I tried to get a hold of myself at that hour. There’s no use for acting like this; it’s freaking worthless. Kahit sino pa siya, hindi ko hahayaan na siya ang piliin ni Damon. The moment my heart started to beat for him was the moment I declared that he was mine.
Sumilip ako sa ibaba, and I saw them still talking. Maya-maya ay tumayo na sila. Nakapamulsang inihatid ni Damon si Dimaria sa labas ng mansion. The woman kissed his cheek—that scene made my hand ball into a fist. Habang pabalik si Damon ay napatingin ito sa direksiyon ko. I gave him glares, daggers of look, to let him know that I was murdering him and his woman inside my mind.
Kaagad akong tumalikod. Mabibigat ang aking yabag nang bumalik ako sa kuwarto. Hindi nagtagal ay narinig ko siyang pumasok ngunit hindi ko siya pinansin. What surprised me was that he never tried to explain! Dumeretso lang ito sa folders na nasa mesa niya at kinuha iyon bago naupo sa couch at binasa ’yon. Wala ba talaga siyang balak ipaalam sa akin ang papel ng babaeng ’yon?
“She looks filthy rich. Is she a model?” tanong ko.
Hindi niya ako nilingon o kahit nag-angat man lang ng tingin.
“She is. How come you don’t know her? She’s a famous Hollywood model, Divecca Marianne Rushwood.”
Uminit ang ulo ko sa sagot niya. Padabog akong pumasok sa walk-in-closet niya to get clothes. Padabog ulit akong lumabas at pumasok sa bathroom. Hindi ko alam kung manhid ba siya o wala lang siyang pakialam. He clearly doesn’t care about me.
Pagkatapos magbihis ng dusty pink sleeveless maxi dress na abot hanggang binti, pinaresan ko iyon ng putting sapatos ay kaagad na rin akong lumabas. Naabutan ko siyang may sinusulat na sa ibabang parte ng papeles na hawak niya.
“Pupunta lang ako kay Bonie.” pagpapaalam ko habang walang emosyon ang boses. Tumingin siya sa wall clock before he shifted his gaze on me.
“Be back before six o’clock. I will be away for my business meeting in Singapore.”
“What? Aalis ka? Bakit ngayon mo lang sinabi?”
“It will be only for two days.”
Imbes na sigawan siya sa inis na nararamdaman ko ay kaagad na akong umalis.
***
Masama ang loob na pinuntahan ko si Bonie sa bahay niya para sabihin ang tungkol sa wedding dress.
“Oh, bakit mukhang hindi ka naman masaya?” tanong nito. She’s wearing a white floral off-shoulder dress above her knee.
Bumuga ako ng hangin bago nakasimangot na sumandal sa back rest ng couch niya.
“I don’t understand. I want to know his feelings. Gusto kong malaman kung mahal niya rin ba ako. Pero hindi ko pa man lang din nalilinaw, ayan at may bago na namang karakter! I freaking want to know! Naiinis akong isipin na papakasalan niya lang ako dahil sa deal. He will just marry me for business and that’s all. Ni ang marinig ngang gusto niya ako ay hindi ko pa naririnig mula mismo sa kaniya,” reklamo ko.
“Mahal mo na nga siya?” namimilog ang matang tanong ni Bonie and I nodded slowly.
“Bakit ang dali mong mahalin ang lalaking ’yon habang ako na halos six years mong naging boyfriend, hindi mo man lang nagustuhan? Woah! Lady, you just stepped on my ego!” madramang sabi ni Chrome habang papalapit sa amin. He kissed his sister’s forehead before he looked at me.
“Argh! Quit your freaking drama, Chrome!” I scoffed.
“Kumustang kasal? ’Di na ba tuloy?” nang-aasar pang sabi niya at hindi pinansin ang sinabi ko.
“Who says I will let that happen? Ako lang ang may karapatan na magsabi kung matutuloy o hindi ang kasal,” mariin na sabi ko. Ilang segundong natahimik si Chrome habang nakatitig sa akin.
“Well, I guess you forgot something,” makahulugang sabi nito, kaya nagsalubong ang kilay ko at napapamurang sinamaan siya ng tingin. Nakita kong naguluhan si Bonie pero maya-maya ay mukhang may idea na siyang naisip tungkol sa sinabi ng kapatid at nadidismayang napailing.
“Gusto mo ba ng simpleng gown lang o bongga?”
“I want a glam one. Baka kasi mas magmukha pang bride si Dimaria, e. I don’t want that. Sana ay hindi siya invited. I swear, hindi ko siya papapasukin ng simbahan!”
“May I remind you, Baks? Hindi naman church wedding ang kasal n’yo, ’di ba? Garden wedding ’yon at sa mansion lang ni Damon gaganapin.”
Mas lalo akong nawala sa mood dahil sa narinig.
“So what? E, ’di hindi ko siya papapasukin sa loob. Doon lang siya sa labas ng gate mag-stay!” maasim na sabi ko at tumayo para kunin ang hawak niyang wedding dress bago sinukat. The wedding dress has this lace, sequins and plunging neckline with a see-through sleeves. The detail is so elegant and seductive, I love it.
After that, lumabas ako at pinakita sa kanila. Imbes na paghanga ang makita ko sa mukha nila ay walang iba kung hindi gulat at pamumutla.
“Ang creepy naman ng reaksyon n’yo! Ano ba? I can’t believe kaibigan ko kayo!” naiirita na singhal ko habang ang magkapatid ay nagkatinginan muna.
“Baks! Hindi mo dapat sinukat,” komento ni Bonie.
