kaniyang desk. Nang wala namang napala ay bumalik na lang ako sa couch at piniling magbasa ng magazine. Hindi ako nagmalay sa oras, hanggang sa makarinig ako ng mga boses at mga yabag. Saktong pag-angat ko ng tingin sa pintuan ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng may ngiti sa labi habang nagsasalita, wearing a white sheath dress and a lace-up block high heels. Sumunod sa kaniya si Damon na nakikinig naman sa sinasabi niya, habang inaayos ang pagkakatupi ng itim na button-down long sleeve na kaniyang suot, it was tucked in his black pants. Agad na uminit ang ulo ko at malakas na ibinaba ang magazine dahilan para mapatingin sila sa aking pareho. I gritted my teeth while throwing daggers of look on Damon before my gaze shifted to Dimaria’s position. “Tapos na meeting, ’di ba? Bakit nandito ka pa?” mataray na tanong ko rito at halatang na-offend siya. “Katherine,” suway sa akin ni Damon na may halong pagbabanta ang boses. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago nakahalukipkip na binalingan si Dimaria na hindi makapagsalita. “What? I am asking.” “Ah, may pag-uusapan lang sana kami ni—” “I don’t care. Ilang oras na kayong magkasama sa meeting n’yo at hindi n’yo pa rin napag-usapan? If it’s about business, hindi ba dapat doon pa lang, napag-usapan n’yo na ’yan? Kailangan ba ay may pa-sobra talaga? Bakit, special ka ba?” “Katherine!” mas malakas ang boses na suway ni Damon sa akin. Hinawakan pa nito ang braso ko na kaagad ko namang binawi. “Shut up, Damon. Make this woman leave!” utos ko sa kaniya. “Katherine, don’t test my patience!” sigaw ni Damon, ngunit hindi ko ito pinakinggan. “Leave this office. Tapos na ang meeting n’yo,” wika ko kay Dimaria. Hindi nito alam ang sasabihin. Napapalingon ito kay Damon at bumabalik sa akin. “Stay, Dimaria.” Bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi ni Damon. Ganoon pa man, mas tumalim ang tingin ko kay Dimaria. “Make her leave! Bakit ba ayaw mo siyang paalisin? At bakit hindi ka pa umaalis?” tanong ko kay Damon. “We still have something to talk about, Katherine, so go back to where you were earlier and zip your mouth. Wait until we’re done!” And what? I will endure seeing him with this woman? “Paalisin mo siya! Wala akong pakialam kung may pag-uusapan kayo! Nandito ako kaya ako lang ang kakausapin mo at pagbibigyan mo ng attention! ’Di ba, sinabi ko sa ’yo na ayoko kayong makita na magkasama? Gaano ba kahirap para sa ’yo na layuan siya?” Nakita ko kung paano magsimulang dumilim ang mga mata ni Damon. “If you can’t shut your mouth, you’d better leave! Don’t wait for me to drag you out!” Parang may mga karayom na tumusok sa dibdib ko sa galit niyang sigaw sa akin. He even pointed to the door. He told me to leave! So he’s choosing this woman over me? Mararahas akong huminga habang nakatingin sa kaniya ng masama. Agad na bumagsak ang mga luha ko. Nakita ko ang bakas ng pagkagulat sa mukha niya. Mabibigat ang hakbang na umalis ako sa opisina niya. Parang nilalakumos sa sakit ang dibdib ko. I didn’t care kung may mga nakakakita sa aking umiiyak. He wanted me to leave. He chose Dimaria over me. Mas importante ba sa kaniya na makausap ang babaeng ’yon kaysa sa akin? Humihikbi akong pumasok sa elevator. Kahit anong gawin kong pagpunas sa mga luha ko ay hindi iyon mawala-wala. Hindi niya ako mahal. Simpleng bagay lang naman ang hinihiling ko pero hindi niya magawa para sa akin. Mas mahalaga si Dimaria para sa kaniya. It freaking hurts. Pasara na sana ang elevator nang may pumasok doon. Mas lalo akong napaiyak nang makita kung sino ’yon. “Katherine . . .” “D-don’t! Don’t come near me!” Sumiksik ako sa sulok ng elevator ngunit lumapit pa rin siya. “I want you to understand—” “No! I will never understand! Ang simple-simple ng gusto ko! Layuan mo siya! Huwag mo siyang kausapin! Pero siya pa rin ang pinili mo! Pinalampas ko na ’yong sa Singapore kasi akala ko, kahit papano, naiintindihan mo nang gusto kong huwag mo na siyang kausapin!” “Because it’s really impossible! Dimaria is a friend of mine too!” “Then choose! Ako o si Dimaria? If you will go home with me, it means you’re choosing me! If you stay here and go back to her, you’re choosing her!” “What?” “Mamili ka. Mamili ka kasi hindi ko kaya na hayaan kang makipag-usap sa kaniya. Mamili ka—ako o ang babaeng ’yon? If you choose her, I will leave you.” “Katherine!” “Mamili ka! Ako o si Dimaria?” Tiningnan ko siya sa mga mata niya. I was hoping he’d choose me, looking into his eyes, waiting for his lips to speak and choose me. Huminto na ang elevator at bumukas na iyon pero nanatili lang kaming nakatayo roon. Bago pa iyon magsara ulit, nakita ko sa mga mata niya ang sagot. Nagpatuloy sa pagbagsak ang mga luha ko habang mabilis na lumabas ng elevator. I was hoping he’d chase after me . . . but he didn’t. I guess I’m correct about what I saw through his eyes. He chooses her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD