Sometimes all you ever want is someone to want and need you as much as you want and need them.
Habang nagtatrabaho sa kanilang kompanya si Gelli ay hindi niya mapigilang mag-alala para sa kalagayan ni Renz pati ng daddy niya at kanyang Tito Fernando.
Iniisip niya na sana lang ay maging maayos ang pagsagip kay Renz. Dahil hindi niya alam kung ano pa ang maaaring gawin ni Sheryl.
Ilang oras din niyang inabala ang kanyang sarili siya sa kanyang kompyuter. Mayamaya ay bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone kaya nagmadali na siyang lumapit sa kanyang bag para hagilapin ito.
Pagkakita niya ng numero nang tumatawag ay hindi na siya nagdalawang-isip na sagutin ito. Dahil ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay malamang ligtas na ang kanyang kasintahan.
"Gelli, anak pumunta ka rito sa Makati Medical Center. Pinapunta ko na ang drayber natin para sunduin ka riyan. Hihintayin na lang kita sa harap ng ospital," sabi ng kanyang mommy pagkatapos ay naputol na ang linya.
Takot at kaba ang kanyang naramdaman ng mga oras na 'yon. Naisip niya na baka may masamang nangyari sa kanyang daddy at sa tito niya habang sinusubukang iligtas si Renz. Lakad-takbo na ang ginawa ni Gelli para lang makarating agad sa elevator at makababa na sa ground floor ng kanilang gusali.
"Panginoon, sana po huwag niyong pabayaan ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko na po makakaya kung may mawawala pa na isa sa kanila," dasal ni Gelli habang naluluhang naglakad papunta sa kotseng naghihintay sa kanya para ihatid siya sa ospital.
Nakatingin lang kasi si Gelli sa labas ng bintana habang tahimik na lumuluha Nakita niya ang awa sa mga mata ni Mang Roger noong binuksan nito ang pinto ng kotse. Ilang minuto rin ang lumipas noong makarating sila sa labas ng ospital mabuti na lang walang traffic ngayong araw.
Bumalik lang sa dating ulirat si Gelli nang tapikin siya nito sa balikat. Kaya napatingin siya rito at pilit niyang binigyan ito nang ngiti bago siya lumabas ng sasakyan.
"Ma'am Gelli, nandito na po tayo sa Makati Medical Center," nag-aalangang sabi ng drayber sa kanya.
"Mang Roger, salamat po sa paghatid ninyo sa akin. Pasensiya na po kanina kung hindi ko napansing nandito na tayo. Sige po papasok na ako sa loob baka kanina pa nila ako hinihintay," mahinang sabi niya sa kanyang drayber.
"Walang anuman 'yon Gelli. Pagsubok lang sa'yo ito ng Diyos basta huwag ka lang mawalan ng pag-asa. Makakayanan mo 'yan kaya magdasal ka lang sa kanya at palagi ka niyang gagabayan," nakangiting sabi pa nito sa kanya.
Ngumiti muna siya bago tuluyang tumalikod rito para maglakad papasok ng ospital. Habang naglalakad siya ay ipinagdadasal niya na sana walang masamang mangyari sa isa sa mga taong mahal niya.
Sinalubong si Gelli ng kanyang mommy at daddy pati na rin ng kanyang tito.
"Daddy salamat at ayos lang po kayo ni tito. Ano po bang nangyari? Sino po ang na-ospital? Nasaan po si Renz?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Pakiramdam siya ay masaya siya na malungkot. Masaya siya dahil walang masamang nangyari sa kanyang daddy at tito. Pero malungkot siya dahil baka may masamang nangyari sa kasintahan niyang si Renz.
Iniisip niya na baka nga malas siya na magkaroon ng kasintahan dahil napapahamak ang mga ito nang dahil sa kanya.
"Huwag kang mag-alala anak ayos lang ang lahat kaya huwag kang matakot at umiyak pa," nakangiting sabi ng kanyang ama pagkatapos ay niyakap siya.
"Gelli, alam kong ilang beses mo nang pinatatawad ang pinsan mo pero lagi lang siyang gumagawa ng kasalanan sa 'yo. Pero sana ay huwag kang magsawang patawarin siya. Sana rin ay patawarin mo kami ng tita mo dahil hindi kami naging mabuting magulang sa kanya at masyado naming sinunod ang mga luho niya," malungkot na sabi ng tito ko sa akin at nakita ko ang mga luhang namumuo sa mga mata nito.
