Hindi ko na napigilang lumingon dala nang pagkasabik na nararamdaman.
Agad akong tumakbo sa kanya upang yakapin siya nang mahigpit. "Re-Renz, I thought you were injured or whatsoever. I'm fighting to get you out of my head but Im holding onto every word that you ever said. I really love you, Renz. And I just can't leave without you," naluluhang sabi ko sa kanya. "A-akala ko kukunin ka rin sa 'kin ni God katulad ni Bren. Akala ko sa tuwing magbo-boyfriend ako minamalas sila dahil sa 'kin. Pero pinatunayan mong hindi ako malas at hindi ako dapat mag-isa habambuhay dahil nandito ka na sa harapan ko. Ito na siguro ang oras para sabihin ko sa ‘yo ang gusto kong sabihin. Alam mo ba na sa tuwing sinasabihan mo ako ng mga cheesy lines ay ilang beses kong pinipilit pigilan ang sarili ko na hindi kiligin sa mga pinaggagawa mo kasi nga noong unang nagtapat ka sa akin na mahal mo ako ay naramdaman ko agad na gusto na kita."
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya para tingnan ang reaksiyon niya ukol sa sinabi ko. Nahihiya man pero gusto ko na gamitin ang pagkakataong ito para ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko.
"The best thing about being me, I'm a limited edition, there are no other copies of me. And I'm happy that you confess that you have feelings for me. I love you too Gelli and I'm willing to do anything for you." Simpatikong ngumiti muna siya sa akin bago ipinagpatuloy ang gusto niyang sabihin sa akin.
Pagkatapos ay hinawakan ang aking mukha kaya nagkatitigan kami. Gusto kong umiwas ng tingin ngunit para akong nahihipnotismong tingnan ang mga mata niyang kulay brown. "Kahit pa ang maging korni ako sa paningin mo gagawin ko. Hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo. Handa akong lumuhod kay God sakaling kunin niya ako para balikan ka. Kaya huwag kang mag-alala mahal hindi tinatanggap sa langit ang mga guwapong katulad ko." Naluluha at buong pagmamahal na sabi ni Renz sa kanya.
"Mukhang nakalimutan na ata nilang dalawa na nandito pa tayo mahal at nanunuod sa kanila. Para tuloy akong nanunuod ng teleserye sa nakikita ko," natatawang sabi ng kanyang mommy sa kanyang ama. Pagkatapos ay para silang teenager na naghawak kamay.
Agad nilang pinunasan ang mga luha sa kanilang mukha, at parang walang nangyari na humarap kaming dalawa ni Renz sa kanila.
"Si mommy naman masyadong panira ng sandali naming dalawa," nakasimangot na sabi ko kay mommy.
Ilang minutong katahimikan rin ang dumaan bago sabay-sabay silang nagtawanan habang nakatayo sila sa hallway ng ospital.
Pagkatapos ng nakakapagod na pangyayari ay naisipan na naming umuwi sa kanilang bahay upang makapagpahinga. Magkahawak ang kamay namin ni Renz habang naglalakad na palabas ng ospital.
Pero nagulat na lang ako ng bigla siyang tumigil sa paglalakad pagkatapos ay walang sabi-sabing hinalikan niya ako sa labi saka parang walang nangyari na hinatak niya na ako para ituloy muli ang paglalakad.
Nakita kong nauna na sa aming maglakad sina mommy at daddy papuntang parking area. Kumaway muna sila sa amin bago sumakay ng kotse.
"Ikaw ha? Bakit ka nagnanakaw ng halik? Nakakahiya. Buti di nakita nina mommy at daddy." Kunwaring naiinis na sabi ko sa kanya.
"Kailangan ko pa bang magpaalam kapag hahalikan ka?" Nakangusong sabi niya sa akin na ikinatawa ko.
"Renz itigil mo na nga 'yang pagnguso mo! Akala mo naman ang cute mo riyan." Natatawang sabi ko sa kanya pagkatapos ay hinampas siya sa balikat.
Nakita kong ngumiwi siya sa ginawa ko. Saka ko lang napansin na natamaan ko pala ang balikat niyang may sugat.
"Aray ko naman mahal. Natamaan mo ang sugat ko," nakangiwing sabi ni Renz habang himas ang balikat niya.
Agad ko naman akong nag-alala dahil baka napalakas ang paghampas ko sa balikat niya, at baka dumugo.
"Naku sorry Renz–. Ikaw kasi e. Nagpapa-cute ka."
"I-kiss mo na lang ako para mawala ang sakit." Nakangiting sabi niya sa akin saka itinuro ang labi niya.
Sinimangutan ko lang siya saka nagpatuloy na sa paglalakad. Mayamaya ay naramdaman kong sumunod naman siya sa akin.
"Iiwan mo na lang talaga ako. Alam mo namang may injury ako," nakangusong sabi niya sabay pakita ng balikat niyang may benda.
Ito na naman siya nakanguso na naman.
Hindi niya ba alam na ang cute niyang tingnan.
Baka kapag di ako nakapagpigil mahalikan ko na siya.
"Ano ba 'yan Gelli ang iniisip mo?" Napapailing na sabi ko.
Mayamaya ay bigla na lang may pumatak na tubig sa braso ko. Nagkatinginaman na lang kami ni Renz saka dali-daling pumunta sa kotse kung saan naka-park si Manong Roger.
Hindi ko alam kung bakit parang ang tagal noong baybayin namin ang papuntang parking lot. Samantalang ang lapit lang nito sa paglabas mo ng ospital.
Siguro dahil sa kasama ko si Renz kaya parang bumagal ang takbo ng oras.
Agad na binuksan ni Renz ang likurang bahagi ng kotse saka inalalayan akong sumakay. Umupo rin siya sa kaliwa ko pagkatapos ay isinara ang pinto.
Inilabas ko ang tissue mula sa bag ko saka pinunasan ang ilang basa sa braso at mukha ko.
Kumuha ulit ako ng tissue saka tinulungan kong punasan si Renz sa braso at mukha niya.
Pagtingin ko sa salamin sa harap ng kotse ay malapad na ngumiti sa amin si Manong Roger. "Mabuti naman, at ayos ka na Sir Renz. Alalalang-alala kasi sa 'yo kanina si Gelli noong papunta kami kanina sa ospital. Magpagaling ka para makapag-date na agad kayo."
"Huwag kang mag-alala Manong Roger. Malayo po sa bituka ang tama ng baril sa balikat ko. Hindi lang date ang gagawin namin ni Gelli kung hindi magpapakasal na rin kami." Masayang sabi ni Renz pagkatapos ay humawak sa kamay ko.
"Aasahan ko 'yan sa inyong dalawa ni Gelli, Sir Renz. Hangad ko ang kasiyahan ninyong dalawa." Masayang sabi ni Manong Roger habang nagmamaneho.
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana ng kotse habang pinanonood ang patak ng ulan dahil pakiramdam ko e out of place ako sa pag-uusap nila ni Manong Roger.
Habang nalilibang ako sa pagtingin sa labas ng bintana ay napahikab ako. Mayamaya ay hindi ko namalayang unti-unting pumikit ang talukap ng mga mata ko.
"Sleep tight, Gelli." Masuyong bulong ni Renz sa akin bago ako tuluyang makatulog.