Huminto ako sa pagmamaneho. Wala akong pakialam kung saang lupalop ito. I cried inside. Napupuno ako ng sakit, pagsisisi, at panghihinayang. Ilang beses kong inumpog ang noo ko sa manibela at malakas na napasigaw to release my frustration before crying so hard again. Mas tumindi lang ang kagustuhan kong manatili at gawin lahat para mapatawad niya ako. Bakasakaling mahalin pa rin niya ako kahit malabo pa sa gabi na mangyari ’yon. I won’t stop until he finally accepts me again. Hindi na ako basta-basta bibitiw. Nagpatuloy ako sa kabila ng pag-iyak. Hindi ako dumeretso sa bahay. Tinungo ko ang bahay ni Fern at mabilis na pinindot ang doorbell button. Kaagad naman ’yong bumukas at niluwa ang pinsan ko na halatang gulat na gulat pa pero kaagad ko na siyang kinuwelyuhan habang tinutulak papas

