Simula nang makita ko ang pictures na ’yon ay hindi na natahimik ang kalooban ko. Uuwi na si Damon mamaya at hindi ko alam kung paano siya haharapin. Gusto ko siyang komprontahin pero natatakot ako na magalit siya, so I chose to act like I didn’t see the pictures.
“Malay mo naman, aksidente lang silang nagkita roon. Masyado kang territorial at selosa, e, hindi naman kayo,” sabi ni Chrome.
Sinamaan ko siya ng tingin bago humigop sa strawberry milk shake na pinagawa ko. I chose to stay here in his restaurant. Ayokong hintayin ang pag-uwi ni Damon dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Medyo inayos ko ang black checkered skirt na suot nang mapansin nakalihis na ito pataas at hinubad ang katerno nitong jacket, leaving me on my black cropto, bago sinandal ang dalawang braso sa mesa.
“Chrome, sa tingin mo, may gusto na kaya siya sa akin?” kunot-noong tanong ko habang nakatitig sa kawalan. Naramdaman kong humarap naman siya sa direksiyon ko.
“Sa tingin mo?” balik-tanong niya sa akin. Napalingon ako sa kaniya at kapwa namin nilabanan ang tingin ng isa’t isa.
“I can’t actually read him,” naiiling na sabi ko at muling humigop sa shake. Pinupunasan niya ang kamay gamit ang clean towel habang papalapit sa direksiyon ko. He propped his hands on the edge of the island counter and stared at me.
“That’s the point. Kung hindi mo siya mabasa, paano pa kaya ako na hindi ko naman siya kilala?”
I could feel—may nararamdaman si Damon sa akin pero hindi ako sigurado, lalo pa ngayon na nandiyan ang Dimaria na ’yan.
“Then, what should I do?” I asked.
“Simple. Make him choose.”
“Choose?”
“Yeah. If he chooses you, he loves you, but if he doesn’t choose you, he doesn’t love you.”
***
Nakatulala akong bumalik sa mansion, saka ko lang naalala na tumakas lang pala ako kaya naman nang makabalik ako ay nasa labas ng mansion si Kuya Rommel na tila may hinihintay. I was even more astonished to see Damon blocking the gate wearing pair of black denim jacket and black pants.
Nang bumaba ako sa cab ay kaagad na bumaling ang tingin niya sa akin. His eyes were dark, his jaw moved harshly, and his hand balled into a fist. Sinubukan kong itago ang emosyon hanggang sa makaabot ako sa harapan niya. He signaled to his men to go back, hanggang kami na lang dalawa ang naiwan doon.
“Explain. Where the hell did you sleep last night?”
Yeah, kagabi pa pala ako wala rito. Sinadya ko ’yon.
“Chrome’s—” Hindi ko natapos ang sasabihin nang mariin niyang hinawakan ang panga ko at galit akong pinukol ng tingin.
“What did you do to you? Did he touch you? Did you let him kiss you?”
Umahon ang inis sa dibdib ko when he looked at me as if he’s accusing me. Marahas kong tinabig ang kamay niya. I wasn’t the same Katherine. Hindi na ako takot sa kaniya. No’ng una, siguro natakot ako. Pero ngayon, tinutunaw ng galit at selos na nararamdaman ko ang takot ko sa kaniya.
“Don’t you dare accuse me of something I didn’t do. He’s my friend. I knew him better than you. I am not a slut. I won’t let another man touch and kiss me. Sino ba sa atin ang dapat akusahan, ha?”
Kath, calm down.
“What the hell are you trying to say?”
“Oh, nagka-amnesia ka ba? Akala mo ay hindi ko alam, huh? Kaya naman pala mukhang nagmamadali kang umalis papuntang Singapore kasi napaka-VIP ng ka-meeting mo. Hindi ko lang alam kung anong klaseng business ang pinag-usapan n’yo.”
Ang pagkakakunot ng noo niya ay nawala.
“We just accidentally saw each other.”
“Oh, tapos?”
“Don’t make me f*****g mad, Katherine! You still spent your night with your ex!” pagtataas ulit niya ng boses and I just rolled my eyes at him.
Ayoko siya makita!
“Whatever.” Kaagad akong nagmartsa papasok. Naiinis pa rin ako sa kaniya at hindi ako naniniwala na aksidente lang silang nagkita. So? Ano kung aksidente lang? May ginawa pa rin sila sigurado ako. Hindi ako naniniwalang wala.
