“That’s good.”
Nilingon ko si Damon. Katatapos lang nitong makipag-usap on the phone while he’s resting on his bed. After that ay nagbihis lamang kaming dalawa. Plain black shirt at faded jeans lamang ang sinuot niya habang maong shorts at white hoodie naman ang sinuot ko. It was almost ten in the morning nang umuwi kami ni Damon sa mansion niya. He didn’t leave and chose to rest all day. Hindi ko rin naman siya hahayaang umalis. He needed rest.
Pinaglaruan niya ang phone sa kaniyang kamay bago ito binaba at maingat na hinawakan ang braso ko. Marahan niya akong hinila paupo sa tabi niya. We both rested our backs against the headboard while his arm was encircled around my shoulder.
“Your best friend is a designer, right?” he asked.
“Yes, why?”
“I want her to design your wedding dress. Can she do that in three weeks? Is it even possible?”
I chewed the inside of my cheek because of what he said. He’s serious. We are planning this like we’re a real couple. He proposed to me, and we love each other—even if it’s still not clear to me.
“I guess it’s possible, but if it’s not, puwede namang ’yong mga nagawa na niya. Lahat naman ng design no’n ay magaganda.”
Damn. She’s my best friend and she’s really good, kaya naman sumikat siya at nakilala as one of the best designers.
“Alright. Now, it’s settled. We just have to wait for the day of our wedding.”
I bit my lip. I don’t know if it’s the right time to ask this but . . .
“’By?”
“Hmm?”
Malumanay ang boses niya. Damn! Nakakarupok.
“May tanong ako.”
Namayani saglit ang katahimikan bago siya sumagot.
“Go on. Ask.”
Humugot ako ng malalim na hinga bago binuka ang labi. Bago pa man ako makatanong at tumunog na naman ang phone niya at kaagad siyang bumangon mula sa kama. He signaled to me that he had to pick it up, so I nodded my head. It looked important. Makakapaghintay naman ang tanong ko ng ilang segundo o minuto.
Seryoso itong nakipag-usap. Nang ibaba niya ang tawag ay kaagad akong nabuhayan ng loob, not until he walked towards his closet as he started to undress himself. Nagsuot siya ng bagong sleeves at running pants. He took his watch and looked at me.
“Sorry, ’Fy. Something came up. I’ll be back later for your question.” Nagmamadali siyang lumapit sa akin upang halikan ang aking labi at ulo.
“Stay here. Don’t go anywhere. If you want something, you can ask Rommel to get it for you.”
I nodded my head and let him leave. Disappointment was all over my chest. I let out a deep sigh. He should be resting. Dapat nandito lang siya. His people could have handled his work for now. Was it really that important?
Nakasimangot na pinili kong magbabad na lang sa tub. Nakatulog pa nga ako habang nakababad hanggang sa bigla akong magising dahil sa isang masamang panaginip. It was Dame, nakita ko kung paano siya nabaril sa panaginip ko. Mabilis akong umahon mula sa tub at pumasok sa shower tunnel para banlawan ang sarili. I was zoning out while soaping my body. Nang mabalik sa sarili at mabilis kong tinapos ang pag-shower at mabilis na kinuha ang royal blue robe ko bago lumabas ng shower tunnel. Kinuha ko na rin ang towel para ipulupot sa ulo ko.
Nagpadala na lang ako ng lunch sa kuwarto dahil wala naman akong ganang lumabas. Pagkatapos mag-lunch ay pinili kong matulog nang makaramdam pa ng antok. Damn! Kakatulog ko lang kanina.
I was awakened when I felt someone kissing my neck. Nang minulat ako ang aking mga mata ay roon ko nakita si Damon na nakapaibabaw sa akin at hinahalikan ang leeg ko.
“You’re awake.”
Kumunot saglit ang noo ko. Umayos na siya ng upo kaya nagawa ko nang bumangon.
“Anong oras na?” I asked.
“It’s already seven.”
Namilog ang mga mata ko. f**k! Ang haba ng tulog ko!
“Seven o’clock? Grabe, gano’n katagal akong natulog?”
I slept at one o’clock.
“Maybe, you just enjoyed sleeping. Come on, let’s have dinner together.”
Nagpatianod na lang ako sa kaniya. Nagulat pa ako na suot ko na ang T-shirt niya. I remembered, I slept wearing my robe. I guess he dressed me. Hindi man lang ako nagising.
Kahit medyo naiilang sa mga tingin nina Ate Tess ay hinayaan ko na lang at patay-malisyang kumain. Pagkatapos ay pinauna ko na si Damon. Nagpaiwan ako sa dine hall hanggang sa tuluyan itong makalabas. Tulala pa ako sa pinagkainan ko bago nilingon sina Ate Tess, Ate Miray, at Manang Josie na palapit na sa direksiyon ko.
“Madame, kunin na po namin ang kinainan n’yo, a,” sabi ni Manang Josie.
I stayed silent while letting them get the used plates.
“Hindi n’yo ba ako namumukhaan?” tanong ko.
Napatigil sila saglit kaya naman napatingin ako sa kanila.
“Madame?” naniniguradong tanong ni Ate Tess.
“Wala ba kayong naaalala sa mukha ko? Hindi n’yo ba napapansin na may kamukha ako?” tanong ko pa. Nagkatinginan silang tatlo.
“Na kamukha mo si Rene?” tugon ni Ate Miray.
Gusto kong magulat, pero hindi ’yon ang naramdaman ko, kung hindi ay pagtataka at pagkalito.
“Alam na namin bago ka pa lang pumunta rito, Madame. Sinabi na sa amin ni Master na pupunta ka rito at mag-a-apply sa kaniya. Sa katunayan, sinabi pa niya na ipaalam namin sa ’yo na marami siyang babae at sakyan na lang namin ang plano mo,” paliwanag ni Ate Tess. Kumunot naman ang noo ko.
Who the hell told him that? Bakit gusto niyang malaman ko na marami siyang babae? Una, pinagpanggap niya ang haliparot na Anaconda na ’yon para daw magselos ako pero no’ng ma-realize niya na hindi naman ako nagseselos, naisip niyang mali ang ginawa niya. Ano bang tumatakbo sa isip ng lalaking ’yon?
Nakipag-usap pa ako kina Ate Tess at nag-sorry. Hindi naman sila nainis sa akin at sila pa ang nag-sorry sa akin. Bumalik ako sa kuwarto namin ni Damon nang hindi mawala sa isip ang nalaman. I was about to talk to him, when I saw him sleeping already. Malalim na ang paghinga nito at mukhang pagod. Nahiga ako sa tabi niya at pinakatitigan siya bago natulog. What did he do?
***
In the middle of the night, I was awakened by groans. Kumunot ang noo ko at hinanap kung saan nangagaling ’yon and then I saw Damon. Nagpabaling-baling ang ulo nito sa magkabilang side. Mahigpit ang kapit niya sa bedsheet at pinagpapawisan habang dumadaing. Mararahas na nagtaas baba ang dibdib niya kaya kinabahan ako. Kaagad akong bumangon at inuga-uga ang balikat niya to wake him. Is he having a bad dream?
“Damon? Damon, wake up. Come on!”
He didn’t wake up.
“’By, wake up! Damn it!”
Tinapik-tapik ko ang pisngi niya ngunit wala pa ring epekto.
“Damon, freaking wake up!”
Mas nilakasan ko ang pagtapik sa mukha niya hanggang sa mariin niyang nahawakan ang braso ko. He pinned me off the bed, with his other hand choking me. Nagulat man ay nawala roon ang attention ko at napunta sa kamay niyang sumasakal sa akin.
“D-Damon . . . i-it’s me!” nahihirapan kong sigaw. I was struggling to remove his hand na unti-unti rin namang lumuwag.
“K-Katherine? f**k! I-I’m sorry! I’m sorry!”
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. His shoulder was shaking, indicating that he was freaking crying. Lumambot ang expression ng mukha ko at kaagad siyang niyakap. It’s my first time witnessing his vulnerability. Parang hindi isang Damon Lucifer Dankworth na pinuno ng isang mafia organization ang umiiyak ngayon habang yakap-yakap ako nang mahigpit. I caressed his back to calm him.
“Shhh, it’s okay. You had a bad dream. Tahan na, ’By . . .”
Marahan siyang umalis sa pagkakayakap sa akin and there, I saw his face. He looked wasted. Sinapo ko ang mukha niya. Sinubukan kong tuyuin iyon at hinalikan ang tungki ng ilong niya.
“Let’s go back to sleep, okay?”
Imbes na sumagot ay ginawaran niya lang ako ng halik sa labi na kaagad ko namang tinugon. After that, sabay kaming nahiga sa kama at magkayap na natulog.
***
The next morning, nagising ako nang wala si Damon sa tabi ko. Bumaba ako sa pag-aakalang nandoon siya at hinihintay ako mag-almusal ngunit hindi ko siya naabutan.
“Good morning, mga Ate. Si Damon?”
“Good morning, Madame! Maagang umalis si Master. Mukhang may importante po siyang pupuntahan.” Sagot ni Ate Tess. The three of them, Manang Josie, Ate Miray and Ate Tess are busy preparing for my breakfast and washing the dishes.
Tumango naman ako at pinagsawalang-bahala na lang ’yon. After mag-almusal ay bumalik ako sa kuwarto. Nang makaramdam ng pagkaboryo ay pinili kong maglibot sa kuwarto ni Damon at pinakialaman ang kaniyang gamit, hanggang sa isang box na kahina-hinala ang nahawakan ko. I took it and went back to bed. Marahan ko ’yong binuksan. I thought there’s something interesting on it, ngunit pictures lang nila ni Meast Trigon ang nakita ko, until I saw the last pictures na hindi na lang silang dalawa. May kasama silang babae and it’s the same woman I saw from Damon’s envelope no’ng nandoon pa kami sa bahay niya. Sino ang babaeng ito?
Marami silang pictures na magkakasama simula no’ng medyo bata pa sila. Mayroon pang nakahalik si Trigon at Damon sa magkabilang pisngi ng babae na malaki naman ang ngiti. Something pinched my chest. Kaagad kong binalik ang larawan at masama ang loob na nahiga.
Kinakain ako ng selos. Selos dahil pakiramdam ko, malaki ang papel no’ng babae sa buhay ni Damon. Unang beses kong nakita ang ngiti ni Damon at sa picture pa kasama ang babaeng yakap niya sa balikat. Mukhang close na close sila.
Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan kinahapunan. Sa pag-aakalang si Damon, bumaba ako upang salubungin siya. Tumungo ako sa main door at naabutan si Kuya Rommel na tila may kausap kaya nakiusyoso ako hanggang sa magkaharap kami ng kausap nito. Bumakas ang gulat sa akin nang makilala kung sino siya. She has a sweet smile on her lips. Palihim ko siyang pinasadahan ng tingin at wala akong mahanap na ikapipintas sa kaniya. I gulped. She looks like a goddess. She has this voluptous cupid-arrow-shaped lips, bulbous tipped nose and a winter gray eyes. She has this short ash blond hair, she has a nice shape of body, litaw iyon sa suot niyang champagne satin body-tight dress, matangkad din siya at maihahalintulad mo sa isang model.
“Hi! Is Lucifer already here? Pinuntahan ko siya sa office niya pero hindi ko siya naabutan,” sabi nito.
Lucifer. The only person who called him that was Trigon because they’re friends.
“Bakit? Ano ang kailangan mo sa fiancé ko? Wala pa siya rito, e,” tugon ko. Diniinan ko ang pagkakasabi sa fiancé para ipamukha sa kaniya na akin na si Damon.
Damon, I swear. If this woman is your mistress, I won’t hesitate to strangle her neck. Akin ka lang, wala akong pahihintulutan na umagaw sa ’yo muna sa akin.
“Awe! Gano’n ba! Sayang naman. Well, actually, we have business to talk about. Sinabi niya sa akin na kapag hindi ko siya mahanap sa office niya, dito na lang daw ako pumunta at hintayin siya.”
Is she that important para papuntahin pa ni Damon rito?
Hindi pa ako nakakapagsalita ay may huminto nang kotse sa likuran ng kotse nitong babae at bumaba roon si Damon na nakasuot ng suit. Kaagad itong naglakad palapit sa amin.
“Dimaria,” he called the woman. He didn’t even dare pay attention to me! I gritted my teeth.
“Lucifer!”
Para akong binagsakan ng kumukulong tubig nang yakapin niya si Damon. Hindi naman siya tinulak ng lalaki.
“Why are you here?” tanong ni Damon nang bumitiw na ito sa yakap.
“To talk about the business. I thought about it and I will give you my answer now.”
Tiningnan ako ni Damon na parang makakaabala ako sa kanila. Pakiramdam ko, may bumara sa lalamunan ko.
“Let’s get inside. Rommel, tell Manang Josie to make Dimaria a shake, a fresh mango shake, and waffles with strawberry syrup,” utos ni Damon.
“Wow, so you still remember that?” nakangiting sambit ng babaeng nagngangalang Dimaria.
Pakiramdam ko, nangilid na ang luha ko nang nagsimula silang humakbang papasok at naiwan ako sa kinatatayuan ko. Sumama ang loob ko kaya mabilis akong bumalik sa kuwarto. I took the pictures. I threw these in the trash can pagkatapos ko ’yon pagpirapirasuhin sa galit. Hindi naman ganito ang naramdaman ko no’ng si Anaconda ang nandito. But that woman! May kakaiba. Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko . . . pakiramdam ko, mahalaga siya kay Damon. Kung papipiliin ko si Damon between me and Dimaria, pakiramdam ko . . . si Dimaria ang pipiliin niya. f**k! It shatters me.