bc

Tropang Pvke & Tropang Assassin

book_age18+
653
FOLLOW
5.5K
READ
billionaire
HE
badboy
badgirl
independent
brave
mafia
gangster
bxg
lighthearted
kicking
surrender
like
intro-logo
Blurb

Itong story pong ito ay pinagsama ko ang tropang pvke at tropang Assassin. Kung matagal na po kayong reader ko mula sa ibang platform ay kilala niyo na ang mga assassin na tinutukoy ko. Gusto ko lang matawa dahil nakakastress ang buhay kaya naisipan kung gawin ang story na 'to. Paki follow nalang po ako dito sa Dreame mga mhie. Salamat po! Free lang po ang story na 'to kaya sana mag enjoy po kayo. Palambing nalang po, ma follow nalang po ako sa mga acc0unt ko lalo na po sa páge ko para updated po kayo palagi. Fäc3bo0k Acc: Cruz Wp/Author CruzFâcêbo0k page: Author X X R I E G O Z Z X X

chap-preview
Free preview
Ang pagkikita
Tropang Pvke and Tropang Assassin Salem’s Pov PASIPOL SIPOL ako habang nagmamaneho ng sasakyan. Ang walangyang Lucifier ay ginawa akong driver. Sa pogi kong ‘to ay ang kapal ng mukha niya para gawin akong driver. “Bilisan mo kayang magmaneho. Ang bagal mong ungas ka!” Saad ni Lucifier sa ‘kin kaya nilingon ko ang alagad ni Satanas. “Manahimik ka dyan! Itulak kita palabas eh!” Saad ko at mas lalo kong pinatakbo ang sasakyan ng mabilis. “Maneho lang ako ng maneho dito pero hindi mo sinasabi kung saan tayo pupunta! Tangina ka din eh no!” Inis kong sabi sa kanya kaya natawa siya. “Oo nga no! Sa grocery tayo. Bibili lang ako ng cerelac.” Saad niya kaya napatango tango ako. Pinatakbo ko ng mabilis ang sasakyan upang makarating kami agad sa pesteng grocery. Hihingi talaga ako ng bayad mamaya kay Lucifier dahil pogi ako eh. Dapat ang katulad ko ay hindi pinagmamaneho. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa sinasabi niyang grocery. Naghanap lang ako ng mapa-parkingan dahil balak kong sumama sa kanya. Magpapabili din kasi ako para naman makabawi ako. Bumaba ako ng sasakyan pati na din si Lucifier. Sabay kaming naglakad papunta na entrance ng grocery. “Cerelac lang ba ang bibilhin mong hayop ka? Para sayo ba o sa anak mo?” Tanong ko kay Lucifier. “Para sa ‘kin. Napektusan na naman kasi ako ni Heart eh. Ayaw akong bigyan ng cerelac.” Sumbong niya sa ‘kin. “Pandak ang asawa mo.. di mo man lang mailagay sa sako yun.” Walang buhay kong sabi kaya natawa siya. “Gago! Mahal ko ang asawa ko. Ikaw nga.. takot ka din naman sa asawa mo.” Sabi niya kaya napabuga ako ng hangin. Pareho kaming mga takot sa asawa namin. Matapang naman akong tao pero kapag si Courtney na ang kaharap ko ay natatakot na ako. Bibig pa lang no’n parang armalite na eh. Pumasok kami ni Lucifier at kumuha na siya ng basket. “Libre mo din ako ha! Gusto kong bumili ng biscuit. May pupuntahan pa kasi kami ni Lucifier pero nag aya naman ang gago kaya pumayag na din ako. “Kumuha ka lang dyan! Akong bahala sayo.” Mayabang niyang sabi kaya napangisi ako. Kumuha na din ako ng basket kaya nawala ang ngisi ni Lucifier. “Parang madami ka yatang kukunin ahh.. Gusto mo bang suntukin kita ha!” Pagbabanta niya sa ‘kin pero binelatan ko lang siya. Bahala siya sa buhay niya. Siya nag aya kaya dapat lang na siya ang magbayad. Hindi na ako sumabay kay Lucifier at tinungo ko ang mga chocolate. Gusto kong kumain ng chocolate. Mas