CHAPTER 16

1418 Words
DATI akala ko ang pagiging single ay talagang nakatadhana sa bawat lalaki't babae rito sa mundo. Sa dami ba namang napapabalita sa telebisyon na mga babae't lalaki na hindi pa nagkakajowa. Parang ang kaibigan kong si Nathalie na dahil sa sobrang abala sa kanyang negosyo ay hanggang ngayon wala pa ring jowa kahit nasa ibang bansa dahil na rin sa pag-aasikaso ng kanyang Skin Magical business na dati ay siya lang ang gumagamit ngayon ay dinala na niya sa Dubai para pagkakitaan, at ibenta sa mga kapwa Pilipino. Speaking of Nathalie hindi pa pala siya nagpaparamdam sa akin. Ang huling pag-uusap pa namin e 'yong namatay pa si Bren. Mukhang abalang-abala na talaga siya sa pagpapayaman. Minsan nakakapagtaka rin na may ibang tao na kayang pagsabay-sabayin ang pagkakaroon ng kasintahan, at umaabot pa ng tatlumpu. Pero na-realize ko na ang pagiging "Single" ay tao na mismo ang bahalang pumili kung gusto niya bang manatiling mag-isa dahil nasaktan, takot magmahal, choosy, ayaw ng serious romantic relationship, at marami pang iba. Nang dahil kay Renz ay mas pinili kong hindi na maging "Single" habambuhay dahil alam ko gusto rin ni Bren na maging masaya ako kahit hindi siya ang nasa piling ko. "Hey princess, mukhang malalalim na naman ang iniisip mo. Care to share?" Tanong niya pagkatapos ay hinalikan ako sa labi bago umupo sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nakaupo sa may bench sa Rizal Park, at nagpapahinga. Maraming mga tao ngayon sa parke dahil libre ito para sa lahat ng gustong pumunta rito para makasagap ng malinis ng hangin. May mga puno ka kasing makikita sa bawat parte ng Rizal Park tapos idagdag pang nasa pinakagitna nito ang estatwa ni Jose Rizal na ating pambansang bayani. Napagpasyahan namin ni Renz mamasyal ngayong araw ng Linggo para naman matakasan namin sina mommy, at daddy na walang ginawa kung hindi ang ibuyo kami na magpakpasal na este para ma-enjoy namin ang pagiging mag-official boyfriend and girlfriend. May mga pamilya, magkakaibigan, mga teenager, tambay, mga nagtitinda, magkasintahan, at mga foreigner ang mga dumarayo rito para mamasyal. "Wala naman, naiisip ko lang 'yong mga pangyayaring hindi ko pa alam na dati ka pa palang may gusto sa akin." Nakangiting sagot ko sa kanya. "Kaya pala kinuha mo akong secretary dahil nagandahan ka sa akin noong unang nakita mo ako." "Malamang magaling atang pumili ang puso ko ng taong mamahalin." Tugon niya habang nakangiti nang malapad, at kitang-kita ang pantay at maputing niyang ngipin. "Hindi talaga ako magtataka kung bakit maraming nahuhumaling na babae sa 'yo sa office." Sagot ko na iniiba ang usapan. "Tingnan mo ibang mga babaeng naglalakad malapit sa atin pati mga nakatambay di kalayuan sa atin. Halos matulala noong nakita kang ngumiti." "Siyempre, sasagutin mo ba ako kung pangit ang boyfriend mo?" Nanunuksong sabi niya sa akin. "Depende. Kaya siguro naririnig ko sa office na babaero ka. Katulad ni Shane na naabutan ko pa kayo na magkapa–." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang inilagay ang kanang hintuturo niya sa labi ko. "I knew about that news. Pero I never realize na ang papangit ng imahe ko pagdating sa 'yo, at kaya pala ganoon na lang ang pag-iwas mo sa akin." Paliwanag niya sa akin. "But trust me, wala ni isa sa mga babae sa opisina ang niyaya kong lumabas, at bigyan ng atensyon katulad ng ginagawa ko sa 'yo. Kaya noong nakita mo kami ni Shane sa nakakahiyang sitwasyon ay hindi ako mapakali." Dagdag pa niyang sabi habang magkasalikop ang aming kamay. "Past is past. Kalimutan na natin 'yon. Ang mahalaga 'yong ngayon." Umiiling-iling na sabi ko sa kanya. "Pero paano kung past mo? Sino pipiliin mo? Ako o siya." Nagbibirong tanong niya sa akin. Napangiti na lang ako sa sinabi niya dahil malabong bumalik pa si Bren. "Siyempre ikaw. Alangan naman mabuhay pa ulit si Bren e patay na siya. Siyempre kahit papaano nasa puso't alaala ko pa rin siya. Pero kung may makakasama man ako habambuhay siyempre ikaw na 'yon. Saka botong-boto na nga sa 'yo parents ko e." "Sinabi mo 'yan ha? Walang bawian." Masayang sagot niya sa akin. "Tara! Lakad-lakad na tayo bago pa tuluyang uminit. Maga-alas siyete pa lang naman kaya hindi pa gaanong masakit sa balat ang init." Agad niya naman akong