Dumeretso ako sa kuwarto at kaagad na nag-shower bago magpalit ng black satin pair of pajamas. Pagkalabas ko ng bathroom ay kaagad ko siyang naabutang nakasandal sa pader nang nakahalukipkip, mukhang hinihintay ako. Nasa sahig ang tingin nito na agad napunta sa akin. Umiwas ako ng tingin at hindi siya pinansin.
“I didn’t do anything with her,” he desperately told me. Hindi ko na naman siya ulit pinansin.
“Katherine . . .”
Argh! Naiirita na talaga ako!
“Huwag ka ngang paulit-ulit! Alright! Wala kayong ginawa at kung mayroon man, wala na akong pakialam kasi gano’n ka naman talaga bago pa kita makilala, ’di ba? We’re even. Kasama ko si Chrome kagabi. Wala man kaming ginawa ay at least, kasama ko siya!”
I didn’t think. I maybe went overboard on that part, ngunit buwisit na buwisit lang talaga ako. I was so ready for his wrath to come, to hurt me, to curse me, but nothing came. Naramdaman ko lang ang paglapit niya at marahang sumampa sa kama.
The next thing he did was very unexpected. Malambing niya akong niyakap at ginawaran ng nanunuyong halik sa may batok, paangat sa leeg ko at sa pisngi.
“Stop being grumpy. I’m tired. I want to rest. I had lots of problems to deal with the last two days. Believe it or not, we just met because she had a photoshoot at that place where I had a meeting with one of my clients. I missed you. Don’t be jealous.”
Imbes na mabawasan ang inis ay mas lalo lang akong nainis sa kaniya kaya naitulak ko siya.
“Kung pagod ka, then go rest! I don’t care!” Mabilis akong umalis sa kama at iniwan siya sa kuwarto. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako patungo sa kitchen. Doon na lang muna ako dahil naiirita akong makita ang mukha ni Damon.
“Madame, ano pong gusto n’yong kainin?” tanong ni Ate Tess.
“Hawaiian pizza na walang pineapple.”
Napatitig sa akin si Ate Tess nang sabihin ko ’yon kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Why?”
“Hawaiian pizza na walang pineapple, Madame?” naniniguradong tanong niya.
“Yeah, saka gusto ko rin ng mango yakult na may gulaman.”
Mas lalong naging weird ang tingin na binibigay niya sa akin pero hindi ko na ’yon pinansin.
Nakagat ko ang sariling labi nang maalala ang pagsusungit ko kay Damon kanina. Okay! I was really jealous! Malay ko ba kung sino ang babaeng ’yon sa buhay ni Damon! Naduduwag naman akong magtanong dahil baka hindi ko magustuhan ang sagot.
Nawala ang attention ko roon nang maglapag na si Ate Tess ng pinagawa ko sa kaniya. Dalawang buo ng Hawaiian pizza na walang pineapple at mango yakult na may gulaman. Sarap na sarap akong kumain. Wala na akong pakialam kung nakatitig na sa akin si Ate Tess. Hindi ako palakain pero ngayon ay feel na feel kong kumain nang marami.
After that, nakaramdam ako ng kaunting antok kaya bumalik ako sa kuwarto and I caught Damon sleeping peacefully. Pumasok muna ako sa bathroom para mag-toothbrush bago tumungo sa kama. Marahan akong sumampa sa kama at imbes na mahiga sa tabi ng fiancé ko ay sa ibaba niya ako dumapa.
Pinaglandas ko ang aking daliri sa matangos niyang ilong hanggang sa labi. Bakas ang pagod sa mukha niya habang malalim ang pagtulog. Mukhang nagsasabi siya ng totoo nang sabahin niya kaninang pagod siya at gusto niyang magpahinga. Kahit sa pagtulog ay salubong ang may kakapalan nitong kilay.
His lips look delicious. Sa kagustuhan ko ’yong tikman ay marahan ko siyang hinalikan before I hugged him. Sana lang ay hindi siya mahirapang huminga gayong nasa ibabaw niya ako. Nakontento akong nakapatong ang ulo sa may dibdib niya, listening to his heartbeat hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
***
Naalimpungatan ako nang maramdamang may humahaplos sa buhok ko. Dumako ang mga mata ko kay Damon. Naabutan ko siyang nasa kisame nakatitig habang patuloy na hinahaplos ang buhok ko. He was unaware that I was already awake. His other hand was caressing my back, at hindi niya pa rin ako ibinababa mula sa pagkakadagan sa kaniya. I sniffed his scent and it’s quite addicting. Pakiramdam ko, parang gustong-gusto ko na siyang amuyin minu-minuto.
“Damon . . .” I called his name in a hoarse voice.
Bumaba ang tingin niya sa akin. “Hmm?”
“Huwag ka nang lalapit kay Dimaria,” biglang nasambit ko na kinasalubong ng kilay niya.
“I can’t do that. She’s one of my business partners.”
“Don’t . . . please . . . please . . . Huwag ka nang lalapit sa kaniya. Puwede namang secretary mo na lang ’yong makipag-meet sa kaniya, saka if you have a female secretary, fire her. Ako na ang papalit. Ako na rin makikipag-meet kay Dimaria on behalf of you.” I sounded desperate. I just didn’t want him to talk to her.
“What’s with you?”
Nangilid ang mga luha ko at binaon ang mukha sa dibdib niya habang mariing nakakuyom ang kamay ko sa T-shirt na suot-suot niya.
“I don’t want to see you talking, touching, or hugging someone else. I want you to be mine. I don’t want to share you.”
“I have responsibilities to fulfill as the CEO of my company. I can’t just do what you told me. Talking to Dimaria is part of my role.”
Umahon ang galit sa dibdib ko at naupo sa may tiyan niya habang pinupukol siya ng tingin.
My knee was propped on the bed as I threw glares at him.
“Stay away from your woman or I will stay away from you. You choose, Damon. Kapag ipinilit mong makipagkita pa rin kay Dimaria, aalis ako rito at hindi na kita papakasalan.”
Halatang naiinis na rin siya. He massaged the bridge of his nose before he took a deep breath. Umupo ito while holding my waist kaya agad akong napaupo sa kandungan niya.
“What’s really wrong with you this time? Why are you so grumpy and possessive? I should be the one to feel that. Why do I have to f*****g choose? You’re jealous, I can feel it, but you’re being too much. Dimaria is my business partner, and we’re currently working on our ongoing project. What you want is impossible at this moment.”
Hindi ko alam kung bakit malumanay siyang magsalita pero naiinis pa rin ako. It’s weird. We were having an argument in an awkward position. Pero bakit ba napansin ko pa ’yon?
“Kapag sinabi kong hindi ka makikipagkita, ’di ka makikipagkita. Try me, Damon. Aalis talaga ako. Iiwan kita at sasama ako kay Chrome,” pagbabanta ko na bahagyang kinalaki ng mga mata niya.
“What? Why are you being so irrational? Why can’t you understand me? Come on, I am losing my patience. You’ll not gonna like it when I’m mad, Katherine.”
Tears escaped from my eyes and I moved away. Nakita kong nagulat siya pero wala akong pakialam.
“You can’t do my simple request? Then, deal with the consequence,” malamig na sabi ko. Kaagad kong kinuha ang phone at wallet ko bago lumabas ng kuwarto. Madilim na sa labas pero wala akong pakialam. Masama ang loob ko at hindi ko mapigilan ang hindi umiyak habang mabilis na naglalakad pababa.
“s**t! Katherine, come back!” sigaw ni Damon pero hindi ko ito pinansin.
“Kath! Come back here!”
Narinig ko ang mga yabag niyang tila tumatakbo, pero hindi ako lumingon. Nakalabas na ako at naabutan ko ang mga tauhan ni Damon pero tinabig ko lang ang mga ito para makadaan.
“Katherine! Don’t be so stubborn!”
Dumagundong ang galit na boses ni Damon at kaagad na hinawakan ang braso ko to stop me and I slapped him hard. Saka ko lang na realize ang ginawa ko ng makita kong namula ang pisngi niya sa ginawa ko. He looked at me with raging eyes. Marahas ang paggalaw ng kaniyang panga tanda na naubos ko na ang pasensiya niya.
“That’s it!”
“W-what are you going to do? Sasaktan mo ako? Do it and I will really sue yo—Ah! Put me down! You freaking squid face!”
“Don’t move. I will just discipline you.”
Namilog ang mga mata ko nang paluin niya ako sa puwet. Pakiramdam ko, umakyat ang dugo ko sa ulo ko at malakas na hinampas ang likod niya.
“How dare you smack my ass? Jerk!”
“Close the door and gate. Make sure my wife will never have the chance to escape. Also, surround the house. She might find a hole.”
“f**k you!”
“Harder, ’Fy.”
Buwisit!
Umakyat kami pabalik sa kuwarto niya at nang sandaling ibaba niya ako ay agad akong nakaramdam ng hilo. Napasandal ako sa katawan niya habang kaagad naman niyang naiyakap ang kamay niya sa katawan ko. Sapo ang ulo ay pinikit ko saglit ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay nanghihina ako.
“I hate you,” I whispered. Hindi siya sumagot at hinayaan niya lang akong nakasandal sa kaniya.
“I know, and you will hate me more.”
I never had the chance to hear what he said when I fell into oblivion.