"Sa totoo niyan tito hindi ko ho kayang magalit sa pinsan kong si Sheryl dahil kadugo ko pa rin naman siya. Masama lang po talaga ang loob ko sa kanya pero alam kong lilipas din ito. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay kung bakit niya po ginagawa ang lahat nang maisip niya para saktan ang damdamin ko. Dahil simula naman po noong mga bata pa kami ay magkasundo naman kami sa ibang mga bagay. May mga pinag-aawayan man kami noon pero lagi naman kaming nagkakapatawaran. Pero hindi ko po alam kung bakit simula ng magdalaga kami ay laging mainit ang dugo niya sa 'kin," malungkot na sabi niya sa kanyang tito.
"Iha, pagpasensiyahan mo na ang anak kong 'yon. Nabulag lang siguro siya ng galit at inggit sa'yo simula ng maging kayo ni Bren na naging matalik niyang kaibigan at minahal niya ng lihim. Akala kasi niya noon magiging sila kaya panatag siya na isang araw liligawan siya nito. Pero hindi niya inakalang noong ipakilala ka niya kay Bren ay mahuhulog ang loob nito sa 'yo katulad ng ipinakilala ka rin niya kay Ivo. Hindi namin inakalang magiging ganito ulit si Sheryl paglipas ng mga taon na nasa ibang bansa siya. Pe-pero ngayon siguro hindi ka na mag-aalalang guguluhin ka pa niya ulit dahil kanina lang ay humingi siya ng tawad sa lahat ng mga ginawa niyang kasalan bago siya namatay," umiiyak na sabi ng kanyang tito na ikinagulat ko.
"Pa-paanong nangyaring na-namatay si Sheryl, tito?" naluluhang tanong ko sa kanya.
Nalungkot siya sa nalamang balita tungkol sa pagkamatay ng pinsan niya. Kahit may sama siya ng loob dito ay hindi niya hiniling na mamatay ito.
"Hindi sinasadyang nabaril siya sa dibdib ng isa sa limang pulis na kasama namin habang nakikipagpalitan ng putok. Dinala namin si Sheryl rito sa ospital pero sa kasamaang palad ilang minuto lang bumigay na ang katawan niya pagkatapos niyang humingi ng tawad. Pagkatapos nun ay nahuli ang kasama niya na lalaki na si Kenneth na kasabwat niya sa pagdukot kay Renz," malungkot na sabi nito habang hinahaplos ng kanyang daddy ang likod ng kanyang tito.
Alam niya kung gaano kasakit ang mawalan ng taong minamahal at ramdam niya ang sakit kung paano ang mawalan ng taong minamahal.
"Pa-patawad tito, hindi na siguro aabot ang lahat dito kung sinabi niya lang sa 'kin ang problema niya at hindi sinarili. Pero nangyari na ang lahat at alam ko po may dahilan ang Diyos kung bakit nangyari ang lahat ng ito sa atin.”
Naramdaman niyang niyakap siya ng kanyang mommy at daddy. Nang dahil doon ay ramdam niyang hindi siya nag-iisa.
"Sige Gelli, Kuya Jorge, at Ate Luz aalis na ako para asikasuhin ko ang mga papeles ni Sheryl."
Kita ang lungkot sa mata ng kanyang tito ngunit makikita mo na kahit papaano ay may kaunting saya sa kanyang mga mata. Tumalikod na siya para umalis sa papunta sa lugar kung saan nakalagak ang kanyang anak. Alam kong masaya na si tito kung saanmang lugar si Sheryl naroon. ‘yong hindi nababalot ng inggit at pagkasuklam sa ibang tao. Sa mundo kung saan ay magiging mapayapa na ang kanyang pamumuhay.
"Dad, nasaan po pala si Renz? Bakit hindi niyo po siya kasama?"
Bumalik ang pag-aalala sa kanyang mukha dahil naalala niya ulit ang kanyang kasintahan. Nakita niyang sasagot na sana ang kanyang ama ng may matanaw ito mula sa malayo.
"Gelli," tawag ng isang pamilyar na boses na dahilan nang biglang pagbilis nang t***k ng kanyang puso.
Lumingon siya upang matiyak na hindi siya nagkakamali sa hinala niyang kilala niya ang lalaking tumawag sa kanya.