inalalayang tumayo pagkatapos niyang tumayo. Inunat-unat ko muna ang mga binti ko, at pinadyak-padyak dahil sa ilang minuto naming pagkakaupo. Nagsimula na kaming maglakad-lakad at ini-enjoy ang magandang tanawing nakikita namin. Nakasuot kaming dalawa ng puting t-shirt na dry fit, at itim naman na jogging pants. Biniro pa kami ni daddy noong sinundo ako ni Renz na nag-usap daw kami dahil magkapareho ang aming mga suot. Sabay na lang kaming napatawang dalawa dahil sa sinabi ni daddy noong nagpaalam na kaming aalis na. Nagkataon lang kasi na pareho kami ng kasuotan ngayong araw para mag-jogging, at mamasyal. Sabi nga ng ilan na kapag nagmahal ka na e nagiging iisa na ang puso't isip ng taong mahal mo. Kaya siguro nagkapareho kami ng suot ngayon at animo'y para kami naka-couples shirt at pants. Sa rubber shoes lang nagkaiba dahil mahilig kasi ako sa itim unlike siya mukhang sa puti. "Medyo mahaba-haba na ang nilakad natin. Do you want to eat?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa stall na nasa harap namin. Nagtitinda sila ng fries with drinks na nakalagay sa iisang lalagyan. Mukhang masarap dahil medyo marami rin ang bumibili. Idagdag pang bawat mga dumadaan sa harap nila ay sarap na sarap sa kinakain kaya parang natakam ako. "Sige. Gusto kong tikman 'yon katulad ng mga binili ng mga dumaan kanina." Nakangiting sagot ko sa kanya. "As you wish my princess. Hintayin mo lang ako sa bench sa tapat ng stall para madali kitang makita." Masayang sabi niya saka pumila na sa counter. Pang-lima pa siya mula sa mga customer na nakapili. Mukha namang mabilis sila mag-served ng order kaya mukhang di naman matatagalan si Renz. Tumalikod na ako, at naglakad papuntang bench para doon umupo at maghintay. Mabuti na lang ay may mga sangang nakatakip sa sinag ng araw sa uupuan ko kaya hindi mainit habang naghihintay ako kay Renz. Umupo agad ako sa bench paharap sa kinaroroonan ni Renz. Nasa pang-apat na rin siya sa pila. Kinuha ko ang cellphone ko sa maliit na itim na belt bag sa may bewang ko na kanina ko pang dala. Pumunta ako sa "camera" para kunan si Renz ng larawan. Pagkatapos ay kinuhanan ko rin ng larawan ang napakagandang dancing fountain. Nag-selfie rin ako kasama si Renz na nakapila pa sa counter. Nakangiti lang ako habang tinitingnan ang mga kuha kong larawan ngayon pati 'yong larawan namin kanina ni Renz na magkasama. Bago kasi kami mapunta rito sa Rizal Park ay pumunta muna kami sa Intramuros upang bisitahin ang Dungeon kung saan nakakulong si Jose Rizal, at ibang mga katipunerong nahuli noon na nakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa mula sa mga mananakop. "Mukhang guwapong-guwapo ka sa boyfriend mo at kanina ka pa nakatitig sa larawan ko." Rinig kong sabi ni Renz. Pagtingala ko upang tingnan siya ay ngumiti ako sa kanya. "Hindi ba puwedeng natutuwa lang akong tingnan mga picture natin na magkasama?" "Okay sabi mo princess. Ito na 'yong fries and drinks mo. Kainin mo na agad habang mainit pa." Wika niya sabay abot sa akin ng binili niya. Pagkakuha ko sa kanya ng fries at drinks ay agad akong kumuha para tikman kung masarap ang fries. Napatango-tango ako habang ninanamnam ang lasa ng fries dahil para akong kumakain ng paborito kong potato fries tapos pinartneran pa ng black gulaman. Kaya medyo nagsunod-sunod ang pagsubo ko ng fries sa bibig ko. "Dahan-dahan lang sa pagkain princess baka mabulunan ka." Nakangiting sabi niya sa akin. "Magkano pala bili mo rito?" Tanong ko para maiba ang usapan. Ngumiti muna siya bago sumagot. "Mura lang naman 120ph para sa fries and drinks. Hindi na masama dahil masarap naman ang tinda nila." "Sabagay. Oo nga pala bukas may dinner tayo sa bahay kasama sina mommy at daddy." Paalala niya. "Yes princess, pupunta ako. Baka magsabay na lang kami ng daddy mo pag-uwi galing opisina." Nakangiting sagot niya pagkatapos ay kumain ng fries. "Tara na! Maglakad-lakad tayo habang kumakain. Parang gusto kong pumunta sa Roxas Blvd. para kumuha ng larawan ng dagat doon." Tugon ko sa kanya pagkatapos ay tumayo ako para unahan siyang maglakad. Naramdaman kong sumunod naman sa akin si Renz. Masasabi kong masaya akong hindi ko pinili ang maging single habambuhay, at papasukin si Renz sa mundo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD