“Miss, hindi na po talaga kayo pinahihintulutang pumasok. Ako na po ang malalagot kay Mr. Dankworth.” kumuyom ang kamao ko sa suot kong yale blue one shoulder maxi dress. It’s my third day of doing this and I always failed. Damon gave his security order not to let me enter his company again. Naiiyak na ako habang nagmamakaawa sa guwardiya pero maging siya ay nagmamakaawa rin ang binigay na tingin sa akin. Hindi ko alam bakit napakalaki ng galit sa akin ni Damon at ginagawa niya sa akin ito. Napapadyak ako ng paa sa inis at napasabunot sa sarili saka unti-unting naglakad palayo. Gusto ko na sanang umalis pero huminto ako at piniling maghintay sa labas, waiting for him. Dumaan ang lunch na hindi ako umalis kasi baka lumabas siya for lunch meeting tapos hindi ko siya makita, pero ’di nangya