nakaka gwapo kaya kumain ng chocolate. Sikreto ng mga poging katulad ko. Nahanap ko naman ang mga chocolate kaya mabilis akong kumuha. Iba’t ibang uri ng chocolate ang kinuha ko para masaya. Hindi naman ako ang magbabayad eh, si Lucifier naman kaya kukuha ako hanggat gusto ko. Naisipan kong kumuha pa ng ibang pagkain kaya nag ikot-ikot akong muli hanggang sa may nahanap akong malaking salamin. Agad akong huminto at nagpapa cute sa salamin. Ang pogi ko talaga at ang macho. “Tangina! Ang gwapo ko talaga. Ang ganda kong lalaki.” Papuri ko pa sa aking sarili. Pinapasingkit ko pa ang mata ko habang kagat ang ibabang labi. “Baka mabasag ang salamin..” biglang may nagsalita sa kaliwang side kaya napalingon ako do’n. May nakita akong isang lalaki. Sa unang tingin ay masasabi ko na talaga na mas gwapo ako. Lamang na lamang ang kapogian ko kaysa sa lalaking ‘to. “Ako ba ang kausap mo?” Tanong ko sa kanya. “Yes!” Sagot niya saka siya naglakad papunta sa tabi ko. “Umusog ka nga! Titingin din ako ako sa salamin.” Sabi niya habang inaayos ang brown niyang buhok. Natawa ako ng mahina. “Ayos ahh.. kailangan ba talagang tumabi ka sa ‘kin? Hindi pa ako tapos purihin ang gwapo kong mukha.” Saad ko sa lalaking inagawan ako sa salamin. Tumigil siya sa pag aayos ng buhok niya at tumingin sa ‘kin. “Gwapo ka ba? Saan banda?” Tanong niya kaya natigilan ako. “Aba’t loko ka ahh.. hindi mo ba nakikita ang kagwapuhan ko ha? Baka naman malabo ang mata mo, tsong.” Saad ko at kulang nalang ay batukan ko ang gagong ‘to. “Hindi din. Wala naman kasi akong makitang kagwapuhan sayo. Mas gwapo pa ang pwet ko sa mukha mo.” Saad niya sa bored na boses. “Ulol! Naghahamon ka ba ng away ha! Doon tayo sa labas.” Panghahamon ko sa kanya. “Wag na, baka mapahiya ka pa.” Aniya saka umalis sa tabi ko. Gagong ‘to! “Wag daw pero tagilid naman ang gago.” Sabi ko saka ako naglakad at sa ibang direksyon ako tumungo. Baka makita ko pa ang pangit na yun. Kung may girlfriend na ang taong yun ay talagang masasabi kong napaka malas. Naglakad na ako at hinanap ko si Lucifier. Nakita ko ang kaibigan ko na punong puno ng cerelac ang basket niya. Kinulang na naman yata sa aruga ang gagong ‘to. “Tapos ka na ba?” Tanong ko sa kanya ng makalapit ako. “Oo. Tapos na ako. Tara na sa counter, bayaran na natin ‘to.” Aya niya sa ‘kin at nauna pang maglakad. Tinungo namin ang counter. Walang pila kaya inilagay na agad ni Lucifier ang mga pinamili niya. Ginaya ko din siya at inilagay ang mga pinagkukuha ko. Ilang sandali pa ay natapos na ang cashier at ngumiti kay Lucifier. “4,500 po lahat, sir.” Sabi ng babae. “Okay..” tipid na sagot ng kaibigan ko at agad na kinapa ang wallet niya sa likod ng pantalon niya. Habang kinakapa niya ay nakakunot ang noo niya. “Teka.. nasa’n ang wallet ko?” Tanong ni Lucifier. “Aba’y malay ko sayo.” Sagot ko naman. “Nasa bulsa ko lang yun eh. s**t!” Aniya at panay ang kapa parin sa bulsa ng pantalon niya. Napailing nalang ako dahil na scam na naman yata niya ako. Mukhang ako na naman yata ang magbabayad nito. Wengya ‘tong lalaking ‘to! Kinapa ko na ang likod ng pantalon ko dahil ang babaeng cashier ay panay na ang tingin sa’min dalawa ni Lucifier. Baka mapagkamalan pa kami nitong hampaslupa. Ang gwapo ko naman yata kung ganun. Ngunit