I frowned. “Paano ko malalaman kung kakasya sa akin kung hindi ko susukatin?” sarkastiko na sabi at nakita ko ang pag-iling ni Chrome.
“According to Filipino superstition, brides are forbidden from wearing their wedding dress the day before the marriage because it is said that it could bring bad luck to the wedding,” paliwanag ni Chrome.
Napasapo ako sa noo at naiiling na pinandilatan sila ng mga mata. “The day before the marriage! E, ilang linggo pa bago kami ikasal!”
“Kahit na! Malay mo hindi lang effective ’yong pamahiin before the day of matrimony. Malay mo kahit ilang linggo bago ang kasal,” wika ni Bonie.
“At talagang naniniwala pa kayo sa mga pamahiin? Jusko! Pang-ilang henerasyon na tayo? Really? Tigilan n’yo nga ako! Kung hindi matutuloy ang kasal, hindi! Sukatin man o hindi ang gown! Kapag hindi pa oras, hindi pa mangyayari. Huwag nga kayong magpani-paniwala riyan!”
My God! Kahit ano pang sabihin sa akin, hindi ako naniniwala sa mga pamahiin. Kaya lang naman hindi natutuloy ang kasal, because it’s either the bride or the groom realized before the wedding na hindi pa sila handa o hindi pa pala talaga nila gusto. It might be because of a car accident or the like. Kung ano ang kapalaran, iyon ang mangyayari.
Inihatid ako ni Chrome pabalik sa mansion ni Damon. Pababa na sana ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko to stop me.
“What now?” walang-ganang tanong ko.
Napatitig muna si Chrome sa akin bago nagsalita. “I can’t believe you.”
Nakipaglaban ako ng titig sa kaniya bago mariing pumikit. I held his hand and squeezed it before I removed it from holding my arm.
“I am happy.”
“Don’t try to deceive me.”
“I am not.”
Magsasalita pa sana si Chrome nang may nagbukas na ng pinto sa side ko. Marahan ako nitong hinawakan sa braso bago hilahin pababa. Nang lingunin ko kung sino ay agad na bumilis ang t***k ng puso ko. Napagtanto kong matatalim ang tingin na ipinukol ni Damon kay Chrome. Hindi nagsalita si Chrome at kaagad nang nagmaneho paalis. Ang kamay naman ni Damon ay nanatili sa braso ko, at hindi nagbago ang expression ang kaniyang mukha. Muntik nang matunaw ang inis ko sa kaniya dahil sa reaksyon niya, ngunit nang maalala si Dimaria ay kaagad na bumaliktad ang sikmura ko at umasim ang pakiramdan ko. Marahas kong hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
“Akala ko ba aalis ka? Bakit nandito ka pa?”
“And why are you rushing?”
“Well, I am not!” mataray na singhal ko sa kaniya na mas kinasama ng tingin niya. I couldn’t believe nagtatalo kami sa labas ng gate ng mansion niya
“Don’t lie! Why? Is it because of that punk ex of yours? You want to be with him while I am away? Well, sorry for that, but I will kill him first before that s**t happens!”
Sarkastiko akong tumawa bago matalim siyang pinukol ng tingin. “Bakit hindi na lang si Dimaria ang asikasuhin mo? Hindi naman kita pinakialaman no’ng nagyayakapan kayo, hindi ba?”
“What?”
“If you want her, then call off the wedding! I don’t care! But I promise, hindi kayo magkakaroon ng happy ending,” mariin at galit na sabi ko bago mabilis na nagmartsa papasok ng mansion. Hindi ko siya kinibo after.
Umalis siya patungong Singapore nang hindi ko siya kinakausap. Hindi rin naman niya ako kinausap. Ang mas kinainis ko pa ay hindi siya nagpaalam sa akin nang maayos bago umalis. Wala talaga siyang pakialam sa akin, ’no? Hindi man lang ba niya nararamdaman na ayokong makita sila ni Dimaria na magyakap? Hindi man lang ba niya nararamdaman na nagseselos ako?
Hindi ako kumain kinagabihan. I was sure, na-report ni Kuya Rommel iyon sa kaniya, kaya ’di nagtagal ay nakatanggap ako ng mensahe from an unregistered number. Unang basa ko pa lang, alam ko nang galing sa kaniya.
Eat dinner. Don’t be so stubborn, ’Fy.
“’Fy—your face!” galit na singhal ko.
Tumungo ako sa kusina to get ice cream and pasta instead of eating a heavy dinner. Bumalik ako sa kuwarto at doon nagpakasawa sa pagkain ng trip kong pagkain hanggang sa makaramdam ako ng kabusugan. Ibinaba ko lang ang pinagkainan. Agad akong bumalik para mag-toothbrush at magbihis saka tumungo sa kama para matulog.
***
The next day, it became more boring for me. Wala si Damon. Wala akong magawa at mapuntahan. I called Kuya Kael, pero hindi ito sumasagot. Tumawag na rin ako sa bahay pero wala sina Mommy at Daddy. Minabuti kong mamasyal muna when my phone vibrated. Doon ko lang napansin na bukas pala ang data ng phone ko at may pumasok na message through Messenger it’s from Chrome. Tiningnan ko ang laman ng message from an unknown user. Agad akong nilakumos ng selos, sakit, at galit nang makita kung sino-sino ang nasa larawan. It was a stolen picture whereas they’re having fun together habang papasok sa isang mall.
Dimaria and Damon are together in Singapore. Is this the freaking business meeting he’s talking about? Magkasama ba silang pumunta sa Singapore or doon sila nagkita?