KATHERINE REISS Tiningnan ko si Kuya Kael na nakatitig lang sa akin, he’s going to attend a meeting kaya naiintindihan ko kung bakit nakasuot siya ng kaniyang business suit. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang buntis ako. It has been six months. Ilang buwan na lang at isisilang ko na ang anak namin ni Damon. It’s past 10 in the morning. “Bakit hindi mo sinabi sa kaniya?” tanong niya. Tumayo ako habang hawak-hawak ang umbok kong tiyan at sumilip sa labas ng bintana. “I don’t want to tell him. He’s my enemy. Hindi mabubura ang pagmamahal ko para sa kaniya at ang katotohanan na pinatay niya ang mga magulang natin. I was kept by our aunt and uncle because of him. Hindi nga ako makapaniwala na nakipagkaibigan ka sa kaniya, Kuya Kael.” “Pero karapatan pa rin niyang malaman ang tung

