Episode 1
Episode 1
Klea's POV
"Klea ano na !!bilisan mo naman mahuhuli na tayo sa
trabaho"..iritadong tawag sa akin ng aking katrabaho at naging matalik na kaibigan narin nang katagalan . "Hah ahhhhh heto na danica sorry naman " sagot ko sa kanya habang punong puno ng iniisip at nakapangalumbaba sa mesa ng aming inuupahang bahay dito SA Cubao Quezon City .Tatlong taon narin akong nakatira dito simula ng magpasya akong makipag sapalaran dito sa maynila."Tulala ka nanaman dai " Sabi niya sa akin habang Ako naman ay naglolock ng aming tahanan at dai narin naging tawagan namin bilang magkaibigan .."Ang Dami ko kasing iniisip dai alam mo naman yun diba exam week na Wala parin akong pangbayad paano Ako makakapagexam nito ."sagot ko sa kanya habang sinusuksok ang susi sa aking bag ...Parehas Kasi kaming working student sa isang mamahaling bar.. cashier Ako at siya naman ay sa front desk at Isa siya sa nakikipagusap sa mga customer Lalo na pag may mga nagiinquire sa bar...Maala ko pa nga na sabay kaming naghanap Ng trabaho dito sa sa makati hanggang sa may nakita kaming nagaabot ng papel at sinasabing hiring daw nga sa bar...Halos mapatalon kaming dalawa noon sa kasiyahan Nang makausap kami ng may-ari ng bar Hindi man maganda sa iba dahil SA bar kami nagtatrabaho at panggabi pa ang aming duty ngunit para sa amin ay Wala na kaming dapat ipaliwanag sa iba kahit pa nga inaasar kami ng mga ibang estudyante sa aming eskwelahan parehas kaming nagaaral sa pamantasan ng Quezon City. "Danica pumunta ka daw sa office ni bosing mainit ulo ..." Umagaw pansin sa akin habang nagsusukli sa waitress ng bar Namin nakasuot Ng bunny sa kanyang ulunan at pink and black na sexy skirt..."Dai Dyan ka Muna hah akyat lang Ako..." Nakangiting paalam nito sa akin ..Buti nalang at dalawa ang cashier na nakatoka Ngayon dahil sa sabado ngayon maraming tao .. "Sige dai " sabay tango bilang balik na sagot..Dalawang buwan na simula ng may maramdaman akong kakaiba sa kanya at Kay bossing mark na Isa SA may ari at naghire sa amin dito SA bar .Mabait si sir Mark kalog at lagi nakikipagbiruan sa Aming mga tauhan Niya ... Ang Sabi SA Amin Ng manager Ng bar dalawa daw Ang may Ari Ng bar na ito si sir Mark Ty at Isang Andrew Samaniego daw ang pangalan na Hanggang ngayon ay Hindi parin nag papakita simula Ng mag bukas itong bar limang taon na ang nakalipas ... Nagulat nga Rin kaming dalawa ni Danica dahil ang bata ng boss namin 25 years old Siya nun pero may Pagaari na ng isang bigating bar Dito sa bgc .. Hindi rin kasi Basta basta Ang mga nagpupunta Dito dahil MGA foreigner, artista,politicians at IBA pang matatas na sektor sa lipunan ang dumarayo rito.."Girl parang lagi pinapatawag no bossing si Danica diba best friend mo yun?..." Kalabit ng Kasama ko sa cashier area mas nauna pa sa amin ito Ng Isang taon sa trabaho. "Hah ehh Hindi ko alam pero baka may binobook at binigay ulit na customer SI bossing " Dahilan ko sa kanya pero pakiramdam ko ay may kakaiba na sa kanyang ikinikilos ... Matagal konng kakilala si Danica magaling Siya makipagusap , maganda , kayumangi , Malaki ang hinaharap at sakto lang Ang laki nya na 5'2 Yung iba kasing lalaki minsan sinisipulan Siya Lalo na paglabas na labas Ang cleavage Niya sa suot na sando or spaghetti strap na damit na kabaligtaran ko naparati naka pajama,leggings at t shirt tapos mapuntla pa akong tignan dahil sa aking pagkaputi kaya Minsan Hindi maiwasang pagkumparahin kaming magkaibigan ... "Talaga ba Ewan ko nalang sa kaibigan mo pero parang may something sa kanila ni bossing " tsismosang palaka Niyang sabi " Ano kaba Jade Hindi Naman siguro ganyan kaibigan ko" balin ko sa kanya sabay Ali's sa tabi niya . Minsan Hindi ko din maiwasan magisip Lalo na Isang Oras o higit pa kung mawala siya dito SA front desk Namin Minsan may kiss mark akong nakikita sa kanyang leeg Nung Minsan mapansin Kong pagkagaling niya sa itaas Isang buwan na Ng lumipas .Ngunit ayaw ko siyang maooffend pag sinabihan ko Siya tungkol sa napapansin ko sa kanya."speaking of the b***h " mahinang Sabi ngunit nakatingin sa parating na si Danica "Ano Kaba jade bunganga mo !!!" Iritado kong balin sa kanya at irap Niya sa akin na umalis..."Dai problema nun ?" Nang makababa si Danica galing second floor ng bar dahil naroon din ang opisina at vip area Ng bar.... "Wala Ang tagal mo daw .." Yun nalang ang nasabi ko ... Balak ko na Kasing kausapin ang kaibigan kong ito .. Medyo namumula ang kanyang labi natila nakagat ng bubuyog "ahhh si bossing Kasi Ang daming sinabi about sa booking na pagdating daw Ng kasosyo Niya dito SA bar " nakangiti niyang Sabi at bumalik na sa kanyang pwesto.Sa sobrang dami at tuloy tuloy na pagbabayad SA akin at sa kanya Naman ay nagiinquire Hindi na kami nakapagusap...