agad akong napakunot ang noo ng hindi ko din makapa ang wallet ko. “Hala..” sabi ko pa at talagang siniguro ko kung wala ba talaga ang wallet ko. “Wala din ang wallet ko..” saad ko kay Lucifier. “What the hell!” Dinig kong sabi ni Lucifier kaya tumigil kaming dalawa at parehong nanlaki ang mata namin dalawa. Narealize namin na wala kaming pangbayad. Tangina talaga! “Ahm.. miss ganda..” sabi ko pa sa babaeng cashier. “Ahm.. pwede ba naming itabi muna. Babalikan lang namin. Nawawala kasi ang wallet na—” “Hindi po pwede, sir. Naka punch na po kasi kaya kailangan niyo pong bayaran.” Saad ng babaeng cashier. Pinagpawisan ako ng malagkit dahil pinagtitinginan na kami sa ibang counter. Buong buhay ko ay hindi pa ako nasangkot sa ganitong bagay. Wengya talaga! “Kapag hindi niyo po nabayaran, sir, tatawag na po ako ng guard.” Pagbabanta pa ng babaeng cashier kaya pareho na yata kami ni Lucifier na pinagpapawisan hanggang singit. Wala pa naman kaming dalang cellphone. Iniwan ko sa bahay samantalang si Lucifier ay nakita ko kanina na iniwan niya sa kotse. Hindi tuloy kami makatawag sa mga kaibigan namin. Wengya! “Guard..” sabi ng babaeng cashier kaya nataranta ako. Handa na sana akong sayawan si ate ng jumbo hotdog para sana palusutin kami ni Lucifier ng may sumulpot sa likuran namin ng kaibigan ko. “Isali mo na ‘to, miss.” Sabi ng lalaki. Siya yung mayabang na inagawan ako ng salamin. Tumingin siya sa’min ni Lucifier at umangat ang isang sulok ng labi niya. “Ang titikas ng mga katawan niyo pero wala pala kayong mga wallet.” Sabi niya sa’min kaya nagkatinginan kami ni Lucifier. “Aba’t gagong ‘to..” inis na sabi ng kaibigan ko at handa na sanang sugurin ang lalaki pero pinigilan ko upang hindi na magkagulo. “Ikaw na po ba ang magbabayad sa pinamili nila, sir?” Tanong ng babaeng cashier sa hambog na lalaki. Inaamin kong hambog ako pero mas hambog ang gagong ‘to. “Oo, miss. Mukhang mga dukha kasi..” sabi pa ng lalaki kaya nanginginig na si Lucifier sa inis. “Okay po, sir. Bali 5,523 po lahat.” Sabi ng babaeng cashier kaya agad na ngumiti ang mayabang na lalaki. Kami naman ni Lucifier ay parang mga tuta sa gilid. Kinapa ng lalaki ang wallet niya at agad na kumunot ang noo niya ng wala din siyang makapa. “Teka lang, miss.. nawawala din ang wallet ko..” sabi niya kaya agad na pumameywang ang babae. “Ako ba talaga pinagloloko niyong tatlo? Mag modus niyo yan eh no! Kunwari nawawala ang wallet. Ayaw niyo magbayad? Sige, magpaliwanag nalang kayo sa mga pulis..” sabi ng babaeng cashier at nagtawag ng guard. Dapat ay kaming tatlo lang ni Lucifier ang nataranta pero dahil nakisali ang abnormal na mayabang ay tatlo na tuloy kami. Wengya! Ilang sandali lang ay dumating ang mga gwardya at kahit anong paliwanag namin ay ayaw nilang maniwala. Sa presento ang bagsak naming tatlo kapag hindi kami nagsabi ng totoo at magbayad ng mga pinamili namin. Nasa office kami ng manager at nakaupo kaming tatlo. Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil hindi ako makapaniwala na mangyayari ‘to sa ‘kin. Wengya talaga! Nakiusap si Lucifier na kung pwede ba makitawag sa phone ng manager upang tawagan ang mga kaibigan namin. Pumayag naman ang manager kaya ang tinawagan niya na alam niyang makakatulong agad ay si Ruwi. Mabuti nalang at sumagot agad. Puro mura ang inabot ni Lucifier habang kausap si Ruwi sa phone. Mabuti nalang at hindi ako ang tumawag kundi bugbog ang kapogian ko. Hinihintay nalang namin ang pagdating ni Ruwi upang palayain na kami dito. Ilang sandali lang ay dumating ang nag iisa naming prinsesa na siga. “Anong nangyari?” Tanong agad ni Ruwi ng makapasok. Agad naman na tumayo ang manager sa kinauupuan niya at ngumiti kay Ruwi. “Good day, madam! May binili po sila dito sa grocery pero wala po pala silang pangbayad.” Saad ng manager kaya napanguso ako lalo na’t masamang nakatingin si Ruwi sa’min ni Lucifier. “Ako na pong magbayad, sir. Pasensya na po sa ginawa ng mga kaibigan ko.” Panghihingi ni Ruwi ng pasensya. Nagtataka talaga ako kung bakit nawawala ang mga wallet namin pati na din sa mayabang na kasama namin. Agad na inaayos ni Ruwi ang problema. Nakahinga na kami ng maluwag dahil ayos na, makakalabas na kami. Tumayo na kami ni Lucifier mula sa pagkakaupo. Ngunit napatigil ako ng biglang may humawak sa kamay ko. “Uy, teka.. paano naman ako. Baka pwedeng isali niyo naman ako.” Sabi ng lalaking mayabang. “Who you?” Sabay namin na sabi ni Lucifier. Napakamot sa likod ng ulo niya ang lalaki. “Ang yabang mo pa kanina. Yun naman pala, pati ikaw walang pangbayad! Bahala ka dyan, hindi ka naman namin kilala. Magdusa ka!” Inis na sabi ni Lucifier. Agad naman na tumakbo ang lalaki kay Ruwi at agad na hinawakan ang kamay ng kaibigan namin. “Hoy! Wag mo ngang hawakan ang kamay ng kaibigan namin.” Saway ni Lucifier sa lalaki. “Please.. isalba mo din ako. Kailangan ko ding makaalis dito eh,” sabi ng lalaki kay Ruwi. “Who are you?” Tanong ng kaibigan namin at hinila ang kamay niya na hawak ng lalaki. Umayos ng tindig ang mayabang na lalaki habang nakatitig kay Ruwi. “Honey Zamora,” sabi ng lalaki kaya nagkatinginan kami ni Lucifier saka kami nagtawanan. “Kalalaking tao.. Honey ang pangalan.” Sabi ko habang tumatawa. “Ang yabang pa ng animal..” saad din ni Lucifier. Nilingon kami ng lalaking may weird na pangalan at pinukol niya kami ng masamang tingin. “At least ako pogi, kayong dalawa parang mga bouncer sa club na malapit na magsara dahil nalugi.” Sabi niya kaya pasugod na naman sana si Lucifier. Mabuti nalang at nahila ko ang damit niya kaya napigilan ko. Natigilan lang kaming tatlo ng batukan kami ni Ruwi. Patas pa talaga dahil kaming tatlo ang binatukan. Ang lakas talaga ng trip ni Ruwi, kahit hindi niya kilala ay kayang-kaya niyang batukan. Wengya talaga! Author's Note: Pa add sa library ninyo ang story upang mag notif bawat update ko. Hindi ko mapapangako na palaging may update dito, susubukan ko lang isingit. Free lang po ito hanggang dulo dahil kulitan lang po ito ng mga character ko sa wâttp*d na assassin series at dito sa Dreame na tropang pvke. Pa føll0w po ako sa aking fâc3bo0k páge Author X X R I E G O Z Z X X upang malaman ang mga stories na sinusulat ko. Salamat po!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.7K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
104.9K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

Dangerous Spy

read
322.5K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
57.9K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook